Umusbong na ang dilim saka mo naramdaman ang kakaibang tawag ng 'yong laman. Balintataw mo'y lumalawig sa 'di kaaya-ayang imahe na nagpapukaw ng 'yong maselang bahagi ng katawan. Naulinigan mo ang bulong ng 'yong konsensya ngunit 'di mo ito pinagtuonan. Unti-unti mong sinakyan ang gawa ng diyablo sa loob ng 'yong silid-tulugan. Pigil ang 'yong hininga upang walang ni sinuman ang makakaalam.
Isa kang ganid! Hayop na matakaw. Sa gabi ika'y uhaw na uhaw. Tunay na realisasyon ay 'di mo nasaklaw. Kaluluwa mo'y unti-unti nang naagaw. Sa Hades, ikaw talaga'y matutunaw.
Pakatandaa'y temporaryo lamang ang kasiyahang 'yong mararamdaman sa gawaing kasuklamsuklam. O tao, kaligtasan mo nawa'y iyong bigyan ng pakialam. 'Di pa huli ang lahat, sa kasalanan ikaw na'y magpaalam. Iluhod ang 'yong mga tuhod at sa Kanya'y humingi ng kapatawaran. 'Di pa huli ang lahat, sumuko't magbagong-buhay para sa Kanyang kaluwalhatian. Magiging bunga'y kapanatagan.
BINABASA MO ANG
Scribbled
Randompinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...