CHAPTER 30

10 1 5
                                    

Umalis na si damien para makapag asikaso sa sinasabi niyang pupuntahan namin, he'll chat me nalang daw kung saan para di ako magulat. Bakit naman magugulat? Is he crazy–err i don't want to mention that word, naalala ko lang yung empakta. Damien also said na pupunta siya rito para sabay kami kaya here i am, nag aantay sa kanya dahil pa-gabi na. San na ba siya?? Nakaligo na ako lahat lahat and also is it safe na umalis nang gantong oras? Nakailang chat na ako sa kanya oh, where is he na ba? Sa sobrang bored ay kinuha ko nalang ang sketchbook ko and sketch some things. It's always been my kill time, everytime inoopen ko tong sketchbook ko iniisa-isa ko lahat ng nagawa ko, kahit kase sarili kong gawa ay namemesmerized pa rin ako. I like you. Natulala ako sa isang page nang may mabasa akong ganyang sulat, omg. Sino naman nag sulat nito? Dinumihan pa sketchbook ko! Speaking of i like you, i can't really forget how i begged for his attention. Can't really forget how i drool over him from afar kase ang pogi pogi niya. Yung mga times na nag aasaran kami, I've missed that.

"Dray! Sketch kita." i smiled and close my eyes as i remembered how his eyes shined when i said that.

"Sige nga, ayusin mo ha." he smiled so big that day.

"Oh ayan na," sabi ko habang nag-pipigil ng tawa. Sinamaan niya lang ako ng tingin nang makita niya drawing ko. It's a chibi style, exactly what he is.

"Akala ko naman portrait, dahil diyan di kita ililibre." binatukan ko siya, anong hindi! He promised kaya! "Aray kel! Sadista ka talaga."

I remembered how so many people told us na ang sweet naming mag couple. I remembered the kwek kwek date na ako lang nag aaddress as date. I miss him but no. I'm mad at him, at them. I also can't forget how they made me question my genuine intention to them. How they throw lahat ng pinagsamahan namin dahil lang sa leandale na yun. I'm really really mad.

"Kel? Okay ka lang?" nagulat naman ako sa biglaang sulpot ni damien! Nag momoment yung tao eh! "Bakit ka naiyak?" hindi ko namalayang tumulo na pala luha ko while remembering those memories, happy and tragic memories.

"Yes ofc! Napuwing lang ako. Teka nga, bat ang tagal mo??" inabot niya sakin susuotin ko na di ko alam kung damit pa ba o ano.

"Suotin mo yan, pupunta tayong bar." halos malaglag panga ko nang banggitin niya ang bar. Bar??? Like as in BAR??

"Minor pa tayo!"

"Tsk sabing ako bahala, sige na bilisan mo na jan." wow, ako pa pinapamadali. Wala akong choice kundi mag asikaso kesa maging malungkot ang buhay ko.

I scanned the dress, spaghetti strap silver shiny dress na hanggang kalahati lang ng hita ko. Sa kaliwang hita ko ay parang may slit siya pero may strings, it hugs my body kaya maganda rin. It empasize my breast and curves. Sa buhok ko naman ay kinulot ko lang ito and i braided some of my hair sa tuktuk. I put some make up on, the classy one. I partnered this whole outfit with my white handy bag and accessories. Sinuot ko na nga yung sandals, it's a black square type. All done!

"Tara na." bungad ko sa hagdan pagbaba ko. Damien stopped and stare at me when he saw me. "Alam ko namang first time mo ako makita mag ganto kaya maganda talaga." i smirked.

"Yeah, ang ganda mo." w-what? He chuckled nang makita niyang mukha akong gulat kaya i rolled my eyes and lumabas na. I waited at him sa labas, siya na kase nag mamay-ari ng bahay namin kaya siya na rin ang nag llock.

"Let's go?" tumango lang ako at pumasok na sa kotse niya. Kotse niyang hiram, as if kanya to.

"Pano tayo makakapasok dun?" he frowned. "Hep-hep, yes i know na ikaw bahala pero im asking how." bumuntong-hininga siya, curious lang bat ba.

"Kami may ari ng bar, okay?" nanlaki mata ko, i didn't know they're that rich?? "Kung ano mang nasa isip mo, mali yan. Hindi kami mayaman." tinaasan ko lang siya ng kilay. Whatever.

Needing You (you, Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon