Part 10

2 0 0
                                    

TEN

The final exam for the first semester surely exhausted us to the bone. Hindi pa naman kami graduating pero grabe na ang pressure. Luckily, halos lahat sa amin ay matataas ang scores na nakuha noong midterms. Matatalino naman talaga ang mga naging kaklase ko, sadyang nagkaroon lang ng bad record na hindi inaasahan.

"How was your mother?" rinig kong tanong ni Len kay Kian. Busy kaming tatlo sa paglalaro ngayon ng online game. Samantalang si Kiara at Shane naman ay nag-uusap.

I saw Kian shaked his head, "She's okay but...she's really weak. Sabi ng doctor...baka hindi na raw magtagal ng isang taon." he solemnly said while his eyes were focused on his screen.

Dahil sa sinabi niyang ito, napahinto ako sa paglaro dahilan ng pagkamatay ng character ko. I don't want to pry but...

"Your Mom's sick?" nag-aalalang tanong. Kian nodded, "Breast cancer stage 3."

"Oh, my god..." Shane reacted. Nakikinig na rin pala silang dalawa ni Kiara.

Hindi ako mahilig makipag-kaibigan at lalong hindi ako marunong magcomfort. Kaya imbes na sumagot ay tumahimik nalang ako at bumalik sa paglalaro. Mas mabuti nang tumahimik nalang kesa magsabi pa ako ng mga salita na maaaring magpalala ng nararamdaman niya. Emotions are the hardest to endure, you know.

"Panalangin lang, Kian. Hoping your mom to get well soon." sabi ni Kiara. Tumango lang si Kian ng hindi tumitingin sa kaniya.

***

"Ace, pakiabot nga ng glue."

Napalingon agad ako kay Kiara ng narinig ko siyang nagsalita. Nakasaksak ang earpods sa tenga ko kaya kinuha ko ang isang earpod at nagtatakhang tumingin sa kaniya. Napansin niya ata ang reaksyon ko, "Sabi ko paabot ng glue. Ano ba yan, may ginagawa't nage-earpods pa!"

Inabot ko sa kaniya ang glue pero nasermonan pa ako. Naghahanda kami ngayon para sa cultural fest. May kaniya-kaniyang booth na gagawin ang lahat ng grade 11 at 12. Nakatipon kami ngayon sa gitna ng gym at nagdidisenyo. Ang mga babae ang nagdedecorate samantalang kaming mga lalaki naman ang pumapasan ng mga mabibigat na bagay na maaaring ilagay sa paligid ng booth namin.

"Kiara, yung camera mo! Dali picture tayo!" sigaw ni Annie.

Agad na bumaba si Kiara at hinanap ang camera niya. "Hala! Naiwan ko ata sa athlete's club! Teka kukunin ko lang!"

Susuotin na sana niya ang sapatos niya dahil hinubad niya ito kanina upang komportableng umakyat sa upuan pero pinigilan ko siya. "I'll go get it. Saan ba nakalagay?" pagpresinta ko.

"God, Alas! Maganda ata mood mo ngayon?" she laughed. I furrowed my eyebrows at her, mas lalo siyang natawa dahil dito.

"Nasa ibabaw lang ng table. Basta pagkapasok mo sa office makikita mo agad 'yun!"

Napatango agad ako, tiningnan ko si Kian at sinenyasan kung sasama siya. Agad siyang tumango at sumunod.

Malapit lang naman ang athlete's club sa gym pero nasa likuran na banda kasi ito ng mga classroom kaya kailangan namin lumiko. After we passed the three classrooms, nakita agad namin ang athlete's club.

I knocked on the door. Pero walang sumagot. Kumatok ulit ako pero wala pa rin.

"Baka walang tao." sambit ni Kian. Hinawakan ko ang door knob. Oh, it's unlocked. Agad akong napatitig kay Kian, he nodded his head. I twisted the door knob and slowly opened the door. Wala ngang tao sa loob.

Binuksan ko ang ilaw at sumalubong sa amin ang malawak na space ng kwarto. Maraming mga equipments sa paligid na maaaring gamitin ng mga atleta. Paglingon ko sa table, nakita ko agad ang camera ni Kiara. I walked to pick it up. Just as when I was about to leave, I heard a faint sound of footstep. Mahina lang ito na parang tunog pa nga ng paang lumulutang. Napahinto ako. Ako lang ang pumasok sa loob at nasa labas si Kian. I looked around and remained silent.

"Thud!"

My heart started to race when I heard something. This time, sa pader ko ito narinig. Parang may kung anong puwersa ang pinipigilan at aksidenteng natamaan ang pader. Walang tao ang mga classroom na katabi ng office na ito dahil lahat ay nasa gym lalo na't weekends ngayon. Mas lalo akong natahimik. This place is spacious kaya walang puwedeng pagtaguan at wala namang tao pagpasok namin. The only place someone could hide would be...the bathroom. Napalingon agad ako sa banyo. Nakasara ito.

Hahakbang na ulit sana ako papunta rito ng sumilip si Kian mula sa labas.

"Ace, nakita mo na?"

Napabaling ako sa kaniya at napatingin sa camera na hawak ko. I nodded.

Kian knitted his eyebrows, "Then, let's go?"

I gulped and hesitated to look at the door of the bathroom. Hayaan na nga lang at baka kung anong kababalaghan pa ang makita ko riyan. I turned to walk outside and closed the door. Then we walked back to our unfinished booth.

Agad kong ibinigay kay Kiara ang camera niya. After that, she took a bunch of pictures of us while working hard for the booth.

"Si Nica?" tanong ni Shane.

"Bakit?" pabalik ring tanong ni Kiara.

"Hindi, kasi kanina nandito pa 'yun binibigay sa akin 'tong star-shape pang decor, eh."

"Nagpaalam siya kanina, ah. Magc-cr raw." sagot ni Shanelle na may ginugunting.

Shane shrugged after hearing her answer at bumalik sa pag-aayos ng design.

Nica's usually quiet. Siya yung literal na introvert at mahiyain. Sobrang hina pa ng boses nun kapag nakikipag-usap. Her presence is so light, kaya madali siyang hindi mapansin ng mga tao sa paligid.

Hindi ko na pinansin ang pinag-uusapan nila at bumalik nalang sa ginagawa ko.

However, the night after our cultural fest, a weird thing happened to me. Nagkaroon ako ng sobrang nakakapagtaka na panaginip. I saw a girl in my dream, begging for my help, pero hindi ko makita ang mukha nito. It was blurry. She's soaked in blood and was calling out to me. She's trying her best to reach out to me and was asking for help. Nagising akong muntikan ng mawalan ng hininga. That was the very first time that it happened to me. Hindi ko alam kung bakit at kung anong dahilan.

But, what I'm curious most of all was, who was that girl?

Pagbalik namin sa eskwelahan, iyon rin ang pagsimula ng second semester. However, one of our classmate is absent. Hindi namin ito pinansin dahil nagpadala naman ng excuse letter na hindi raw maganda ang pakiramdam. Ngunit umabot ng isang linggo siyang hindi pumasok sa school at hindi man lang nagparamdam kahit sa chats namin.

The girls started to worry when two weeks came at wala pa ring balita tungkol kay Nica. Her absence made me doubt myself. Mas lalo kaming nagtaka ng pati si Kiara ay nagkaroon rin ng two days absent at bumalik sa school na may seryosong mukha. Na akala mo'y pasan niya ang problema ng buong mundo. Hindi siya usually ganito,palaging maaliwalas ang mukha niya kapag papasok.

We asked her if she's okay and she said yes. Tinanong siya ng mga babae kung may balita siya tungkol kay Nica and she...shook her head as a no.

However, she cannot hide one thing from me. I saw hesitation in her eyes. Kiara knew something that she did not dare to tell us.

After three weeks of worrying, Nica came back, unhealthy. Siya yung tipong parang hindi nakakain. Her eyes were swollen and she's a mess. Tinanong siya ng mga kaklase namin kung anong nangyari but she just answered that her grandmother died. That answer made everyone stood silent and comforted her. Pero alam ko...hindi lang iyon ang problema ni Nica. There's something else. Agad akong napatitig kay Kiara na hindi dumalo sa mga kaklase ko na icomfort si Nica. She's far, staring at Nica with serious and sad eyes. It was something else.

The day Nica came back, Mr. Alevaro announced that we will be having a field trip for the final output of second semester. The moment I heard it, hindi na agad maganda ang pakiramdam ko.

R O O M 16 (Sixteen Series #1)Where stories live. Discover now