Chapter 19

290 9 1
                                    

Nafefeel ko na ung ending guys. 

Joke.

Ewan. Tingnan nalang natin kung may ihahaba pa ito. ^_^

Maybe you should check out my other stories: "A Game with Death" and "Kung Ako Ba Siya"

-Mo

_________________________________________________________

Chapter 19

Charlotte’s POV

Wednesday. Tch.

Ang boring dito sa bahay. Natapos ko na kasi aralin ung mga dapat aralin ko nung Monday at Tuesday. Di ako pumasok nung mga araw na un at hindi parin ako papasok hanggang Friday. Wala ako sa mood. Lalo na’t katatapos ko lang ng interview kahapon.

Napanood niya kaya?

Baka naman hindi. Busy na tao un eh.

Hays.

Anyway, ayoko sa school.

Buti nalang kasi dito, si Tyler lang makikita ko.

Sa school, pati si Kevin makikita ko.

Pati si Shane.

Di naman sa nilalayuan ko si best friend pero…ewan ko. Gusto ko lang muna lumayo.

Buti na ngalang pinapadalhan niya parin ako ng mga notes sa bahay. Di lang naman din para sakin kundi para rin kay Ty.

Oo nga pala.

House arrest kami kung tatawagin.

2 months dito sa bahay. Sa mansion. With the parents.

So far, naka2 weeks na kami at wala paring improvement.

Paano magkakaroon ng improvement kung di mo man lang siya pinapansin?

Ba’t ko naman din papansinin?!

Kasi mahal mo siya at sinaktan mo siya nung araw na sinabi mong hindi mo siya mahal.

Di ko naman pwede kasing sabihin dun kasi maraming makakarinig!

Why not tell him now? You’re alone, aren’t you?

HINDI RIN NAMAN NIYA AKO MAHAL SO WHY DOES IT EVEN MATTER?!

ARE YOU SURE ABOUT THAT?!

O—

O…mo mukha mo. Di mo nga siya tinatanong tapos sure ka na agad diyan.

Alam ko naman kasi di niya akong kayang mahalin eh…” Naibulong ko sa sarili ko habang inaayos ang flowers na nasa vase. “Tali sa kontrata…

“Sinong kausap mo?”

Tumigil tibok ng puso ko.

Damn it.

Ba’t ba ganito ang effect niya sakin?

Wait. Narinig niya ba ung sinabi ko?

Matagal na ba siyang nakatayo sa likod ko?

UTANG NA LOOB.

“Ah…eh…” Tinitigan ko ng mabuti ang bulaklak at piniling hindi lumingon. “…ung bulaklak.”

Buti pa ang bulaklak kinakausap. Ako hindi.

Namula naman ako. “Kung akala mong bulong yan, pwes hindi. Rinig na rinig kita.”

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon