Chapter 2

122 3 0
                                    

Her POV

Akala ko... hindi ko na siya makikita.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Our teacher is that guy I mistakenly accused of being a pervert.

Syempre pagkatapos kong mapagtanto na hindi pala siya iyong nag-picture sa private part ng katawan ni Feya, hindi ko pinakita ang pagkapahiya sa mukha at kilos ko. Pinagpatuloy ko ang pag-akto na galit pa rin sa lalaki kahit na mali ako ng pag-aakusa. 

Inisip ko nalang na kaming tatlo lang naman ang nakaka-alam na nagkamali ako at mas okay na iyon kaysa aminin ko sa harapan ng maraming tao na maling tao ang inakusa ko. Ang taas ng pride, 'di ba?

Hindi ko na rin naman makikita ang lalaking 'yon so bahala na siyang mag-isip kung ano ang mga pinagsasabi ko sa kanya. Iyan ang naisip ko nung mga oras na talikuran ko siya at agad na hinila si Feya palayo doon habang kinakain na ako ng hiya.

Kaya ngayon, parang muling nanumbalik ang buong kahihiyang naramdaman ko nung araw na 'yon. Gumawa-gawa pa ako ng eskandalo para ipagtanggol ang kaibigan ko tapos mapapahiya lang ako?

Napa-upo ako sa aking bangkuan. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik dito sa room. I sighed in uneasiness and kept on thinking about him.

Hindi ba masyado siyang bata para maging teacher namin? Well, I thought he was the same age as we are when I saw him at the mall.

He has a white tan skin with that hunky body like he always does gym. Hindi siya 'yung tipo na sobrang lalaki ng mga muscle sa katawan. Sakto at bumabagay ang pagka-fit niya sa kaniyang edad. And like I said, he's handsomely fine.

"May teacher na." I heard a girl in the front say.

Nagsiayos ng upo ang mga kaklase ko. Kahit ako ay napa-ayos din ng upo habang tahimik na humihiling.

Please, please, sana hindi namin siya teacher!

But my manifestation failed when I then saw his upper body across the glass window of our room, taking his steps to enter. 

Parang nag-slowmo ang lahat habang pinapanood ang pagpasok niya sa loob.

He's wearing a white short-sleeve shirt, black pants, and black shoes. On his left shoulder was his black messenger bag. Mayroon ding kumikinang na relo sa kanang pulso nito.

When his head lifted, I immediately crumpled on my seat to hide from his sight.

"Good morning, Sir!" I heard Danni's voice.

Napapikit ako. Talaga ba talaga? Siya?

The whispers started to grow. I mainly heard the voices of my female classmates. Paniguradong ang lalaking 'yon ang topic ng usapan nila.

"Bagong teacher?"

"Ang gwapo, sheesh!"

Nanatili akong nakayuko, nakatingin sa maputi at makinis na sa sahig nang magsimulang humina ang bulungan. Sunod kong narinig ang paglagutok ng heels ng kung sino.

"Good morning, class. Please settle down."

Napatingala ako nang makarinig ng pamilyar na boses ng babae.

"Teacher pala ulit natin si Ma'am Toneth," rinig kong sabi ng nasa likod ko.

Natigilan ako nang mapagtantong nagkamali ulit ako. I thought that guy beside Ma'am Toneth was our teacher. Kung ganoon...

"May bago kayong kaklase," anunsyo ni Ma'am.

Gagi... "Kaklase namin 'yan?"

Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Brean. "Kilala mo?"

Beautiful Mistake (High School Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon