SHAIRYLLE'S POV
“Alam ko, Yena kahit ako hindi makapaniwala!” Nagpapagulong-gulong sa kama na sabi ko habang kinu-kuwento kay Halleina ang nangyari kahapon.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over dahil nalaman kong siya pala si Bem. Ang nakapagtataka lang, bakit siya pa? Excited ako no'ng na malaman kung sino ang kababata kong nag-iiwan palagi ng kung ano-ano sa locket pero parang nawala no'ng nakita kong siya pala iyon. Siguro nagulat lang ako kasi all this time hindi naman ako naghinala.
“Sana naman masaya ka na dahil nakita mo na ang kababata mo.”
“Sobrang saya! Kahit unexpected na siya ang taong iyon masaya ako!” Hindi pa nawawala ang ngiti sa labi ko lalo na nang makita ko ang pendant na hawak niya.
“Good to know. Nalaman ko kay mommy na may nagpa-reserve ng latest gown niya tapos sa'yo nakapangalan. Gagamitin mo raw para sa pageant mo 'yon. Sayang naman kung nandiyan lang ako isa sana ako sa nagche-cheer sa'yo habang rumarampa ka,” may bahid ng panghihinayang na aniya.
“Ano ka ba, okay lang kaya! Pero... seryoso ba?! Nagpa-reserve siya ng gown para sa akin?” Nakaramdam ako ng munting kilig sa katawan ko.
Tumango siya. “Oo nga! Nalaman ko lang kay mommy dahil alam mo naman 'yon, chismosa masyado.”
Oo nga pala. Kapag si tita ang kausap mo wala kang lihim dahil lahat sa kaniya mabubunyag. Lalo na kapag nalasing siya kahit kalokohan ni Halleina kinu-kuwento niya. Kaya nga minsan halos ayaw na namin mag-kuwento sa kaniya. Mapapahiya ka na lang. Pero kahit gano'n siya talaga namang napaka-supportive na mommy niya. Never na-disappoint sa kaniya si Halleina in terms of supporting which is I envy the most. Kung gano'n lang ang parents ko...
“Magpapadala na lang ako ng tao para i-congratulate ka, ha o kaya si mommy na lang ang uutusan ko.”
“Hindi naman na kailangan 'no! Anyway, kailan mo ba balak bumalik sa Pilipinas? Alam mo na bang na-move ang kasal ni kuya Thaddues?”
Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Alam kong hanggang ngayon hindi pa siya nakaka-move on sa isa. Halata naman lalo na no'ng biglang nalungkot ang mukha niya.
“Huwag mo na kaya siyang banggitin, p'wede?”
Luh, nagalit na nga.
“Sinasabi ko lang naman kasi 'di ba nga magkaibigan naman kayong dalawa?” na nagmamahalan parang mga tanga!
“Basta! Wala akong kilalang Thaddeus! Kaya huwag mo na siyang babanggitin sa akin kahit kailan kung 'di magagalit ako sa'yo!” May halong banta na saad niya.
Natahimik na lang ako. Ayaw niya, eh 'di wag! Nilihis ko na lang ang topic sa iba para huwag na siyang magalit. Mahaba pa naman ang oras ko dahil mamayang four pm pa ang pasok ko. Susunduin din ako ni Bem tapos ipakikilala ko na siya kayla mommy. Para alam na nila at hindi na sila magalit sa kaniya. Ayaw kong magtanim sila ng galit sa kaniya lalo na't mula pagkabata pa lang magkakilala na kaming dalawa. Sila pa nga ang nagtulak sa amin para maging magkaibigan. Sa lahat din ng tao sa paligid ko siya lang ang tumanggap sa hitsura ko.
Nang magsawa na kaming dalawa ni Halleina sa tsikahan saka lamang ako nakapag-isip na mag-ayos na ng aking sarili. May training pa kaming dalawa mamaya ni Colleen. Ang sabi niya matatapos lang ang training kapag one day before the pageant na raw. Ginagawa ko na rin ang best ko dahil ayaw kong mapahiya gaya ng sinasabi ni Karen. Speaking of that devil ilang araw na naman akong hindi kinukulit mukhang wala na siyang pake sa akin. Sana nga gano'n na lang siya palagi para naman magkasundo kami. Ang pangit kasi ng ugali niya kulang na lang maging ka-mukha niya. Si Pixel naman hindi na rin ako pinapansin pero madalas niyang hanapin sa akin si Bekay. Mukha na ba akong hanapan ng nawawalang kalabaw ngayon?
BINABASA MO ANG
CURSE OF SCENT (BOOK 2)
Любовные романыPAALALA: Basahin muna ang book 1 bago ang ito. Never na-una ang 2 sa 1 huwag kang paladesisyon! Nang umalis si Halleina papuntang ibang bansa doon naman nagsimula ang magulong love story ng kaibigan niya. Shairylle Dhim Flores is a girl with a lot o...