HE OWNED ME
CHAPTER 5
Nagpanggap ako na hindi ko sya nakikita sa paligid ko, nagluto ako nang hindi sya pinapansin.
"Ipadadala ko si Tanda sa Amerika." iyon ang naka agaw ng pansin ko kaya nilingon ko sya. "Hindi sya magiging okay kung dito lang sya magkukulong sa bahay, gusto mo bang sumama?"
"Huh?" hindi ko malaman ang sasabihin ko.
"Kung gusto mong sumama sa matandang iyon ay pasasamahin kita, pero kung hindi syempre mananatili ka dito sa bahay kasama KO."natanaw kkng kumibot ang kilay nya." i mean.. kami." pagtatama nya.
Dahil sa balitang iyon ni Sir Ruzzle ay tila kulang na naman ang tulog ko kinabukasan."Amelia?saan ka natulog?" takang tanong ko nang mamataan ko si Amelia na nagpupunas ng mga baso sa kusina.
"Dun sa bagong kwarto na ibinigay ni Sir Ruzzle, sinibak nya si Carla kahapon matapos nyang marinig na nilal*ndi mo daw kuno si Sir Ruzzle."
"Dahil lang dun?" hindi maka paniwalang saad ko.
"Anong dahil lang dun!" hinampas nya sa akin iyong basahan."ayaw na ayaw ni sir na nalilink sa kung kani-kaninong babae! dahil ayaw nya sa atin." nakalabing aniya." nag hire na sya ng private Nurse ni Sir Morgan kaya hindi mo na kailangan pang maghirap."
"Ngunit hindi hirap ang tingin ko sa pag aalaga kay Mister Morgan."
"Named it Then."napalingon kami ng sabay ni Amelia kay sir Ruzzle naka suot ito ng puting tshirt at chechard na pajama'ng itim, naka pamulsa ang isang kamay at hawak naman ng isang kamay nya ang maliit ng puting tasa na umuusok pa. Siniko ako ni Amelia nang hindi ako sumagot kay Sir Ruzzle. "Sumunod ka, kakausapin kita." inirapan nya ako tsaka pinangunahan nag paglalakad.
Malawak talaga ang mansyon na ito, ni hindi ko manlamg kasi nalaman may sariling office si Sir Ruzzle dito at puno iyon ng iba't ibang uri ng libro. Nabasa nya na siguro lahat ng iyan kaya napaka galing nyang mag ingles.
"Maupo ka." itinuro nya ang sofa na nakabukod sa mesa nya, naupo ako roon.
"Kung hindi hirap ang tawag mo doon ano pala?" hindi ko mahulaan kung galit sya." hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sakin at nagkakaganito ako."Naramdaman kong naupo sya sa likuran ng sofa.
"Ayaw kong nakikitang nahihirapan ka, ayaw kong inaapi ka ! at ayaw kong nakikita na nasa iba ang paningin mo..nabubwis*t ako." kunot noong aniya.'Ano bang sinasabi nya!'
Tumayo sya at itinuon ang dalawang braso nya sa sofa dahilan para macorner ako."You drive'in me crazy Valkyrhie" tila naging malamlam ang mata nya. "Iwan mo ang matandang iyon at piliin mo ako." Hanggang ngayon ba ay iyon padin ang iniisip nya?
"A-ano bang - - -"hindi ko iyon naituloy nang mabilis nyang sinunggaban ng hal*k ang labi ko.Pilit kong tinutulak ang dibdib nya ngunit hinuli nya lang ang kamay ko para pigilan.
Hindi ako nakakilos sa sobrang lakas nya, wala akong magawa! Kung magtatagal ito ay baka malaman nyang ako iyong babae sa Barr.
Matagal nyang ipinilit na halik*n ako ngunit hindi ako sumagot dahil hindi ko din naman alam kung paano hanggang sa kusa syang tumigil.
"S-sorr–"
*Pak
Malakas na sampal ang ibinungad ko sa kanya tsaka ko sya itinulak at nagtatakbo palabas ng kwartong iyon.
"VAL!" sigaw nya ngunit nagtatakbo ako papasok sa kwarto.
Sino sya para husgahan ako?ganun ba talaga ang tingin nya sa'kin?isang kab*t!
Nagmukmok ako ng halos ilang oras sa kwarto.
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRES OWNED ME
Любовные романыMula sa pagiging bayaran hanggang pangangatulong ay pinasok ni Valkyrhie ngunit hindi nya inasahan na ang lalakeng umangkin sa kanya ng gabing iyon ay isa Palang Business Thycoon at anak nang kanyang amo sa pagiging kasambahay nya .