15.

33 4 0
                                    

Those words bothered my mind. Iba na ang nararamdaman ko dahil sa narinig ko mula kay Janus. Nang makauwi kami matapos kumain ng tanghalian kasama si Papa Yuri, dumiretso kaagad ako sa kwarto at nagsara ng pinto. I could feel ny cheeks heating and my heart beating so fast. What he said brought a big impact to my heart.

Hindi ko tuloy alam kung paano siya haharapin nang dumating ang Lunes. Pagpasok ko sa classroom, agad dumako ang tingin ko sa pwesto niya at napahinga nang malalim nang makitang wala pa siya. So, I walked towards my seat and settled myself.

Calm down, Yara Nezka.

Ginawa ko ang normal na routine ko at nakatulong naman para ma-distract ako mula sa kung ano-anong iniisip ko. Some of my classmates asked about some things regarding our activities so, I answered them. Lumabas din muna ako panandalian dahil nag-chat sa akin si Val na may ibibigay daw.

Agad kong namataan ang pinsan ko sa tapat ng gymnasium kaya lumapit ako. He was surrounded with girls but, he's just politely shaking his head to them. Napangisi naman ako at hindi muna lumapit.

"Excuse me..." a soft voice suddenly spoke beside me. Napalingon ako at nakita ang isang babaeng nakatirintas at nakasalamin. She's hugging a thick book with a shy smile on her face.

"Yes?"

She licked her lower lip before glancing at the direction of my cousin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at bumaling sa akin.

"Uhm, sorry po sa abala. Kayo po 'yong... pinsan ni Valkyrex, tama po?" My brows immediately raised, hearing my cousin's name. She looks intimidated by me so, I smiled at her. Mukha ba talaga akong masungit?

"Ako nga. Kilala mo si Val?" tanong ko sa kaniya. The girl nodded before lending her hand. Bumaba ang tingin ko doon at nakita ang isang CD Album na inaabot niya. Nanlaki naman kaagad ang mata ko dahil doon.

"Huh? Binibigay mo sa akin 'yang album?" tanong ko. The girl immediately shook her head. Now, her cheeks are going red.

"Hindi po! Makikisuyo po sana ako sa inyo, pasensya na po..." nakayukong aniya. "Kung p'wede po sana... pakibalik po itong album kay... kay Val po."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa narinig. "Bigay ni Val 'yang album sa 'yo?" I asked and she nodded as a response. Hindi ko alam kung anong mayroon sa pinsan ko at sa babaeng kaharap ko pero, halatang determinado ang kaharap ko na ibalik sa pinsan ko ang album.

"Binigay niya po 'yan sa akin pero, hindi ko po kasi matatanggap. N-Nahihiya po akong lumapit kay Val kaya... pakikiusapan ko po sana kayo na kung p'wede kayo na po ang magbalik..." she stuttered and my heart immediately softened. She looks innocent and soft. The kind of girl who is a complete opposite from my cousin.

I sighed and get the album from her. Nakahinga naman siya nang maluwag bago ngumiti sa akin. She looks beautiful the moment she smiled.

"S-Salamat po!" aniya bago bahagyang yumuko at tumalikod na. I took a deep breath and shifted my gaze towards my cousin who's already looking at my direction. His eyes looks serious as he eyed the album on my hand.

Naglakad siya palapit habang nakatitig pa rin sa album na inabot sa akin. Inabot ko naman iyon sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit.

"Sa 'yo raw," sabi ko. He bit his lips before sighing. Napailing siya bago kinuha ang album sa kamay ko. Napaangat naman ang kilay ko dala ng kuryosidad. "That's an unreleased album. Why do you have that?" tanong ko sa kaniya.

Val pursed his lips before glancing at me. "She loves this group. She looks so happy whenever she listens to their music and this is the least I can do to make that happiness stay in her face," aniya at iminuwestra ang album na hawak.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon