Part 9

2 0 0
                                    

NINE

A lot of things can happen on the very first day of school.

There's the sense of unfamiliarity. Being overwhelmed by the new faces. Embarassment when told to introduce yourself. And the nervousness.

You would be shy at first. Hesitate to interact at first. But after that very first day, and the next day proceeds, you'll find yourself starting to get to know the people you thought were strangers, at first.

At iyan ang nangyayari sa amin ngayon. After that familiar name sounded, all of us went silent.

Kiara Gonzales. She's always a top one student when it comes to academics. Madami na siyang nasalihang contest, quiz bee's and she's also an athlete. Hindi maaaring hindi papanting ang tenga mo kapag narinig mo ang pangalan niya. She's famous, I admit. She has a good and clean record as a good student model for all. But...how did she end up here in room 16?

Hindi lang ako ang nagtataka, pati na rin ang mga kasamahan ko sa silid ito. Kilalang-kilala si Kiara sa buong school kaya hindi maaaring hindi rin sila magtataka.

Our new adviser, probably saw the confusion in our eyes.

"Okay, thank you. You two may seat."

Agad na umupo ang dalawa sa bakanteng upuan sa unahan. Marami pa namang upuan na bakante pero dahil iyon pinakamalapit ay iyon nalang ang pinili nila.

"As you can see. Ms. Kiara Gonzales here, was recommended by the principal himself to be put in room 16...not because she has a stained record but because our principal knew that she'd be a good model and leader for all of you to learn and reflect. Hindi ko na siguro kailangang i-elaborate kung ano ang ibig kong sabihin, huh?" Mr. Alevaro stated.

A lot of them nodded their head, but some just listened. Hindi ba parang nakakahiya iyon? Top student ka pagkatapos ay ibababa ka lamang sa section na puro may bad record na sa good moral para lamang ikaw ang maging daan sa pagtino nila? If I were to put myself in her situation, siguro magr-refuse ako. What did the principal say to convince her? Hindi ako maniniwalang pumayag siya ng walang importanteng rason ang Principal.
Nevermind that, sa kaniya na iyon, bakit ko pa ingu-ngudngod ang sarili ko sa personal niyang buhay?

I clicked my tongue after Mr. Alevaro did his introductions about the lessons and discussions.

Wala namang kahit anong special ang nangyari sa unang araw ng klase. Aside from the introductions, getting to know each other and chikahans.

Maayos naman pala kasama si Kiara. She managed to interact with some of the girls in the classroom already. Feeling ko nga sa susunod na araw, eh, close na agad sila ni Shane. Baka mag-bff na nga.

How did I know? Because she's currently blabbering beside me.

"Akala ko talaga si Kiara yung tipong may mala-maldita na attitude! Kasi alam mo 'yun, yung aura niya kapag hindi siya nakangiti. Kasi 'yung mga matatalino sa wattpad mga ganun diba?! Kapag seryoso kase ang mukha, eh, nakakunot ang kilay. Tapos yung mga mata niya kung makatitig, eh, parang may isang dekadang galit sa'yo! Pagkatapos noong kinausap na namin siya kanina at nung ngumiti na, ay! Sira agad bad impression ko sa kaniya!" natatawang kuwento ni Shane.

Kanina pa nga ingay ng ingay. Halos lahat ata ng kaklase namin ay binigyan na niya ng rating out of ten base sa first impression niya. Muntik na nga akong maghanap ng scotch tape sa bag at itatampal sana sa bunganga niyang sobra pa kung humarurot sa sasakyan. Ewan ko nga din kung paano ko nakakayanan ang isang 'to.

Napakamot nalang ako sa ulo at kinuha ang cellphone sa bulsa. Palabas na kami ngayon ng gate at marami na kaming estudyanteng kasabay palabas at pauwi. One of Shane's Kuya chatted me na dadaan raw sila sa school namin kapag uwian na kaya kung pwede raw ay maghintay lang kami sa labas. Agad naman akong nagreply.

R O O M 16 (Sixteen Series #1)Where stories live. Discover now