CHAPTER 9

784 10 0
                                    

Pero iba ang paraan ng pagh*lik nya sa akin ngayon, puno ng pag iingat na para bang natatakot sya na magalit ako. Kumpara ngayon ay tila umaayon ang puso at isip ko sa gustong gawin ni Sir Ruzzle.

Sinubukan kong tugunan ang bawat galaw nya, hindi ko akalain na magdudulot iyon ng panibagong pakiramdam sa akin napapikit ako. Naliliyo ako sa Sar*p na dulot ng mga labi nya hanggang sa manghina ang tuhod ko.

Hindi ko nga alam kung nababasa ba nya ang isip ko dahil kusa nya akong iginiya paupo sa papag ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin. Binitiwan nya ang kamay ko sa gitna ng halik*n namin at inilagay iyon sa pisngi ko.

Nararamdaman ko ang bahagyang panggigig*l ni Ruzzle sa labi ko, siguro ay hindi na nya napigil at nakagat pa nya ang labi ko dahilan ng pagdaing ko.

"R-Ruzzle.." Tumigil sya at ibinaon ang mukha nya sa balikat ko.

"F*ck Valky i wanna hear your Moan using my Name." Hindi ko sya maintindihan. "Mababaliw yata ako kapag hindi ka napunta sa'kin." bulong nya sa tainga ko.

"A-ano?" saad ko.

"Wala, magpalit kana.baka hindi ako makapagpigil." aniya tsaka tumayo at tumalikod.

"W-wag kang haharap ah." saad ko, kahit pa may nangyari na sa amin ay nahihiya padin ako, isa pa ay hindi nya naman alam ang bagay na iyon.

"Nag ba-barr ka ba?"

"H-huh?" napatigil ako, tuloy ay nakahub*d ako habang nakatanaw sa likod nya.

"sabi ko.." akmang lilingon sya.

"hep!nakahub*d ako!" galit na saad ako.

"S-sorry." aniya." tinatanong ko kung nag ba-barr ka."

"B-bakit mo naman naitanong. Mabilis kong isinuot ang damit.

"I met a girl who caught my full Curiosity, i tried to find her but sadly i can't."

"Hindi naman kita maintindihan eh." saad ko, " tapos nako magpalit."

Lumingon sya sa akin at mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi nya kasabay ng bahagyang pagkagat nyang muli sa labi nya.

'Bakit kaya?'

Tinignan ko yung Damit mayroong mga letra na.

E-A-T -M-E -B-A-B-Y

"B-bakit ka nakangiti?a-ano ba yung nakasulat?" tanong ko.

"Wala." umiling sya." bagay sayo." aniya pa. Paanong bagay e halos umabot na nga iyon malapit sa tuhod ko.

Hinintay namin na tumila ng Ulan at salamat dahil hindi naman nagtagal iyon.
Kung kailan pauwi na kami ay tsaka pa'ko nakaramdam ng hiya. tila nagsisi kasi ako na sana ay hindi ko hinayaan na halik*n ako ni Sir Ruzzel. Hinayaan kong halikan ako ng taong ikakasal na.

"Ipasusundo kita bukas kay Natan." iyon ang huling sinabi nya nang ihatid nya ako sa bahay, tumango na lamang ako tsaka nagtatakbo papasok. "Magpaganda ka ng Husto!" rinig kong sigaw pa nya pero hindi ko na lamang sya nilingon.

Pinilit kong umakto na okay lang ang lahat kahit ang totoo ay kanina pako naiilang dahil sa nangyari sa amin

"Ate ano ba iyang suot mo?" puna ni Ivorie nang makapasok ako sa bahay." saan mo ba iyan nakuha?" nakangiwing aniya.

"Bakit?" nakiusyoso din si Van at Venice.

Matapos nilang makita ang suot ko ay nagkibit balikat lamang tsaka muling bumalik sa pag se-selpon

"A-ano bang mali sa suot ko?" tanong ko kay Ivorie.

"Ate, nakakadiri kaya ang nakasulat! eat me baby daw! Ibig sabihin ay kainin daw sya!" paanong nalaman ni Ivorie ang ganun samantalang dose anyos pa lamang sya!

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon