Chapter 17

94 9 1
                                    

 NAPASIGAW si Luisa ng malakas nang sabay silang tumalon sa ilog. Wearing nothing but her pair of underwear, and Levi in his boxers. They swam together under the water. Parang mga bata na naglaro sila sa tubig. Nag-uunahan sa paglangoy. Nagsasabuyan ng tubig. Aahon at muling aakyat sa pinakamataas na parte ng lugar na iyon at doon ay magtutulakan silang dalawa. Doon sa mistulang Paraiso, sa lugar kung saan sarili nila ang mundo. A world that Levi created just for them.

Mula sa gitna ay dinala siya ni Levi sa ilalim ng waterfalls. Napasigaw si Luisa dahil sa lakas ng bagsak ng tubig at napayakap sa binata.

"Gusto mo maupo doon?" humihingal na tanong nito sabay turo ng espasyo na tila isang maliit na kuweba kung saan maaaring maupo ang dalawang tao.

"Sige," sagot niya.

Tinulungan siyang umakyat nito pagkatapos ay sumunod ito sa kanya. Humihingal na hinilamos niya ng palad sa mukha at sinuklay ng daliri ang buhok. Dahil galing sa taas ng bundok ang tubig, kaya hindi maiwasan na manginig sa lamig si Luisa.

"Grabe, kapagod," humihingal na sabi niya.

"You're shaking," puna sa kanya ni Levi.

Umurong ito palapit sa kanya pagkatapos ay niyakap siya nito. Humawak si Luisa sa braso nito at sinandal ang ulo sa balikat.

"Sa tingin mo, kapag ba hindi na ako umalis? Mahahanap nila ako dito?" biglang tanong niya.

"Bakit mo naman natanong? Ayaw mo na bang umuwi?"

Huminga siya ng malalim. "Oo. Gusto ko na lang dito."

"Sigurado ako na hindi ka mahahanap ng kahit na sino dito. Kaya lang, kapag hindi ka na bumalik, paano na ang buhay mo? Ang mga kaibigan mo? Ang trabaho mo?"

Lumingon si Luisa. "Puwede naman ako dito magtrabaho eh."

"Walang internet dito, nasa gubat tayo Miss, baka nakakalimutan mo."

Natawa siya nang maisip na tama ang sinasabi nito.

"Oo nga pala," natatawa na sabi niya.

"Huwag kang magmadali, darating din tayo diyan. Let us just enjoy this beautiful day together, okay?"

Hinawakan ni Luisa sa pisngi si Levi at hinaplos iyon.

"Akin ka na lang," mahina ang boses na sabi niya.

"I am yours," nakangiting sagot ni Levi.

Marahan siyang umiling. "Hindi. Hiniram lang kita, pero kapag hindi ko napigilan ang sarili ko. Tuluyan na kitang aagawin at itatanan."

Malakas na natawa si Levi.

"Gagawin mo 'yon?"

Mabilis siyang tumango. "Oo naman!"

"Stop thinking anything. Just focus on us, okay?"

Marahan siyang tumango. Pinikit ni Luisa ang mga mata nang muling sakupin ni Levi ang kanyang mga labi at agad siyang tumugon. Isang halik na mapusok at mapag-angkin ang binigay sa kanya ng binata. Mga halik na puno ng init at pananabik. Ang mga palad nitong nagdadala ng init sa kanyang katawan. Sa kabila ng malakas na lagaslas ng tubig mula sa falls. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Luisa ang tunog ng mga sensuwal nilang halik.

She moaned when their tongues mated. Levi grabbed the back of her head and deepen the kiss. He boldly explores her mouth, tasting every bit of her.

"Luisa..." paungol na sambit nito sa pangalan niya nang putulin nito ang halik at bumaba ang labi nito sa kanyang leeg.

"Hmmm..." ungol din niya.

Sa pagdaan ng labi nito sa bawat parte ng kanyang leeg ay parang gas na nagpapa-alab ng apoy na unti-unting nagniningas sa init ng kanilang katawan. She felt his wet kisses planting and marking her skin. His warm tongue running and savoring her. She did not want this to end. None of what they have right now will not going to end.



"KUMAIN ka ng marami para mabilis ka maka-recover," sabi pa sa kanya ni Levi.

Napangiti si Luisa. Matapos nilang maligo at maglaro sa ilog, agad silang nagbanlaw. Nakakatuwang isipin na si Levi ay hindi gaya ng ibang lalaki. Marahil kung iba ang kanyang kasama, sinamantala na nito na sarili nila ang lugar. They were dipping in the water half naked; they were making out behind the waterfalls.

"Ang sarap," puro niya sa niluto nitong ulam.

"Thanks," nakangiting sagot nito.

Habang nakasampay ang kanyang mga basang underwear. Pinahiram muna siya ni Levi ng malaking t-shirt nito.

"Pero nakakamiss din pala 'yong pumupunta ka sa bahay sa madaling araw tapos pinagluluto mo ako. Iyong kapag nagtatrabaho ako, lumingon lang ako tapos nandiyan ka lang sa tabi ko."

"Huwag kang mag-aalala, one of these days, ako naman ang pupunta sa'yo."

Bumuntong-hininga siya. "Kung hindi lang uuwi si Tere bukas ng umaga, hindi na ako uuwi. Dito muna ako."

Inangat nito ang kamay at sinuklay ng daliri ang buhok niya. Pagkatapos ay binigyan siya ng maganda at matamis na ngiti.

"You can stay until dawn, ihahatid na lang kita bago magliwanag."

Nagningning ang mga mata niya. "Talaga?"

"Oo."

Hinawakan niya ang kamay nito, umaapaw ang saya sa kanyang damdamin, pumikit siya at hinalikan ang palad ni Levi. Pagkatapos ay dumilat nang lumipas ang ilang sandali at sinalubong ang tingin nito.

"I do not know what you have done to me, but I love you so much. And it is weird because this feeling seems familiar. Alam mo 'yong pakiramdam na parang matagal na kitang mahal bago pa man tayo magkakilala."

Marahan natawa si Levi.

"Really?"

Marahan siyang tumango.

"Pero natatakot din ako."

"Saan?" kunot ang noo na tanong nito.

"I'm scared that I love you too much that in the end, you will leave me and hurt me."

Sumeryoso ang mukha ni Levi. Binitiwan nito ang hawak na kutsara at hinila ang upuan palapit sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa batok at kinabig palapit. Hindi napaghandaan ni Luisa ang sumunod na ginawa nito. Mapusok siyang hinalikan ni Levi. He kisses her with so much intensity that it sets her body in heat. Ngunit ilang sandali lang ang lumipas nang agad siyang tumugon.

Luisa felt the sudden emptiness when he stopped kissing and pull himself away from her. Para siyang sinipa ng malakas sa dibdib nang magtagpo ang kanilang paningin. There is so much emotion in his eyes at that moment.

"Luisa, I want you to trust me, when I say I will never hurt you intentionally. And I will never leave you. You have no idea about the things I had to do and how much I went through just to find this happiness. At hindi ko sasayangin ang pagkakataon na 'to."

Hinawakan niya ito sa kamay at hinalikan ang likod niyon.

"I trust you." 

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon