O gerero'y namulat sa marahas na mundo,
ika'y namimiyapis nang todo,
sa labanan ng buhay ika'y nahapo
ngunit, katapangan ay ipinamalas mo.Lumusong ka sa labanan
kahit 'di alam ang patutunguhan,
sino bang sasayod niring mundong walang kasiguraduhan?
pati araw ng kamataya'y walang nakakaalam.Iyong nalasap ang lalong hinagpis,
dugo't pawis mo'y bumabalisbis,
nahambal sa 'yo ang dakilang Poon
habang dumako ka sa 'yong paroroon.Sinalubong ka ng 'yong kaaway;
bagyo, lindol, wasiwas ng buhay
ngunit, 'yong itimong mayro'n kang kaagapay
at balang-araw kagalaka'y iwawagayway.Isa kang gerero't may kasamang soldados,
sa dakilang altar ng kataas-taasang Diyos,
ipiko ang 'yong mga tuhod;
ito'y matinding sandatang sisira sa muog.
BINABASA MO ANG
Scribbled
عشوائيpinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...