"Congratulations, graduates!" Anunsyo ng emcee bago kami magpalakpakan.
Pagkatapos magpaalaman ng isa't isa ay nanatili pa ako roon nang ilang saglit bago umaliis. Pagtayo ko ay tumambad sa harapan ko si Flora. Tumingin siya sa akin at saka napatingin sa suot kong medalya.
Sabay naming pinangako sa isa't isa na pareho kaming ga-graduate ng may medalya pero hindi lahat ng pangako ay sadyang natutupad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit napabayaan ni Flora ang kanyang pag-aaral. Ang isa sa mga naisip ko ay ang madalas niyang pakikisama kanila Aices na walang ibang ginawa kun'di gawing hall of fame ang hallway.
"Congrats, Josiah. Matutupad mo na ang mga pangarap mo." Nakangiti niyang sabi ngunit bakas doon ang lungkot.
Hindi ako umimik. "Pangarap ko rin yan eh. Siguro kung hindi nabuntis si ate, mayaman na siguro kami,siguro makakapag-aral rin ako sa magandang unibersidad kahit 'di ako mag-aral nang mabuti." Hinayaan ko lang siyang magsalita.
Pumiyok siya nang muling magsalita. "Alam mo ba 'nong araw na pinagtabuyan mo ko?" Tanong niya at napakagat pa sa labi na tila ba nagpipigil ng luha. Hindi ko siya maintindihan.
"Nong araw na 'yon nakunan ang ate ko at wala kami pambayad sa hospital para ipatanggal 'yung fetus sa tiyan niya." Nagulat ako nang sabihin niya iyon.
"Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo na ko pinansin 'nong araw na kailangan ko ng tulong." Sabi niya at tuluyang tumulo ang luha sa kanyang mata. Gusto kong siyang yakapin nguniy pinapangunahan ako ng hiya.
"Kasi 'diba magkaibigan tayo? kaya dapat nagtutulungan tayo?" Naalala ko tuloy ng araw na iniwan kami ni Mama at sumama sa ibang lalaki, naroon si Flora para palakasin ang loob ko. Naalala ko rin kung 'pano niya ko pagtakpan sa guro namin nang mahuli ako nitong mangopya sa kaklase ko dahil hindi ko na kinaya ang pressure na binibigay ng tatay ko para makapasok sa honor list. Lahat ng nangyari sa'kin ay kasama ko si Flora pero hindi ko nagawa 'yun para sa kan'ya.
"Napilitan pa kong magpa-alipin kay Aices para masustentuhan ang pamilya ko. Sayang nga eh kung na-balanse ko lang nang maayos ang trabaho at pag-aaral, pasok rin sana ko sa honor, proud sana si Nanay." Hindi ko alam ang sasabihin sa mga nalaman ko ngayon. Punong-puno ako nang hiya at pagsisi sa mga nagawa ko. Ni hindi man lang ako makatingin ng diretso sa kan'yang mata.
"Pero 'wag kang mag-alala kong iniisip mong sinisisi kita. Hindi gano'n 'yun, nagpapasalamat nga ko dahil naging independent ako, sa wakas natuto rin ako na tumayo sa sarili kong paa. Kaya salamat sa lahat nang ginawa mong tulong para sa akin."
Tuliro ako habang naglalakad palabas ng building na iyon. Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko magawa. Kulang ang salitang pasensya para mapatawad niya ako. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko tuloy namalayan na nakapulopot na sa braso ko si Aices.
"Josiah, baby." Tawag niya sa pangalan ko at hinarap niya pa ang mukha ko sa kanya.
"Ano ba 'yun?" Inis kong tanong at winaksi ang kanyang kamay na nakahawak sa aking pisngi.
"Kanina ko pa tinatanong kung na'san ung bff mong si Flora."
"Bakit ba?" Kunot-noo kong tanong.
"May ibibigay kasi ako sa kanya." Sabi niya at may pinakitang pakete. Tinabig ko ang kanyang kamay.
"Puwede bang tigilan mo na si Flora, hindi niya kailangang gumawa ng illegal na bagay para sa'yo." Sabi ko upang tumigil na siya. Ayaw kong masira pang muli ang buhay ni Flora. Ito nalang ang kaya kong gawin para sa kan'ya sa ngayon.
"Ano bang sinasabi mo, Josiah baby?" Tanong nito na tila ba nagtataka sa sinabi ko. "Napakasama mo naman para isipin na pinagbebenta ko si Flora ng shabu, kahit naman gan'to ko noh hindi ko gagawin 'yun." Paliwanag niya.