Chapter 12

94 10 2
                                    

"SAAN ba tayo pupunta?" tanong ni Luisa.

Mabilis sumenyas sa kanya si Levi na huwag maingay habang dahan-dahan nitong sinasarado ang pinto sa likod bahay. Lumingon siya sa paligid, napakadilim, bukod doon ay malamig din ang ihip ng hangin. Doon sa likod ng bahay ay walang ibang makikita kung hindi ang daan papunta sa kagubatan. Wala masyadong pumupunta doon. Ayon sa mga nakausap dati ni Luisa ay delikado daw doon sa gubat dahil bukod sa masukal at masyado daw madilim doon sa gabi. Bukod pa doon na maaaring may mga mabangis na hayop sa naninirahan, kaya naman pinayuhan ng local government ng Santa Catalina ang mga residente sa paligid ng gubat na iwasan pumunta doon.

"Basta," pabulong na sagot nito.

Hindi nasunod ang nauna nilang plano na umalis kapag breaktime niya dahil sa may biglang pinagawa sa kanya ang kliyente. Nang matapos ang trabaho ay doon pa lang sila umalis. Pasado alas-tres pa lang ng madaling araw, malakas pa rin ang buhos ng ulan, pero hindi iyon alintana ni Luisa.

Nang maisara ang pinto ay hinawakan siya ni Levi ng mahigpit sa kamay at binaybay nila ang daan papunta sa madilim na kakahuyan. Papasok na sila sa gubat nang makaramdam siya ng takot. Huminto siya sa paglalakad at pinigilan ang binata.

"Sandali, huwag na kaya tayong tumuloy? Baka kung mapaano pa tayo diyan eh, saka bawal daw pumunta dyan delikado," natatakot na sabi niya.

Ngumiti sa kanya ni Levi.

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

Hindi agad nakakibo si Luisa.

"Mayroon siyempre, kaya lang kasi... baka..."

Napatingin siya sa kamay niya nang maramdaman na hinigpitan nito ang hawak doon.

"Listen to me," sabi pa ni Levi.

Muling umangat ang kanyang mukha at sinalubong ang tingin nito.

"Wala akong gagawin na puwede mong ikapahamak mo. So, please, trust me. I am so sure you will like this."

Humugot ng malalim na hininga si Luisa.

"Okay," sagot niya.

"Great," sabi pa ni Levi pagkatapos ay saka nila pinagpatuloy ang paglalakad.

Everything is pitch black. Halos walang makita si Luisa sa sobrang dilim ng paligid. Bukod sa maingay na tunog ng mga palaka at iba pang hayop, tanging tunog ng malakas na buhos na ulan ang kanyang naririnig. Sa halip na payong, isang windbreaker jacket na may hoodie ang kanyang suot.

"Malayo pa ba? Natatakot ako, Levi! Halos wala akong makita sa sobrang dilim," reklamo niya.

"Konti na lang. Basta sundan mo lang ako, huwag kang bibitaw," sagot nito habang patuloy sila sa paglalakad.

"Ang inaalala ko baka may ahas dito," sabi pa niya.

Hindi napaghandaan ni Luisa ang sunod na ginawa ni Levi. Binitiwan nito ang kamay niya saka siya inakbayan. Natigilan siya sa ginawa nito. Nawala sa normal ang pintig ng puso ni Luisa. Sa gitna ng dilim ng paligid, paglingon kay Levi ay naaninag niya ang mukha nito. Just like her, Levi is looking straight back at her.

"So, will this do? Do you think you will feel less scared now?" mahina ang boses na tanong nito.

Marahan siyang tumango.

"Uh... y-yeah, I... ah... I think so."

"Don't worry just a little bit more," nakangiting sagot nito.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon