Totoo ba yung katagang.. "True love waits"?
Kung totoo man..
Pano kung pareho kayong naghihintayan?
pano kung kakahintay nyo pareho sa isa't isa, Yung isa napagod at sumuko na?
Pano kung dun naman sa isang naghihintay pa.. may dumating nga pero maling tao naman..
Pano kung alam mo namang sya na.. pero naghihintay ka paren sa magandang pagkakataon subalit sya nainip na at iniwan ka..
Pano kung meant to be nga kayo kaso ayaw nyong masira friendship nyo?
Pano kung sya na talaga, Pero gusto sya ng bestfriend mo.. kaya ka magpaparaya.
Pano kung humihingi ka ng sign kay God at sya din humiling ng sign pero salungat ito sa ginusto nyo pareho..
Sa buhay naten, Hindi pwedeng nakadepende tayo sa mga bagay bagay.. Minsan, Nariyan na pero tititigan mo lang 'to hanggang sa mawala.. Kaya dapat, Kailangan nateng lumabas sa ating "comfort zone" at ipahayag ang mga bagay na nasa saloobin naten.. Malay mo, Sya na talaga.. kaso, Papalagpasin mo pa, Sige, Paano ka nyan? =)