CHAPTER 2

1K 21 0
                                    

Magka krus ang braso nya habang nakahalukipkip matapos ay dumukot sa bulsa at hinagis sa harap ko ang isang Cream."Apply it until the Redish is Gone." aniya.

"H-hindi ko po kayo maintindihan." saad ko, pilit kong inilalayo ang mata ko sa kanya.Tumaas ang kilay nya sa sinabi ko.
"Hindi po ako marunong umintindi ng Engles." paliwanag ko.

"St*pid" aniya pa tsaka umirap." I lagay mo yang Cream sa pamumula ng braso mo." masungit na Aniya.Tumango ako at hindi sumagot, pinunasan ko ang ilang gamit doon kahit wala namang alikabok. "Mukhang paborito ka ng matandang iyon, Ikaw ang palaging mag linis sa kwarto ko...uutusan kita hangga't gusto ko hanggang sa hindi ka na nya mapakinabangan." hindi ko alam kung tumatawa sya o ano.

'Bakit nya naman kaya gagawin iyon?'

"nagkita na ba tayo dati?" Natigilan ako sa tanong nya, 'anong sasabihin ko?'
"Just..never mind." aniya tsaka naglakad palabas.

Hapon na nang matapos ako sa paglilinis sa kwarto ni Sir Ruzzel, tumungo ako sa kwarto ni Mister Morgan na kasalukuyang natutulog na. Inayos ko ang kumot nya tsaka ako dumeretso sa kwarto namin ni Amelia.

"Gosh!Val!sobrang gwapo nya!" tiling ani Amelia habang nakadungaw sa maliit na bintana ng kwarto.

"Huh?"hindi ko mahulaan ang sinasabi nya kaya dumungaw din ako doon. Nanlalaki ang mata ko habang nakikita ang napaka puting balat ni Sir Ruzzel nakahub*d sya at nakababad sa swimming pool.

Nakatanaw ang mata nya sa kalangitan habang nakatukod ang siko nya sa railings ng pool dahilan para huminto ang mata ko sa walong bitak sa tyan nya

Hala!

Mabilis kong iniwas ang mata ko, na aalala ko na naman kasi iyong nangyari sa Barr.

"Ano kaba Amelia, itigil mo ang paninilip mo kay Sir." nasabi ko tsaka ako bumalik sa kama ko.

"Grabe ang hot nya Val!"

Napailing na lamang ako, ngunit ang totoo kahit ako ay nakaramdam ng pagka uhaw dahil sa napaka gandang pangangatawan ni Sir Ruzzel.Paano na lamang kaya kung malaman nila na may nangyari sa amin ng taong iyan?baka isumpa na ako nang mga kasama ko dito kasama si Amelia.

Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig.Nagsalin ako ng tubig sa puting baso tsaka iyon nilagok.

"Nauhaw ka sa pagtitig mo sa akin?" nabato ako sa kinatatayuan ko dahan-dahan akong lumingon.

Patay na ang lahat ng ilaw sa kusina ngunit malimaw kong nakikita ang kagwapuhan ni Sir Ruzzel na ngayon ay top less at tanging twalyang puti lamang ang nakapulupot sa baywang nya.

Lumunok ako tsaka ko ibinaba ang baso na pinag inuman ko, may roon pa iyong kalahating laman.Humakbang sya palapit sa akin kaya't umatras ako.

'Ano bang binabalak nya?'

Habang palapit sya ng palapit ay lalo kong na aamoy ang natural na bangong taglay nya.Halos maitikom ko na abg parehong kamay ko nang nasa isang dangkal na lang ang agwat namin.Kinuha nya ang baso na pinag inuman ko tsaka ininom ang laman noon.

"Papasok ako sa Office Bukas ipagluto mo ako ng almusal pati na ang matandang inaalagaan mo." masungit na aniya tsaka umalis sa harap ko.

'Alam nya na kaya?na ako iyong babae sa Barr?'

Napabuntong hininga na lamang ako,sa nilaki-laki ng mundo bakit sya pa ang anak ni Mister Morgan?tila nahihirapan ako.

O baka ako lang talaga ang may problema?

Kinaumagahan ay halos alas kwatro ako nang magising kahit wala akong sapat na tulog.Nagluto ako ng pagkain para kay Sir Ruzzel at Mister Morgan.

"Nagpapa impres ka ba kay Sir Ruzzel?" mataray na tanong sa akin ni Carla kasama si Ana.

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon