Stell's POV:
Habang palabas ako, pilit ko pading nilalabanan yung pag bagsak ng mga luha sa mata ko.
Tipsy na ako, pero sobrang linaw ng mga sinabi niya. Tagos nga eh hangang buto. *sobs
"Ang sakit." *sobs
Nang maka labas na ako ng tuluyan, kinuha ko yung phone ko sa bulsa, to book a grab.
Ganun ba ako nasaktan sa mga sinabi niya? Kasi yung mga luha ko pumapatak na sa screen ng phone ko.
Bakit kasi nag expect ako?
Baka lang naman may nagawa akong mali,
baka ma save ko pa diba?
Kaso mali pala ako..
Few minutes dumating nadin ang grab kaya sumakay na ako, pagka sakay ko, hindi ko na nakaya humagulgol na talaga ako.
"For money?" yun ba talaga tingin niya sakin? Nag tratrabaho ako for him para sa pera niya?
Oo aminin ko malaking tulong lahat ng benefits na binibigay ng company nila. Pero pinag hihirapan ko naman yun ah. *sobs
Hindi sapat yung pera niya para sa pagod ko, kahit hindi nga oras ng trabaho ko isang tawag niya lang tatakbo na agad ako. *sobs
Hindi sapat yung pera niya sa madaming beses na napahiya niya ako. *sobs
Hindi sapat yung pera niya sa lahat ng masasakit na salitang natanggap ko, to think may pinag aralan naman ako ah. Naka graduate nga ako diba. *sobs
Hindi ko deserve to..
Ni hindi niya nga alam buong pangalan ko, pero kung husgahan niya ako akala mo alam niya na buong pagkatao ko.
"Kuya yani I'm sorry, parang di ko na kaya.."
Nakarating na ako sa condo, sobrang thankful naman ako sa grab driver dahil hinayaan niya lang akong umayak without asking anong nangyari sakin.
Pag baha ko ng sasakyan, I wiped my tears at pinakalma ko ang sarili ko.
Not now Stell okay?
I opened the door, and tried my best to smile.
Nandito kasi ako ngayon sa condo ni Justin, dito ako matutulog. Hindi ko kayang isipin na nasa iisang building kami ni Pablo.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya, i saw him sleeping buti nalang tulog na ito. Kasi kung nakita niya na maga ang mga mata ko baka nag alala na to.
Nag punta ako sa CR to freshen up, need kong pakalmahin sarili ko. Pagkatapos ko mag shower kumuha ako ng damit sa old room ko, meron pa kasi akong natirang pambahay dito. Kaya may pampalit ako.
Dito na sana ako matutulog sa dating kwarto ko pero gusto ko ng kasama ngayon, baka pag mag isa ako mas lalo akong makaramdam ng lungkot.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Justin, at dahan dahan ding sumiksik sa tabi nito.
Nang makatabi na ako sa kanya, nagising naman ito. Nagulat siguro kasi may biglang tumabi sa kanya.
"Stell, nagulat naman ako sayo." hindi na ako nag salita, mas sumiksik pa ako at niyakap ito.
Justin's POV:
Nagulat ako ng biglang may sumiksik sakin, pag silip ko nakita ko si Stell. Aninag ng mga mata ko ang itsura nito, He's not okay.
"Miss mo ba ako? Kaya dito ka sleep?" tanong ko sa kanya, alam ko na kasi kung bakit nandito to at kung bakit sumisiksik to sakin.
Ganito talaga si Stell kapag malungkot siya, kapag hindi siya okay at may problema laging tumatabi sakin to. Kaya hindi ko na tinanong kung bakit siya umuwi dito. At hinayaan ko nalang siyang yumakap sakin.
"Hmm.. miss na miss." hindi ako bingi para hindi marinig ang pag barag ng boses nito. May nangyari ba? Umiyak ka ba? Madaming akong gustong itanong pero hindi ko na muna ito tinanong sa kanya, ayokong mas lalo siyang malungkot. Hintayin ko nalang ito na magsabi sakin.
"Nag lalambing naman ang Stell na yan, halika nga dito." mas sumiksik pa ito sakin, kaya mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap dito. Wala namang malisya samin to, kapatid na ang turing namin sa isa't isa kaya kapag malungkot siya o ako tanging yakap lang ang nag papakalma saming dalawa.
"Justin.." mahinang sabi, pero bakas padin ang pag barag ng boses nito.
"Hmm?"
"Pwedeng dito muna ako mag stay?"
"Oo naman, dito kaba matutulog ngayong gabi?"
"Hindi, pwedeng mag stay dito ng ilang araw? Diba aalis naman tayo nila kuya Josh next week? Dito muna ako please?" may nangyari ba? Bakit bigla nalang nitong gusto mag stay dito? Hindi naman ganito si Stell napansin ko nga simula ng lumipat siya sa unit niya excited ito lagi umuwi.
"Okay, you can stay kahit gano pa katagal." Tumango naman ito, at sinabing matutulog na. Hindi ko na ito tinanong pa hinayaan ko nalang siyang makatulog sa tabi ko. Baka need niya lang ng break? Baka napapagod na? Baka may nangyari sa party? Hindi ko alam pero ang alam ko lang kailangan niya ako ngayon.
Nagising ako ng wala na si Stell sa tabi ko, siguro umuwi ito. Baka lasing lang kagabi tapos namiss lang talaga ako, naamoy ko din kasi na nakainom ito kagabi.
"Goodmorning Doc. Justin." bungad nito sakin pag labas ko ng kwarto, nandito pa pala siya akala ko naka uwi na.
"Breakfast is ready, kain na tayo dali. May pasok ka diba?" dali dali naman itong lumapit sakin para i guide ako maupo sa dinning chair.
Hindi na ako nag reklamo kasi namiss ko din to, si stell kasi talaga ang nag luluto ng breakfast naming dalawa. Pero simula ng magtrabaho siya hindi ko na natitikman ang mga luto nito.
"Hmm sarap talaga ng luto mo, miss na miss ko na to." nakangiting sabi ko, alam ko kasi kung paano pasayahin ang isang stell, sa simpleng pag appreciate ng luto nito may malaking ngiti na to sa labi.
Pero bakit yung ngiti niya ngayon pilit?
May nangyari ba talaga?
Nang matapos na kaming kumain, nag paalam na ako para pumasok. Kung pwede lang sanang umabsent sa school para samahan siya, kaso hindi pwede madami pang dapat tapusin para ma enjoy ko yung bakasyon namin next week.
Tinanong ko naman kung okay lang ito mag isa, tumango naman ito at ngumiti. Hinayaan ko na, kahit alam kong pilit lang iyon, siguro need niya din ng time mag isa. Kaya umalis na ako, kahit nag aalala talaga ako para sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
FanficIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?