Second Chance

3 0 0
                                    

Ang pagkakamali ba ang katapusan.
Ito na rin ba ang hangganan.
Masaya nating pag-iibigan.
Napuno ng puot at pag-aalinlangan.

Pag patak ng luha mong yan.
Masakit sa pakiramdam.
Na ako ang dahilan.
Nang iyong dinaramdam.

Pwede pa namang ilaban.
Ayaw ko ng makita kang ganyan.
Na nahihirapan at luhaan.
Ang sakit sa kalooban.

Nagkamali man ako, wag sanang maging dahilan.
Para akoy sukuan at iwanan.
Galit sanay kalimutan at tuldokan.
Muli nating palitan ng pag-ibig na walang hanggan.

Wag mo sanang wakasan.
Muli sanang pagbuksan, ang aking nararamdan.
Kahit ikaw ay sugatan.
Ituloy sana natin ang ating pagmamahalan.

Pangakong pagmamahal moy tutumbasan.
Babawi sa panahong nagdaan.
At sayo lang iaalay ang buhay at ilalaan.
Para sa iyo o aking Buwan.

"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Poem: Second ChanceWhere stories live. Discover now