Part 1

14 0 0
                                    

ONE

In my school, minsan ka lang makakarinig ng mga haka-haka at istorya na nakakatakot. Minsa'y nakakapaniwala, minsan nama'y walang kasiguraduhan kung totoo nga ba. Gayung hindi naman natin ito nakita sa mismong mga mata natin. And I can say the same, hindi ako maniniwala hangga't hindi ko ito nakikita sa sarili kong mga mata.

Okay naman ang daloy ng buhay ko sa paaralang ito. Wala namang problema maliban nalang sa misteryoso naming class adviser. Mabait naman siya kung sa tutuusin, magaling magturo si Sir Alevaro at hinding hindi ka maboboringan sa klase niya. Subalit isang araw, pumasok siya sa klase namin na may atmosperang hindi namin maintindihan.
Parang ang cold niya bigla at hindi siya bumati agad sa amin pagpakapasok niya. Usually kasi, sasalubungin niya kami nang malakas na boses na may enerhiya at tatanungin kung kumusta ang araw namin. Subalit ng araw iyon, walang pagbati na nangyari. Dumiretso lang si Sir sa kaniyang table at hindi man lang kami tiningnan. Dahil doon, nanibago kami at nagtaka. Tahimik ang lahat at ni isa sa amin ay walang naglakas loob na magtanong. Buong klase noong araw na iyon. Sa buong oras ng klase ni Sir ay hindi siya kumibo at nagsalita. Nandoon lang siya sa kaniyang mesa, nakatingin sa kawalan, hindi kami pinansin at hindi man lang nagsalita ng kahit ano.

Sir Alevaro's sob made us even more quiet. He was crying, tears are streaming down to his cheeks but he's trying to suppress his voice. You can hear him sobbing silently. All of us, my classmates, looked at each other confusedly. We all shrugged our shoulders not knowing what was happening and not even aware of what to do. Should we go and comfort him? Or should we just leave him alone. Dahil hindi sa lahat ng oras maiintindihan namin kung anuman ang pinagdadaanan ng titser namin.

Pero bago pa man kami makapagsalita, tumayo na agad si sir dala ang kaniyang class records at lumabas. Ni hindi niya man lang kami pinansin o kaya't nagpaalam.

Isang himala, dahil sa mga sumunod na oras ay walang kahit isa sa mga subject teacher namin ang pumasok, ang ginawa lang namin buong araw ay umupo, maglaro, mag-usap o di kaya't magselpon. Umuwi kaming medyo walang enerhiya dahil pumunta kami ng paaralan na wala man lang natutunan sa araw na ito. Lalo pa't katakha-takha parin ng inasta ng titser namin kanina. I sighed deeply after arriving to the house and went straight to my room. Nagulat pa ako't organize lahat ng gamit at malinis. Siguro maganda ang araw ni Mama.

Kinabukasan, maaga ulit akong nagising para pumunta sa paaralan. Nagtaka pa ako't paggising ko'y wala si Mama. Wala man lang siyang iniwang text o sulat kung saan siya pumunta. Pero anyways, ako nalang ang gumawa ng breakfast ko tsaka naligo at nagbihis. Nagmamadali pa akong lumabas ng bahay dahil male-late na ako.

Dali-dali akong pumasok sa gate at naglakad papunta sa classroom. Hindi na chineck ni manong guard ang I.D ko dahil busy siya sa pag-check sa ibang estudyante. Bahala na, kilala naman na ako ni manong. Tumingala ako pagkarating ko sa harap ng building namin.

Hanggang 4th floor ito at sakto pang nasa pinaka ibabaw ang room namin. May nakasabay pa akong maglakad ss hagdan paitaas.

"Uy, nabalitaan mo na ba ang nangyaring aksidente?" rinig kong tanong ng isang estudyante na kasama ko papunta sa itaas. Nasa likuran ko sila kaya't nagpanggap nalang akong hindi nakikinig.

I just listened to their talk while walking ahead of them.

"Grabe 'no, sobrang brutal ng inabot nila. Hindi naman lahat ng bus accident ganun yung nangyayari diba?" sambit din ng isang babae.

"Parang ayoko na tuloy sumali sa mga field trip na yan, eh. Halos karamihan daw sa kanila ‘di na makilala. Eh ang sabi daw nawalan ng brake yung sasakyan. Hindi ba nila na-check bago umalis?"

"Na-check daw eh. Okay naman daw lahat-lahat bago sila umalis. At ang nakakataka, yung dalawang adviser na kasama, eh, buhay pa. You know si Mrs. Alvarez at Mr. Dela Cruz? Kritikal pa raw ang buhay nila sa hospital. Pero may chance na magising sila. Nasa coma lang." Mahabang eksplenasyon ng babae. Napanganga ako sa sinabi nila.

Mrs. Alvarez at Mr. Dela Cruz? Isa sila sa mga subject teachers namin ah. Anong nangyari?

"Hala... Parang ayoko na tuloy umakyat sa fourth floor," sagot naman ng isang babae.

Fourth floor? That is where our room is.

"Anong room nga ulit sila?"

"...room 16."

The girl's answer made me stop. Isang liko ko nalang sana papunta sa fourth floor pero dahil sa sinabi niya napahinto ako.

I looked back and found out na lumiko na silang dalawa. I'm guessing that their room is in the third floor. Room 16?

I looked up and continued to walk upstairs. I stopped after reaching the last step upstairs. Lumiko ako at naglakad sa hallway. One step...two steps...three steps...four steps...fifth steps. Hanggang sa nagmadali akong naglakad papunta sa classroom namin.

Weird? Walang kahit isang estudyante dito sa fourth floor. All of the room were closed.

I halted after reaching the front of our classroom. Tiningnan ko ang classroom namin habang hinihingal ng kaunti. I froze. Our room is closed. There's a sign written in front of of the door.

"This room is restricted. Anyone is forbidden to enter." It was a very big sign written in both the entrance and exit doors of our room. Napa atras ako. Hindi ‘to totoo, diba?

I can't believe it. I mustered all of my courage to look above the entrance door. There... is a number. After looking at it, a lot of scene flashed back in my mind. I fell after feeling the dizziness.

There were shouts in my mind. The screeching sound. A voice asking to stop. A voice yelling for help. A voice murmuring their mother or father's name. Until a very loud crashing sound can be heard. A tear fell on my left eye. I looked up again. There it is... our room. The room where me and my classmates shared our happiness and sadness together. The room where we argued for what is right and wrong but also my companions just to get passed grades. The room where we made our memories as a teen together. But it all vanished after that unexpected accident.

Room 16.

R O O M 16 (Sixteen Series #1)Where stories live. Discover now