Pablo's POV
Pinasundo ako ni kuya yani sa driver, hindi daw kasi nag rereply si Stell sa kanya. Siguro mag papalate pumasok, baka nakaramdam ng hiya kagabi.
"Ano bang nangyari? Bakit hindi nag rereply sakin si Stell hindi niya din sinasagot tawag ko?" kanina pa putak ng putak si kuya yani sa tabi ko, parang ako nanaman may kasalanan kung bakit hindi pumasok P.A ko.
"Bakit sakin mo sinisisi?" iritang sabi ko, although alam ko naman isa din ako sa dahilan kung bakit di pumasok to pero ano bang pakealam ko. Siya pa may ganang mag inarte, kung nasaktan man siya sa mga sinabi ko well guilty siya, saka totoo naman mga sinabi ko ah nagtratrabaho siya para sa pera.
Natapos na ang trabaho ko pero walang Stell ang humabol, siguro malakas hangover? Bahala na siya sa buhay niya bakit ba sinasayang ko yung pake ko, saks sanay naman na ako na pabago bago ang P.A ko.
Stell's POV:
Wala talaga akong lakas pumasok ngayon, bahala na kung tanggalin ako ni kuya yani. May sweldo naman ako sa kanya pwede niyang ibawas lahat ng nagastos nila para sakin, kung kulang pa may ipon naman ako.
Maya't maya din nag riring ang phone ko, kanina pa kasi nag memessage at tumatawas si kuya yani. Hindi ko nga sineseen at tinitignan. Nahihiya kasi akong makipag usap dito, ano naman isasagot ko sa tanong niya? Kaya hindi ako pumasok kasi ayoko makita si Pablo? Baka sabihan akong napaka babaw ng dahilan ko.
Kinuha ko ang Phone ko para i don't disturb to, medyo nanririndi nadin kasi yung tenga ko sa notifications.
Sa totoo lang medyo bored ako dito sa condo unit ni Justin, wala kasi siya kaya wala akong makausap, wala din naman akong magawa gusto ko man manuod ng tv pero bigla ko nalang naaalala yung araw na magkasama kami ng alaga ko. Bigla tuloy akong nalungkot.
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag linis ng buong unit ni Justin, baka sakaling maging okay ako.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?