For the past two days, sobrang boring ng araw namin. Papa attended seminar and my two sisters are at school, a first and second year college- having their summer classes. Buti nalang at biyernes ngayon at uuwi na sila mamaya pati si papa.
Ang dali ng oras kasi mag - fa - five na ng hapon. Sa sobrang tutok ko sa cellphone nakalimutan kong ngayon na pala sila darating.
" Ate, wala paba sila papa mo? Ilagay mo nga yang cellphone mo dun sa may bintana at nang magkasignal. Wattpad ka nang Wattpad diyan. Baka kanina payun komocontact". Si mama.
Haysss si mama naman di makapaghintay. "ma, andito nayun antayin molang." Saad kong nabugnot dahil naistorbo sa pagbabasa.
" Ilagay mo sa may signal nga." Dahil baka mapagalitan sinunod ko nalang sya at nagpasignal nga. Tinawagan ko nalang din si papa at tinanong kung saan na sya.
Malapit na daw nasa Dangcagan na. Sinabi ko kay Mama at yun nakontento na. Bago mag alas sais,dumating na sila papa kasama ang dalawa kong kapatid. Nagkita lang daw sila sa terminal kaya nagsabay na dahil iniwan ni papa doon ang kanyang motor.
Dahil sa Davao ang seminar ni papa, nag unahan ang dalawa kong kapatid sa pagkuha ng bag niya nang matingnan kung ano ang laman. Sobrang saya dahil maraming pagkain.
" Wow! May Hershey's " sabi ng sumunod sa akin. "Aw, oo bumili mga kasama ko kaya bumili nadin ako. Sobrang mahal pala" si papa.
"Tsk. May natira paba sa pera mo eh ang mahal niyan." Panira ni mama. " Ayan ka na naman Ma eh ang kontrabida mo". Yung sumunod ulit sa akin.
Dahil sa nangyari ay lumabas na ako ng kwarto. Pinaghati - hatian na nila ang dala ni papa. Kumain nalang din si mama at tinanggap ang bigay ng kapatid ko.
Kumusta doon? Marami bang chics? Tanong ni mama kay papa.
Aba syempre, ang gaganda nga! Sagot ni papa. Natawa kami sa sagot ni papa at nagtawanan habang abala sa pagkain ng Hershey's.Now, I knew bakit ang dami pading bumibili ng Hershey's kahit mahal. Ang sarap pala lalo na kung kasalo mong kumain ang mga taonng komportable kang kasama. Yung nagbibigay kontento at tamis sa buhay mo.
" Pa sa susunod ulit". Natatawang hirit ng mga kapatid ko. " Oo kapag nakagraduate na kayo!" Pangsusupla ni mama.
"Hahaha " natawa kami ni papa habang busangot naman ang mukha nila.
Wala talagang makakapantay sa sayang dulot ng maliit na bagay pero pinagsasaluhan.
Hershey's, thank you. Your sweetness makes our little family enjoy our simple yet irreplaceable family bonding.
' till next time 🥰
-fin
YOU ARE READING
Simple Hershey's Moment
RandomBe contented and happy to life's little gifts and surprises.