Hi
Hello
Ganda ng langit no?
Wala namang bago. Lagi naman makulimlim. Nakakalungkot na nga tingnan minsan. Pwedeng umupo?
Sige lang.
Baka kasi may kasama ka eh. Mia nga pala.
Andrew.
Mia: Kanina ka pa dito?
Drew: Medyo.
Mia: Madalas ka dito?
Drew: Medyo.
Mia: Maganda ba ko?
Drew: Medyo.
Mia:Ay grabe. Iba ka. Medyo lang talaga sagot mo sa lahat? Haha.
Drew: Binibiro lang kita. Tingnan mo yung langit. Ang ganda.
Mia:Hindi nga. Anong maganda dyan? Ang dilim kaya.
Drew: Tingnan mo kasing mabuti. Madilim diba? Pero tingnan mo yung paggalaw ng mga ulap.
Mia: Anong meron?
Drew: Nakikita mo yun? Tingnan mo yun. Kapag naghiwalay yung dalawang madidilim na ulap, may isang maputi at maliwanag na ulap kang makikita.
(Mapapangiti)
Mia: Ayoko pa rin. Mas maganda pag maliwanag ang langit. Mas masaya.
Drew: Ikaw bahala. Basta sakin maganda ang langit pag ganyan. Parang relationship lang yan. Madami kang makikitang mali, madaming dadating na problema pero makakahanap at makakahanap ka rin ng isang bagay na tama.
(Tatahimik pareho)
Drew: Nilalamig ka ba?
Mia: Hindi. Okay lang ako.
Drew: Oh. (Iaabot ang jacket)
Mia: Okay nga lang ako. Salamat.
(Ibibigay ang jacket)
Drew: Nilalamig ka.
Mia: Salamat.
(Titingin pareho sa langit.)
BINABASA MO ANG
Langit
Short StoryShort story. Actually a script I'm hoping to turn into a short film. Hope you like it. :)