Prologue

14 0 0
                                    


HUMIGA AKO sa aking kama dahil kanina pa sumasakit ang aking likod. Kasalukuyan akong nagre-review para sa paparating naming final examination. As an academic achiever, sobrang sakit para sakin kung makakakuha man ako ng dos sa aking report card kaya pinagpabuti ko ang aking pag-aaral. Gusto ko rin magkaroon ng magandang future kasama ang long time boyfriend ko na si Lorcan. 


Speaking of, kailangan ko pala siyang tawagan. Namimiss ko na siya. Sinabihan ko siyang wag muna kaming magkita kase baka madistract lang ako sa presensya niya. Imbes na mag-aral ay baka iba na ang gawin namin. Pumayag naman siya  para lang makafocus ako sa pag-aaral, ganun din naman siya. Nasa 3rd year college na kami at isang taon nalang ay maaabot na namin ang mga pangarap namin lalo na ang makabuo ng isang masayang pamilya.


Ilang ring lang ay agad din naman niyang nasagot ang tawag. I sat down and support my back towards the headboard of my bed. Napangiti ako nang marinig ko ang kaniyang boses. Hindi rin nakaligtas ang pagbilis ng aking puso.


"Hello." aniya sa kabilang linya. Boses palang kinikilig na ako. Ang landi mo, Cynthia!


Tumikhim muna ako at napangiting sumagot, "I miss you, mal". Mal, iyon ang tawagan namin shortcut ng 'Mahal'.


"Why did you call?" Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot sakin. Napahinto pa ako dahil sa paraan ng pagtanong niya. And why the hell did he asked me kung bakit ako napatawag?


"Why did you asked me that? Malamang, namiss kita. Hindi mo ba ako namiss?"


"You told me to never communicate with you for week, but now you called me." saad niya. I could feel that there is something wrong.


"Bawal na bang tumawag dahil namimiss lang kita? I miss your presence. I miss your embrace when i'm tired from studying. I miss yo--." 


"--Cynthia!" pagputol niya sa aking sinabi. "I want to break up with you." walang kahirap-hirap niya iyong sinabi. Bigla akong nabingi sa sinabi niyang iyon. Noong nakaraan ay okay naman kami. Yes, palagi kaming nag-aaway pero nagbabati naman kami kaagad. I can't fathom why he suddenly said all those words. 


Umupo ako ng maayos sa kama taking my back away from the headboard. I could feel my hands shaking and my heart is slowly crushing.  "Is there something wrong?  Baka namiss mo lang din ako. " napatawa ako kahit na ramdam ko ang panginginig sa aking boses. "Don't joke around, Lorcan. Kung dahil ito sa desisyon kong hindi pagkita natin ng isang linggo, then i'm sorry. That's why I-i called you because I miss you. ", naramdaman ko ang pag-init sa gilid ng aking pisngi. Not my Lorcan. 


"Nakakapagod na. Nakakapagod kang mahalin, Cynthia." tumigil siya. Rinig ko ang pagsinghap niya na parang nahihirapan din itong magsalita. "Napagod ako sa pagmamahal mo. Konting bagay na makikita mo, pagdududahan mo agad ako. Makikipaghiwalay ka kaagad sa akin. Kapag nawala na pinag-ooverthink mo, makikipagbalikan ka na naman. Paulit-ulit nalang, Cynthia. Napapagod na ako."


Napatakip ako sa aking baba na pinipigilang makagawa ng ingay dahil sa aking pag-iyak. Hindi ko alam na iyon ang nararamdaman niya. Hindi ko alam na sa kabila ng pag-iinarte ko ay ganon pala ang nararamdaman niya.

Aching for the Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon