Ikaw. I

2 0 0
                                    

1
Sa paglipas ng panahon, may mga bagay na nagbabago’t nanatili,
Pero isa lang ang tanging nangingibabaw,
Ang tunay at dalisay na pagmamahal sa iyong sinisinta.

2
Hindi man puwede o nararapat,
Ay hindi pa rin naman pipilitin,
Bagkus patuloy pa ring magmamahal,
Maging sugal man ang nararamdaman hanggang sa huling daan.

3
Nagkaroon man ng dalawang-isip,
Tayo’y tumigil pa rin sa dulo ng hangganan,
Iniisip ko na ang oras na iyon ay nakataya bilang panandaliang kasiyahan.

4
Alin mang isipin,
Ay hindi papansinin,
Tayong dalawa’y magkasama ay dinadalangin,
At marapatin na mangyari bago bumulusok sa pagmamahal ang aking damdamin.

5
Oras ma’y lumilipas nang matagal,
Sana’y hindi ako bilang sagabal,
Ang akala ko’y pag-aaral,
Pero bakit pag-sinta ko’y biglang umiral.

6
Nang makita ang kagandahan sa iyo binibini,
Tinatangi ka nitong pusong walang katumbas sa pagmamahal,
Para kang prinsesa na hindi inaasahang pang-karaniwan lamang,
At itinadhanang tayo’y magkakilala.

7
Noon pa man ay mayroon na akong lihim na pagtingin,
Hindi ko man kayang aminin,
Pero kaya kong panatilihin,
Na kahit ma’y alam mo na, patuloy ko pa ring ililihim.

8
Bawat sandaling lumilipas kapiling ka,
Hindi maisip kung ano ang maaaring magawa,
Mahalin o mas lalong mamahalin,
Sadyang nararamdaman ko’y hindi na mapigilan.

9
Pati rin yata ay mabilis na pagtibok ng puso’y patuloy pa rin aking nararamdaman,
Ito ba’y bugso ng pagmamahal o kasiyahang hindi mapantayan ninoman.

10
Kape man ay lumamig,
Pag-ibig ko’y patuloy pa ring mananaig,
Hindi alintana ang mga pagsubok na haharapin,
Kahit ang mithiing ika’y maging akin ay imposibleng tuparin.

11
Sa pagkakataong akin nang aaminin,
Sana’y pagkakaibigan natin ay hindi magbago,
At patuloy pa ring lalago,
Katulad nang pagsinta ko sa’yo habang lumilipas ang mga araw.

12
Nakaukit sa tadhana ko na sana’y ikaw ang makapiling sa walang hanggan,
Kahit iyon man ay hindi mangyari,
Magpakailanma’y ikaw ay aking mamahalin,
Kapalit man nito ang mapait na damdamin para sa akin.

13
Ubod ng saya,
Tila’y wala nang kinabukasan,
Bawat araw na nakakasama ka’y parang paraiso na ayaw ko nang ilisan pa.

14
Ano bang gayuma ang dala mo?
Tuluyan mong nabighani ang katulad kong nangungulila,
Ikaw ba ang kasagutan sa mga dalangin,
Na tila parang ang sarap pasanin.

15
Sa unang beses na tayo’y magkakilala,
Agad akong napatulala,
Ganda mo’y kakaiba,
Ikaw na ba talaga?

16
Ang hinihiling kay bathala,
Ay natupad na,
Ang isang binibini na katulad mo’y,
Aking makilala.

17
Minu-minuto, segu-segundo,
Ikaw palagi ang nasa isip ko,
Ano na ba itong nararamdaman ko?
Hindi kayang mapigil ito.

18
Walang makakahadlang,
Sa aking tinatamasang kasiyahang,
Sa iyo lamang makakamtan,
Kaya’t palagi kang rerespetuhin at bibigyan ng galang,
Hindi ka kakalimutan,
Narito ako’t sandalan mo hanggang mapagpasiyahan mo nang lumisan.

19
Paraisong bago sa mga dilat kong mga mata,
Tila ba’y ayaw na itong ipikit,
At kung gagawin ay makararamdaman ng lubhang sakit,
Na talagang pag pinag-luksaan ay sadyang kay pait.

20
Bagong taon, pero walang magbabago,
Ikaw pa rin ang sinisigaw ng utak at puso ko,
Ano man ang sabihin nila,
Ikaw pa rin ang natatangi mula sa iba.

21
Birtud ng tadhana,
Bakit ganito kapalad?
Nagbago ang lahat ng makilala ko siya,
Parang nawalan na ng saysay ang pagluluksa.

22
Tatlong taon ang lumipas,
Nagbibilang habang nangangarap sa iyo nang mataas,
Parang tibok ng puso ko’y palaging kumakaripas,
Dahil ba ito sa pag-ibig na parang kutsilyo na sa aki’y isinasaksak na sobrang talas.

23
Iyong kaalaman ay matalas,
Daig pa ang inaasahang labanang patas,
Habang sa akin ay puwedeng maihambing sa isang patatas,
Tanging pagmamahal ko sa iyo ay ang aking alas.

24
Ako ba ay may pag-asa?
Pag-asang mapagtibay at tuluyang mahasa,
Sana’y atensyon ko ay sa iba’y huwag ipasa,
At panatilihing magkasama hanggang purol na lapis ay matasa.

25
Illusyon o Imahinasyon?
Parehong naglalaman ng pagkakataon,
Na ako’t ikaw raw ay nandoon,
Kahit man pagmulat ko sa katotohanan ay hindi ganon.

26
Panibagong araw,
Hindi nagbabagong ikaw,
Palagi ka pa ring laman ng puso’t isipan ko,
Tila ba’y nakatali ka na sa buhay na ito.

27
Sana’y tadhana ay huwag akong pag-tripan,
Napakahirap bumalik sa nakaraan,
Na tayong dalawa’y wala pang pagkaka-kilanlam,
At ngayon ay lubha na kitang natitipuhan.

28
Pumasok na bagot at malungkot,
Uuwing hindi naka-simangot,
Dulot yata ito ng presensya mong,
Hindi ko kailanma’y kaa-ayawan.

29
Hindi man tugma ang dulong salita ng mga pangungusap,
Ito’y walang kinalaman sa aking pangarap,
Na ika’y aking ibigin nang kay agap,
At kahit man ay ang katotohanan ay hindi magbabago kahit ako’y kumurap.

30
Plumang itim,
Ang aking balak ay puro at walang sakim,
Minamahal kita nang taimtim,
At naghihintay ako sayo parang pag-liwanag ng kalangitan sa gabi mula sa dilim.

31
Malaking tatsulok,
Mayroong tatlong sulok,
Sana’y wala nang iba pang papasok,
Ayokong ika’y mawala at maging dahilan ng aking pagka-lugmok.

32
Talaga bang ika’y masaya?
Kapag ako ay iyong kasama,
Hindi sana’y isang kasinungalingan,
Nahihirapan lang ako kapag ikaw ay hindi nandiyan.

33
Sa piling ko,
Parang walang saysay kung hindi ikaw ang napaparito.
Imbes na ay ibang kababaihan,
Na kahit kailan ay hindi ka kayang pantayan.

34
Sulat mong kakaiba,
Puwedeng ihambing sa nakabibighani mong ganda,
Tila ba’y may kulang pa bang hahanapin,
Kung ano mang katangian mula sa iyo’y hindi na kailangan pang hanapin.

35
Burdang sulat,
Mula sa disenteng papel na muling namulat,
Ang mga huwad na mata mula sa kathang-isip,
Tila ba’y kailangan kong gumising sa pamamagitan ng pag-idlip.

36
Naglalahad ng kalungkutan,
Wala bang lunas ang aking nararamdaman,
Tanging ikaw na lang ba ang nais,
O ang aking pag-kilatis at pagpili ay sadyang wais.

37
Habang humahakbang ang mga paang lubhang hirap na hirap,
Bawat minuto ay may mga bagong naka-kalap,
Senyales na ba ito ng pag-tibay?
O dahilan ng pagka-lumbay.

38
Limang daliri,
Sa bawat kamay,
Kung ang oras man ay umatras,
Sana’y habang kapiling kita’y huwag nang lumipas.

39
Malapit na ang pagdiriwang,
Ng pusong nagluluksa o nagwawagi?
Kabuluhan nito’y nalilimutan na,
Pero ikaw pa rin ang tanging alalahanin.

40
Dumiretso man ang baluktok na buhay,
Ikaw pa rin ang gusto kong maging may-bahay,
Sabay nating makaramdam ng “hayahay”,
Bukod pa sa akng pagmamahal sa para sa’yo na kay dalisay.

41
Sinusulat itong liham,
Habang nakararamdam,
Ng damdaming hindi mainam,
At tila ba’y ayaw kong ipagbigay-alam.

42
Hindi man ako swak sa batayan,
Tara na’t ating malaman,
Kung sino ba ang sinisigaw ng pusong,
Natutuliro sa iyo, mahal.

43
Ang damdaming ito,
Ayaw mapagod,
Kahit man ang tsansa ko’y mapudpod,
Gagawin ko ang lahat, makuha lamang ang iyong matamis na “oo.”

44
Ating pagitan,
Ay mahaba,
Tila ba’y ayaw tigilan ng tadhana,
Na ika’y mahalin hanggang sa huling sandali.

45
Nagtatanong ang isipan,
Bakit ika’y hindi makalimutan,
Ikaw ba ay naka-tatak na?
At nandiyan na hanggang tumigil ang pag-agos ng mga luha.

46
Hindi kailangang mag-alinlangan,
Pag-ibig ko’y hindi binibilisan,
At hindi pinapaisip na mamahalin,
Ikaw lamang ay aking hinahangaan.

47
Dulo ng mga numero,
Tila ba’y ayaw huminto sa iyo,
Wala na bang pag-asa,
Na ika’y aking makuha.

48
Hindi maintindihan,
Puro na lang kalituhan,
Daig pa ang gabi na walang kaliwanagan,
Pati ang isip na napupunta sa kung saan-saan.

49
Patuluy-tuloy ang pag-ikot ng mundo,
Kasabay rin nito ang pag-usbong ng pagmamahal,
Na kahit sino’y hindi kayang maungusan,
Dahil sa pulido at walang mintis pagdating sa katotohanan.

50
Palagi na lang ba akong mamatay sa kakaisip,
Tila ba’y palagi na lang akong naiinip,
Wala na bang bago sa aking panaginip,
Gabi-gabi na lang kasi ay ikaw ang palaging sumisilip.

51
Sa tingin ko ay ikaw na talaga,
Wala na yatang tsansa na ito’y magbago pa,
Tulad ka lamang ng pag-sungkit ng bituin sa kalangitan,
Tila ba’y bawat subok ay palagi na lang nahihirapan.

52
Palagi akong naka-tingala,
At madalas ding natu-tulala,
Ikaw kasi palagi ang laman ng isipang,
Kailanma’y sa akin ay hindi naging hadlang.

53
Anino mo’y kahit saan ay palagi kong nakikita,
Dalangin mula sa tadhana’y aking natamasa,
Simbolo na ba ito ng pagbabago, o
Tuluyang pagsisimula ng mga huling tagpo.

54
Hindi na muling luluha pa,
Kung ikaw ay hindi mawawala,
Itong sarili’y hindi na sanay sa pagkawala,
Dating minahal ay nawala na parang bula.

55
Boses mo’y palagi kong naririnig,
Na akin ay sadyang kay lambing,
Pag ba ako’y nagkaroon na ng karamdaman,
Ito ba ay maaaring lunas?

56
Sinisimulang sulatin ang tulang kay ibig,
Ang inspirasyon ay walang tigil sa aking isipan na iyong himig,
Ako ay may lihim na pag-ibig,
Hindi ko dinadalangin pero sana’y ako ay ibalik ang aking pag-ibig.

57
Lumilipad ang mga ibong kay laya,
Sana ay tadhana huwag na muling maging madaya,
Hindi ko na yata kaya,
Na mawala pa ang nagbibigay sa akin ng saya.

58
Larawan mong hindi maipinta,
Kahit mga bantag na pintor ay nahihirapang makuha,
Ang hubog ng gandang iyong tinataglay,
Talaga naman ay maraming puso ang maga-alay.

59
Kolorete mula sa kalangitan,
Sana’y huwag nang pagkaitan,
At huwag na ulitin ang kapaitan,
Na ayaw ko na muling maranasan.

60
Ang dulo ba ng hangganan ba ay mayroon bang katapusan?
O talagang hindi na kailangang alamin pa,
Dahil sa gaano man kalayo ang punto
Ang buhay ko ay sa’yo pa rin hihinto.

61
Ang diwa ko’y tila nalulunod,
Para ba ako ay napapa-ikot at napapa-sunod,
Sino nga ba ang dahilan,
Ng biglaang nararamdaman.

62
Magkalayo man ang agwat,
Pagmamahal ko ay hindi magbabago pagkat,
Ikaw ang ibinigay ng Panginoon,
Habang ang pagkalungkot ko ay napapanahon.

63
Pinagdugtong na mga kamalayan,
Darating ba hanggang sa dulo ng walang hanggan, o
Kalauna’y matatapos agad,
Hindi dapat sinisingul ang walang kabuluhang bayad.

64
Sa haplos ng pagkakataon,
Bawat isa ay nakatuon,
Umaariba rin ang pagbilis ng takbo ng oras,
Habang ang puso ko’y hindi makatakas at patuloy pa ring nakapiglas.

65
Sa mga salitang binibitawan,
Ayokong puso mo’y masaktan,
Sa damdaming nabibigyang-daan,
Kalungkutan ay huwag ilaan.

66
Wasak na sanga ng mga matatandang puno,
Tila ba’y katulad ng aking pagsinta na rumurupok,
Kung ikaw ay mayroon na ring sinisinta,
At matatapos na ang sinimulang kabanata.

67
Daloy ng dugo’t pawis sa araw-araw,
Sayo’y inaalay,
Ating pangarap ay tanawin,
Sa ilalim ng makikinang na mga tala sa kalangitan.

68
Dulot ng mainam na pagmamahal,
Wala na bang lunas kundi ang hindi pagtapos ng pagiiral,
Lagi na ring nakatatak sa isipan,
Na walang magbabago hangga’t walang natatapos.

69
Sumusulyap sa bawat sandali,
Hinihintay ang mga muli,
Idinadaan sa kalangitan,
Ang mga pangarap na gustong makamtan.

70
Katabi ang mga kahapong nagdaan,
Nanaising ito’y agad ay kalimutan,
Wala na ba talagang pag-asa,
Sa pusong sinisigaw kundi ikaw lamang.

71
Sa mga awiting pambata,
Rinig ang boses mong tunog-bata,
Nakabibighani at katangi-tangi,
Sana ang katulad mo’y ako ay mapili.

72
Binibilang ang mga hakbang,
Habang tumitingala sa kalawakan,
Wala na bang kinabukasan,
Na hihintayin hanggang magpakailanman.

73
Pintig ng pusong ito,
Walang iba kundi ikaw,
Oras ko ba’y tapos na? o,
Nagsisimula pa lang ito’y mag-alab.

74
Diringgin ba ng Maykapal,
Ang aking dalangin na kay tagal,
Kasinungalingan ba ang mga sinasabi,
O talagang gayuma mo’y sa akin pa rin ay nakatali.

75
Hindi natapos,
At wala pa ring wagas,
Sana’y pag-ibig nating dalawa,
Mag-tuloy at pareho’y hindi na sana lumuha.

76
Para kang tagong kayamanan,
Na tila ba’y inabot na ng maraming taon bago matagpuan,
Ang kasarinlan ay magkakaroon na rin ng katapusan,
At tuluyan nang mawawala ang mga mabibigat na bagay na aking pinapasan.

77
Soberanya mula sa pusong ito,
Akin nang natigilan mula noong makilala ko ang katulad mo,
Na kailanma’y hindi mahihigitan ng kahit sino,
At tila ba’y laging hinahanap ang iyong anino.

78
Tumutugtog ang nasirang gitara,
Sa bandang katabi na punung-puno ng mga parirala,
Na kahit kailan ay hindi mabibigkas,
At ikaw lamang ang tangi kong wakas.

79
Sa mga hindi maintindihang salita,
Tila ba’y hindi mapapakinggan sa mga maralita,
Mula sa puso kong ito na tumitibok palagi,
Ang katulad ko ay hindi magkakaroon ng pagsisi sa huli.

80
Bolang krystal,
Tila ba’y nagsasalita habang nauutal,
Wala na bang tatapos sa pag-iral,
Ikaw palagi ang laman ng araw-araw kong pagdarasal.

81
Dagliang pagtingin,
Sana’y huwag kang umiwas,
Ikaw lang naman ang nakapagpapa-saya nitong damdamin,
At hindi mo pagtugon ay sana’y huwag na maranas.

82
Aaminin na ba ang tinatagong ito,
Alam ko namang alam mo na rin,
Nahahalata mo na ba ang mga kilos kong ito,
Na nagpapa-hiwatig ng paghanga ko sa’yo.

83
Tuluy-tuloy ang agos ng buhay,
Kasabay rin nito ang pag-ibig kong kay tunay,
Ang puso kong ito ay patuloy ring natutuliro,
Sana ito na ang huling pagkakataon na ako’y matuto.
Pakiramdam kasi na kapag sumugal, ako na agad ay talo.

84
Sa bawat pagsikat ng araw,
Dinadalangin ko na makasama kita balang araw,
Walang ibang hihilingin pa kay bathala,
Kundi masukllian mo rin ang pagmamahal kong tunay at mabuhayan ako ng pag-asa.

85
Sa patuloy kong pagsusulat,
Ako rin ay namumulat,
Na kahit man ay mata ko’y idilat,
Ang tsansa na maging tayo ay sobrang alat.

86
Gusto ko pa ring subukan,
Na kahit maging akin ka ay imposible kong makamtan,
Nagliliwanag ulit ang kalangitan,
Mula sa kahapong puno ng kadiliman.

87
Hindi pa ba sapat,
Ang pagmamahal kong hindi mo masukat?
Daig pa ako ng magka-ternong mga kasuotan,
Samantalang ako ay mag-isa at nababalot pa rin ng kalungkutan,
Habang ikaw ay nasa lubusang kasiyahan,
Kay hirap nitong mukha kong lubusan ang kapangitan.

88
Saksi ang mga tala’t buwan,
Kung gaano kita sinisinta, aking binibini,
Hindi mo man makita o maramdaman,
Pero ang puso kong ito, ikaw lamang ang tinatangi.

89
Kumain ka na ba?
Sana’y pangungulit ko ay ' wag mong masamain,
Dulot lamang ito ng dalisay kong pangangamusta,
Kung gusto mo ay araw-araw kitang dadalhan ng mga masasarap at paborito mong pagkain.

90
Luha’y pigilan,
At ika’y tumahan na,
Hindi masaya kapag ikaw ay nasasaktan,
Para bang sinasaksak ako nang paulit-ulit ng lapis na walang tasa.

91
Dulot ba ng iyong presensya ay,
Kasiyahan o Kalungkutan?
Dalawang magkasalungat na salita,
Pero sana ay huwag maramdaman sa iisang katauhan,
Kung hindi, magkakaroon ako ng kalituhan,
Na baka kaakibat pati na rin ang pag-tingin.

92
Para akong sumasayaw sa kalangitan,
Kapag ikaw ay masaya at hindi naa-aninag na may masamang pinagda-daanan,
Dala ko lamang ang sarili kong magmahal sayo,
Magunaw man ang mundo.

93
Sambit ko na ay may pagtingin ako sa iyo,
Ito yata ay isang uri ng kalokohan,
Harapin ka gamit ang makikislap mong mga mata,
Tila ba hindi ko talaga kaya.

94
Nagdaan ang mga araw,
Ang pag-ibig kong ito’y halaw,
Sa pusong hindi ka makalimutan kahit kailan,
Ang gusto ko lamang sa buhay ay ika’y akin nang mahagkan.

95
Malapit na ang selebrasyon ng mga puso,
Ako’y naghihintay sa iyo,
Pero teka lang, ako lamang ay nagbibiro,
Hihintayin kita kahit buhay natin ay hindi talaga tinadhanang magtatagpo.

96
Pag bumibili sa tindahan,
Tindera ay nagtataka,
Bakit ang mukha ko raw ay may bakas ng lubhang kasiyahan,
Sinabi ko na ang pagbabago ng mundo ay bigyan natin ng pag-asa.

97
Sabi nila,
Kaya mo bang ipag-tapat ang aking nararamdaman,
Tugon ko’y kung mangyari ito ay suntok sa buwan,
Bakit ang katulad ko’y ipagpi-pilitan pa.

98
Kahit lihim na akong humahanga,
Madalas din akong napapa-nganga.
Ano bang dulot ng katulad mo,
Mahika ba o gayuma.

99
Bawat pagtatapos ng araw sa kalendaryo,
Kasabay rin nito ang pagpalit ng buwan mula sa nakaraan,
Pero nanatili pa ring nakatatak ang alaalang hindi makakalimutan,
Nais ko na talagang magpaka-totoo.

100
Kung ikaw na ba ang ibinigay ng tadhana,
Sana’y huwag muna akong masaktan,
Damdamin ko ay ayaw na muling makadama,
At pilit nito ako palaging pinapahirapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw.Where stories live. Discover now