Kabanata 24: Car race

10 1 0
                                    

Just like my normal days, I attend my classes. It's already lunch time kaya naisipan namin ni Ayesha na sa University Canteen na lang kumain. Malayo man sa building namin pero gusto niya raw doon.

Pagdating namin ay pumila na agad kami para maka-order ng food. Nasa likod ako ni Ayesha na nakapila, busy ang kaibigan ko sa kanyang cellphone. Probably texting someone. Siguro ay si Kuya Drifie na naman.

Malapit na kami sa pila pero busy pa rin sa cellphone si Ayesha. Kinaltukan ko ito upang mabalik sa wisyo.

"Girl, kanina ka pa d'yan. Sino ba 'yan? Si Kuya Drifie ba 'yan?" I asked.

"Pakibilisan po, order n'yo po. Marami pa pong nakapila oh!" sabi ng babae.

"Uhm, one cup of rice, an order of beef sticks and strawberry latte iced coffee." Ayesha said.

Isa-isa itong nilista ng babae at ginawan ng resibo. Binigay niya naman agad ito kay Ayesha.

"A total of ninety-five pesos. Uhm, ilang percent po pala 'yung sugar level, Ma'am?" the girl asked.

"Seventy five percent," Ayesha responded. Binigay na rin agad ni Ayesha ang bayad nito.

Pumunta naman agad si Ayesha sa hintayan ng order while I'm ordering my food.

"A cup of rice, chicken curry, and iced tea... seventy five percent sugar level." I ordered.

Inilista naman niya agad ito at binigay sa akin ang receipt. Eighty-five pesos lang lahat ang akin kaya inabot ko ang one hundred pesos and binigay naman niya ang fifteen pesos changed ko. Lumapit naman agad ako kay Ayesha.

Halos sabay lang na serve ang pagkain namin kaya sabay na rin kami naghanap ng mauupuan. Hindi pa naman punuan kaya nakaupo rin kami agad.

"Are you okay?" Ayesha asked.

I nodded.

Mukha ba akong hindi okay kaya nagtatanong ang babaeng ito?

Nagsimula na akong kumain samantalang siya ay nasa cellphone pa rin. Buti na lang at mamayang alas tres pa ng hapon ang klase namin at matatapos naman ito ng gabi.

"Ayesha, sabay ako sa'yo mamaya. Hindi ko pa kasi nakukuha 'yung sasakyan ko," aniko.

Ibinaba naman ni Ayesha ang cellphone niya. "Ba't hindi mo pa kasi tinanggap 'yung BMW na dowry ni Malik sa'yo?" balik na tanong niya.

I sighed. "Syempre nahihiya pa naman ako sa kanya. Ayaw talaga niyang ibalik ang sasakyan ko. Hindi naman siguro malala ang sira no'n?"

Ayesha smirked. "Ginagamit ngayon ni Drifie 'yung sasakyan mo. 'Wag kang magagalit please! Not my Drifie," Ayesha pouted.

"What?" nagulat ako sa sinabi niya. "Ginagamit ni Drifie? Ba't hindi sinabi sa'kin ni Malik? That's my baby, anong 'my Drifie' ka d'yan?"

Hindi ako makapaniwala na nagsinungaling sa akin si Malik. Ang akala ko ba ay nasa bahay niya ito? Hindi ako makapaniwala. Humanda lang talaga sa'kin si Kuya Drifie na 'yan.

"Ganito kasi 'yan. Nag-car race si Malik and Drifie last weekend using Drifie's sports car and Malik also has a sports car din pala. Ang gustong kapalit ni Drifie no'ng natalo niya si Malik is 'yung sasakyan mo. Ayaw sana ni Malik but wala siyang magagawa. Alam mo naman kung gaano kakulit si Drifie." kwento ni Ayesha.

Hindi ako makapaniwala na hindi man lang ito na banggit ni Malik. Whole weekend, I was just reading our lessons and doing our tasks while Ayesha is with Drifie and Malik nang hindi ko alam at may nangyari palang ganito. Hindi ko rin alam na may sports car na pala si Drifie.

Lighten the Darkest Past (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon