Chapter 3

53 2 0
                                    

Her POV

"Nag-usap na ulit kayo?"

Kinuha ko ang mga flyers na nakapatong sa lamesa, hindi agad pinansin si Faye na nakasunod lang sa akin.

Sinilip ko iyong laman ng pinagtanggalang lagayan ng hardcopy bond paper at nakitang application form iyon ng mga sasali sa club namin.

"Pahawak muna," baling ko sa kanya sabay bigay ng hawak kong mga papel.

Pumunta ako sa table ni Ma'am Frances para magpaalam. Nandito kami ngayon sa faculty office kung saan labas-pasok ang mga guro sa opisina. Lahat ay busy para sa magaganap na club fair mamaya.

"Nakuha na po namin 'yung mga flyers, Ma'am. Babalik na po muna kami sa booth," paalam ko nang maabutan siyang may hinahanap sa drawer.

Nag-angat siya ng tingin. "Sige, sige. Okay na ba 'yung promotional video natin?"

Tumango ako, "Opo, Ma'am. Ipi-play nalang po. Kanino ko po ba ibibigay?"

"Ako nalang magbibigay sa technical team para makapag-focus kayo sa booth later," she smiled.

"Sige po." Kinuha ko sa bulsa ang USB at ibinigay iyon sa kaniya. "Una na po kami!"

"Susunod ako. Thank you, Solis," rinig kong sabi ni Ma'am bago ako umalis.

"Tara na," bungad ko kay Faye nang makabalik ako sa kaniya.

Kinuha ko sa kanya ang mga flyers. Naiwan namang hawak niya ang mga application forms para sa club namin.

Mabuti nalang talaga at nagawa kong mapapayag na sumali ang babaeng ito sa club namin kahit wala naman siyang hilig sa arts.

Noong lunes ay sinabi sa akin ni Ma'am Frances na ako ang napili ng Academic Coordinator na maging President ng Arts Club ng high school program. Iyon ang unang beses ko na magha-handle ako ng isang club, madalas kasi ay sa classroom lang ako nae-elect.

Hindi naman bago sa akin na maging leader dahil marami na akong karanasan doon na nagsimula noong elementary. Ang kaibahan lang ngayon ay mas malaking populasyon ang hahawakan ko dahil hindi lang Senior High students ang pwedeng maging myembro ng club, pati na ang Junior High. Iyon ay kung may gustong sumali.

"So ano nga?"

Habang naglalakad ay sinulyapan ko si Faye. "Anong ano nga?" 

"Pinapansin ka na ni pogi?" muling tanong niya at ngumisi pa.

Napasimangot naman ako nang maalala ang kasungitan ng lalaki nitong mga nakaraang apat na araw. Humanap pa rin naman ako ng tyempo na makausap si Rigil kahit na hindi niya tanggapin ang sorry ko noong lunes. Sinusubukan kong makipag-kaibigan sa kanya pero parang imposible iyon.

"Galit pa rin siguro sayo," maya-maya namang sabi ni Faye matapos kong mag-kuwento.

My lips remained pouting. "Ba't naman siya magagalit?"

"Kasi pinahiya mo siya?" Faye said, like she was reminding me.

"Ang OA naman niya. Nag-sorry na nga 'yung tao."

Medyo napabilis ang paghakbang ko nang makalabas kami sa main hall. Bumungad sa amin ang mga estudyante, mga college student, na mukhang nag-eenroll palang. Madalas kasing mauna ang pasukan ng Basic Education.

Malapit ang main hall sa college premises kaya nawari ko agad na college student ang mga nakasalubong namin kahit pare-parehas kaming naka-freestyle attire. Wala namang pormal na klase ngayong araw kaya pinayagan na ang mga estudyante na kahit hindi muna mag-uniform.

Isa sa nagustuhan kong policy dito sa unibersidad ay iyong pwedeng magsuot ng kahit anong damit ang mga estudyante. Hindi ganoon kahigpit ang mga guard sa amin, kumpara sa ibang school, pero syempre, bawal pa rin iyong sobrang revealing.

Beautiful Mistake (High School Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon