Chapter 13

93 10 0
                                    

"HINDI ka ba nahuli pag-uwi mo?" tanong ni Levi sa kanya.

Natatawa na umiling si Luisa.

"Hindi naman sakto na paglabas ko ng banyo dumating si Nanay Elsa. Ang akala nila naligo ako dahil basa nga ako ng ulan."

"Kailangan mag-doble ingat tayo sa susunod, dapat bago lumiwanag nakauwi ka na."

Hindi maalala ni Luisa kung kailan siya naging ganito para sa isang lalaki. Hindi na niya lolokohin pa ang sarili. Alam niya sa puso at isip na hindi na lang kaibigan ang tingin niya kay Levi. It is more than that. It is more serious, something deeper, something special.

Pinanood niya ito habang dinadagdagan ng mga piraso ng kahoy ang bonfire na nasa kanilang harapan. Naroon siya muli sa munting paraisong tinutuluyan nito. Sa harap ng bahay nito, habang pinapanood ang mala-krystal na tubig na nagmumula sa itaas na bundok.

"Levi."

"Hmm?"

"Thank you."

Kumunot ang noo nito at napalingon sa kanya.

"For what?"

"For everything. Simula nang makilala kita, parang nagkaroon ako ng iba pang mundo bukod sa apat na sulok ng bahay ko. Before it was so grey and black. But now, it seems like everything is alive, even me."

Ngumiti itong muli.

"You're welcome."

"Pero puwede ko bang itanong kung bakit mo ginagawa ito? You barely know

me, pinagbintangan pa nga kitang masamang loob noon. Wala ka dapat pakialam sa akin, wala ka dapat ibang ginagawa kung hindi hintayin ang babaeng mahal mo. But you keep putting effort to do things for me. From cooking for me to taking me here in this amazing place."

Marahan huminga ng malalim si Levi at umayos ng upo at sinandal ang likod sa puno.

"Sabihin na natin, alam ko ang pakiramdam ng pinagdadaanan mo. Alam ko ang pakiramdam nang para kang nakakulong. You see things and the people around you, yet you cannot do anything. You are not allowed to do anything. Para bang dapat normal tayong nabubuhay dito sa labas pero daig pa natin ang nakakulong. But the most important thing is..."

Levi intentionally paused and look at her.

"You saw me."

Hindi maintindihan ni Luisa ang ibig nitong sabihin. Bahagya siyang napaisip ng malalim.

"I have always been around, and yet nobody notices me. But you, Luisa, you see me. You opened your door for me and allowed me in your life."

Napangiti siya at niyakap ang mga braso sa dalawang tuhod.

"Hindi ko nga rin maintindihan eh. Magaan ang loob ko sa'yo. When you are with me or every time you are around me. I can feel that something is familiar. Pero hindi ko alam kung ano 'yon."

"Maybe we met before, in some way, somehow, hindi mo lang matandaan."

"Siguro nga," nakangiti pa rin na sagot ni Luisa.

Mayamaya ay tumayo si Levi, kinuha ang isang blanket na nasa tabi nito at binalabal iyon sa kanya.

"Malamig ang paligid, baka magkasakit ka."

Pinatong ni Luisa ang kamay nito na nakapatong sa kanyang balikat saka

tumingala para salubungin ang tingin nito.

"Thank you."

They both stayed that way for a while, not moving and staring at each other. Without anything that comes out from their lips, their eyes speak a thousand words. Amid the darkness of the forest and the rays of light from the moon, with the sound of crickets around. In a moment of silence, their hearts scream so loud that they pounded so hard and fast.

Ilang sandali pa ay naupo si Levi upang magpantay ang kanilang tingin. He gently rubs her arms with his palm, trying to ease off the coldness of the forest. But what he did not know is just by his stare, that beautiful and handsome smile is enough to warm her life as cold as winter.

"As long as you need me, I will stay here beside you. I will not leave you again," sabi pa nito.

Hindi na nakasagot si Luisa nang bigla siyang kabigin nito palapit at mahigpit na niyakap. Walang tanong ang lumabas sa kanyang bibig. Sa halip, hinayaan niya ang sandaling iyon at samantalahin ang pagkakataon na binigay sa kanya. Gumanti ng yakap si Luisa at pinikit ang mga mata.



IT IS already eight in the morning. Dapat ay tulog na siya sa mga oras na iyon ngunit mataas na ang araw pero heto at ayaw pa rin dalawin ng antok. Nakailangan beses na rin papalit-palit ng puwesto si Luisa. Pumikit ng matagal. Nagtalukbong ng kumot pero hindi kahit anong gawin ay walang naging epekto. Dahil sa halip na isipin na makapagpahinga, ang naglalaro sa kanyang isipan ay walang iba kung hindi si Levi.

Hindi manhid si Luisa. Alam niyang hindi lang siya ay may ibang nararamdamam sa kanilang dalawa, kung hindi maging si Levi. Bagay na nagbibigay sa kanya ng kalituhan.

Levi has been very vocal from the beginning that he is there, and they met because of one reason. He is waiting for the woman he loves. Kung ganoon, bakit siya pinagtutuunan nito ng pansin? Why does he make all these efforts? The extra sweetness. The special attention. The way he treated her. Ibig bang sabihin niyon ay unti-unti nang nakakalimutan ni Levi ang babaeng mahal nito?

Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang may mapagtanto. Ngayon lang niya naisip na halos hindi na binabanggit ni Levi ang tungkol sa babaeng mahal nito. Sa katunayan ay mas madalas siya pa ang nagbubukas ng usapan tungkol sa babae. Nakagat niya ang kuko sa daliri at napaisip ng mas malalim.

"Ang ibig bang sabihin no'n..."

Nang may mabuo sa kanyang isipan ay agad pinilig ni Luisa ang ulo at tinapik ng tinapik ang magkabila niyang pisngi.

"Hindi! Hindi! Gumising ka Luisa! Ano ba 'yang iniisip mo?! Balak mo ba na mang-agaw? Tumigil ka!" mabilis na saway niya sa sarili.

Marahas siyang huminga ng malalim saka muling binagsak ang katawan sa kama pagkatapos ay pinikit ang mga mata.

"Lord, I know that the desire in my heart right now is wrong. I want to make him mine, and if we feel the same way, we will hurt someone, and I do not want that. Kung magmamahal ako, gusto ko magmahal nang walang naagrabyadong ibang tao. Anong po ba ang gagawin ko? Should I stop seeing him?"

Muli na naman siyang bumuntong-hininga at tinakpan ng unan ang mukha. At kanyang isipan ay kinausap ni Luisa ang taong naging dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Levi.

"I'm sorry." 

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon