Chapter 22

259 5 0
                                    

Pagsusumamo



"N-nay?" tanong ko sa kabilang linya. Nagkaroon ako ng pagkakataon para makausap si Nanay dahil nakihiram ako ng cellphone kay Marie. Ilang beses din naman akong pinilit ni Doc na siya na lang bibili pero hindi naman ako palagamit ng cellphone.

Nakikihiram lang naman ako kay Vincent kaya nagkakaroon ako ng access sa facebook nila Tita Lucy, kahit na hindi maganda ang pagkikita namin nuon, kakapalan ko na lang ang mukha ko.

"Ayos lang po ba si Nanay?" sabik kong tanong kay Tito Raoul. Napabuga siya ng hangin at halatang hindi ayos ang kalagayan niya.

"Hija, pwede bang huwag ka na munang tumawag at i-access ang facebook account ko?" pakiusap niya sa akin na siyang ikinakunot ng aking noo.

"B-bakit naman po?"

"Hindi kasi magandang maaalala niya na naman ang mga ala-ala sa Pilipinas, alam mo naman siguro ang pinupunto ko..."

"Hindi ko po kayo maintindihan, hindi naman po pwedeng tanggalin ang karapatan ko para kay Nanay..." sagot ko ngunit hindi na ito sumagot at tanging buga lamang ng hangin ang kaniyang itinugon.

"Maayos na siya rito, she take her medicine regularly at masasabi kong hindi niya na kailangan pang magkita kayo dahil ligtas naman na siya rito," sagot niya sa akin.

"Kahit kausapin ko lang siya, Tito... pakiusap..." pagpupumilit ko.

"Please, I'm sorry for that, hindi ko magagawa 'yang sinasabi mo..." kasabay non ay ang pagpatay niya ng telepono at napakagat na lang ang luha.

"Ayos ka lang?" alalang tanong niya sa akin ngunit ngumiti na lang ako para pigilan ang aking hikbi.

"Doc!"

"Why?"

Kaagad kong pinahid ang aking luha dahil baka makita niya pa, mas lalo lang akong iiyak kung makikita niyang umiiyak ako.

"What's problem?" pinihit ako paharap kay Doc at nakita niya kung paano mamugto ang aking mata dahil sa iyak.

"W-wala na yata akong pag-asang makita si Nanay..." emosyonal kong sabi at hinigit niya ako para yakapin.

"Don't worry, gagawa ako ng paraan para makasama mo siya..." pangako niya sa akin ngunit dahil na rin sa pinipigilan kong luha ay kaagad bumuhos ang masasaganang luha ko.

"Marie, punta lang kaming kwarto... mag-uusap kami..." paalam niya sa kaniya at inakyat niya ako papuntang kwarto niya.

Humikbi ako at kasabay ng aking paghikbi ay kaagad niya akong niyakap at hinagkan.

"I'm sorry, Babe..." bulong niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at pinunasan niya ang aking luha gamit ang kaniyang hinlalaki habang emosyonal ding nakatingin sa akin.

"A-ang dami kong problema, Doc... ako pa yata ang dahilan sa pagkasira ng career mo," sambit ko rito ngunit umiling lamang ito sa akin.

"Shhh, you're not. Ikaw pa nga ang motivation ko," bawi niyang tugon.

"Hindi mo deserve ang tulad ko," sambit ko. "Hindi ko man lang matugunan ang magpapasaya sa 'yo, hindi ako kasing perfect ni Doctora Rosset, wala man lang akong narating..." hikbi ko.

"Deserve kita, at nag-uumpisa pa lang ang steps mo para maging successful, but for me... hindi mo kailangang ikompara ang sarili mo sa ibang babae..." mahinahon niyang sambit.

"K-kahit hindi ako gusto ng Ina mo?"

"Kahit na, wala silang magagawa para sa 'tin, the can't control me anymore..." sambit nito. Habang sinasabi niya 'yon ay parang pinipiga ang puso ko, na kahit na sino man hindi ko naramdaman ang pagmamahal na pinaparamdam sa akin ni Doc Cutler.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now