Synopsis
Paano kung ang iyong panaginip ay isang katotohanan sa nakaraan. Ito ba'y iyong tatakasan? O patuloy haharapin ang katotohanan?
[SHANE]
Napalingon ako ng ilang ulit sa babae na ang mukha ay tila bang nagpapaalala sa aking nakaraan.
~°~
at Trinity Academy
[ELENA]
Nakatambay lang ako sa cafeteria ng aming eskwelahan habang hinihigop ang aking paboritong Iced Coffee na Dark Mocha na aking binili sa Pick Up Coffee.
Ng biglang dating naman ng aking kaibigan na si Zoey.
"Hoy Beatriz! Kanina pa kita tinatawag, kaya naman pala eh busy na naman sa soundtrip!" Sabay alis ng aking headphones sa aking tenga.Siya nga pala si Zoey Arianne Bonifacio isa sa aking matalik na kaibigan, mabait siya makulit at maingay rin kaya nagkakasundo kami lalo na sa fangirling.
"Oh ano Westlife na naman yang soundtrip mo diyan ano?" dagdag pa nito.
"Hay nako Zoey! kahit kailan ka talaga, nagmomoment ako rito eh."
Yes! We are certified fan of WESTLIFE!! yung halos tumataas standards na namin sa lalaki pero hanggang pangarap na lang talaga.
"Hi babe." Sabay halik sa aking pisngi, "Hello babe" pagsagot ko sabay yakap sa kanya.
Opo may boyfriend na po ako, siya si Mr. Liam Andrew Dela Cruz na sobrang supportive sa pagfafangirl ko sa Westlife and also sa SB19.
"Hay nako harap-harapan talaga? Sana all may jowa!" pagsasalita ni Zoey na siya namang naiinggit.
"Oh sige na Zoe, una na kami sa'yo."
Pagpapaalam ni Elena may Zoe. (Zoe palayaw ni Zoey)"Okay guys, ingat!"
~°~
Papunta kasi kami ngayon ni Liam sa isang Music Store kung saan kami ay bibili ng Album ng Westlife.
"Babe anong album ba yung gusto mong bilhin?"
"Nako babe! Solo Album ni Shane gusto ko magka-spare copy." Ani Elena.
"Ha? Eh di'ba buo na ulit ang Westlife bakit naman solo album parin ang gusto mo?"
"Siyempre naman babe! Shane Filan yon eh, hindi kana nasanay."
"Nako ha malapit na ako mag-selos diyan babe." Pagbibirong sagot ni Liam
"Jusko naman babe, napakalabo na at napakalaki ng age gap namin ni Shane! Tito ko siya." Pag-sagot ko kay Liam sabay kami ay nagtawanan.
At nakarating na kami sa Music Store dito sa Audyssey Music Store.
"Go babe buy what you want ako na bahala." Ani Liam
"Noo! Alam mo naman na gusto ko ako lang gumagastos ng luho ko eh except na lang kung birthday ko tatangapin ko yan." Pag-sagot ni Elena sa kanyang nobyo.
Ganon kasi ang pag-uugali ni Elena kahit na gustong-gusto ni Liam na siya ang gagastos sa mga binibili nitong CD ng Westlife wala na siyang magawa dahil ayaw ng kanyang nobya.
BINABASA MO ANG
Back to You
Fanfiction"BACK TO YOU" Ito ay isang Fan Fiction Story na ginawa ng isang Westlife Fan. Ang Istoryang ito ay patungkol sa isang babae na sobrang fan ng isang boyband na "Westlife", palagi niya itong pinapangarap na kahit sa isang pagkakataon ay makita at mala...