MATAPOS NAMING mag-usap,o mas tamang sabihin na nagtalo?ay hindi na bumalik si Asher.Ako naman ay nasa waiting area na at hinihintay ang resulta kung compatible ba kami ni Aster nang blood type,kasama ko din si Zoey na nagpa-kuha nang dugo.
Agad akong tumayo nang makita si Destinee na papalapit sa amin at may hawak na papel “what’s the result?”agad kong tanong “p’wede na bang matuloy ang operas’yon nang anak ko?”tanong ko.
She sighed and smiled at me sadly “I’m sorry Cams,but your blood type wasn’t compatible with Aster’s blood type.Even Zoey”sagot nito kaya napatigalgal ako.
“W-what?but I’m her mother”naguguluhan kong sambit.Paanong nangyaring hindi kami magka-blood type ni Aster gayong ako ang nanay n’ya?
“That’s the most common problem sa ganitong cases.Meron talagang ibang pamilya na pare-parehas nang blood type katulad nang iyo,hindi porque nanay ka nang pasyente ay parehas na ang blood type n’yo.Maybe her match was her father or some of your relatives”sambit n’ya “gusto din sana namin magpa-test ni Desiree but our blood doesn’t match with Aster.Cams,rare ang blood type ni Aster,mahirap maghanap nang gano’ng dugo.Madalas sa ibang bansa mo pa iyon mahahanap”dugtong nito kaya hindi ako nakaimik at napaupo nalang.
“Paano na ang anak ko?”nanghihina kong tanong at muli na namang nag-alpasan ang mga luha ko.
I heard her sigh again “I suggested,you tell this to her father.Walang mangyayari kung hindi mo sasabihin sa kan’ya ang totoo,Camilla.It’s between life and death,nasa mga kamay mo ang buhay nang anak ko,kapag hindi mo sinabi sa kan’ya,you know what will happen”sambit ni Destinee “mauuna na ako,may kailangan pa akong tignan”paalam nito at umalis na.
Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Zoey at inalo ako “ano ang desisyon mo?”marahang tanong nito.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kawalan “I don’t have a choice,kailangan ko s’yang kausapin.Wala na akong pakialam kung magagalit s’ya dahil sa pagtatago ko sa anak n’ya”sagot ko.Kailangan ko ang tulong ngayon ni Asher at tanging s'ya lang ang makakapagligtas sa anak ko,namin.
Kung kinakailangan kong saluhin lahat nang galit n’ya tungkol sa pagtatago ko sa bata ay gagawin ko.I need to do this for my baby.Aster needs to be alive.
“Saan ka pupunta?”tanong ni Zoey.
“Hahanapin si Asher”sagot ko.
“Cams”pigil n’ya pero hindi na ako nagpapigil.Lumabas ako nang hospital at sumakay sa kotse ko nang hindi alam kung saan tutungo.
Ang alam ko lang ay kailangan kong hanapin si Asher, kailangan ko s’yang makausap tungkol kay Aster at nang maalala iyon ay muli na namang nag-alpasan ang mga luha ko.Kung kinakailangan kong ibaba ang pride ko ay gagawin ko dahil para naman iyon sa anak ko.Para iyon kay Aster.
Habang nagmamaneho ay umiiyak na at unti-unting nanlalabo ang mga paningin ko.Pero agad akong nabalik sa realidad nang magring ang cellphone ko,agad ko iyong tinignan at sinagot.
Asher calling…
“Camilla,where the fuck are you?!”singhal nito sa kabilang linya,rinig ko din ang taranta at pag-aalala sa boses n’ya.
“A-Asher”nauutal na pagtawag ko.
“Yes love,it was Asher.Please,kung nasaan ka man p’wede bang ‘wag kang umalis d’yan,I will go to you”sambit n’ya kaya kahit hindi ako nakikita ay tumango ako.
“I will wait for you”I said and ended the call.Tinigil ko din ang sasakyan ko sa gilid nang kalsada.
Dahil sa pag-iyak ko ay muntikan ko pang ipahamak ang sarili ko,pero hindi ko p’wedeng gawin iyon.Kailangan pa ako nang anak ko, kailangan pa n’yang gumaling.Kailangan n’ya pang makilala ang papa n’ya,iyon ang pinangako ko sa kan’ya.
YOU ARE READING
Billionaire 6:Asher Antonio
RomansaWARNING:MATURED CONTENT | R-18 In the world full of couple's who are romantically inlove with each other or just lustfully loving each other.There is one man who is deeply and madly loving his long-time girlfriend,they are now seven years in a relat...