Chapter 27

507 33 3
                                    


°°°°Chapter 27°°°°

•••Third Person's POV•••

Natapos na lahat lahat sa pagkukwento si Brent pero ni isa sa mga naandoon ay halos walang nakakibo, lalo na si Vleane na nakakuyom lang ng mahigpit ang dalawa niyang kamao dahil sa nararamdamang galit

"Halos mamatay na noon si Cris,"ani ni Nica,"Halos nag aagaw buhay na siya, buti nalang may isang albularyo ang napadpad sa Baryo, hayun ginamot niya at tinulungan si Cris, pero hindi niya naibalik ang paningin nito,"malungkot na sabi ng kanyang kapatid

"Naipatingin na din namin siya sa mga espesyalista para sa mata,"ani ni Tatay Rommel,"Kaso wala na daw sila magagawa dahil malala na tinamo ng mata ni Cris,"

"Kahit may magbigay ng mga mata sa kanya eh hindi din namin maipapa opera dahil wala kami ganoon kalaking pera,"sabi pa ni Nanay Alicia,"Hindi na namin alam ang gagawin, naaawa na kami sa anak ko,"sabay iyak nito

Kaya naikuyom nalang niya ang kanyang kamao, hindi siya papayag na hindi na ito makakita, gagawa siya ng paraan para muling makakita ito

"Vleane, kaya mo siya pagalingin at maibalik ang mga mata niya,"

"Paano?,"tanong niya sa kanyang isip,"Wala akong malaking pera para ipa opera si Cris,"

"Ang batong kyanite,"ani nito sa kanya,"Oras na makuha mo iyon ay ang batong meteor mapapagaling muna siya at maibabalik ang paningin niya, kaya kailangan na makaalis kana at makabalik bago pa ang araw ng Biyernes Santo, dahil buhay na ulit si Emir,"

"Sige, lalakad ako mamaya oras na makatulog na sila,"ani niya

Hindi na tumugon ang kanyang gabay, hindi niya alam na nababasa ni Angela ang bawat galaw ng kanyang mata at ang pabago bagong ekspresyon ng kanyang mukha, kaya alam nito na may binabalak ito ng gabing iyon, kaya aabangan siya nito at hindi matutulog

"Gagawa po ako ng paraan at hahanap ng pera,"ani niya,"Sa ngayon po ay magpahinga na po tayo, bukas huwebes santo na,"

"Saka mag iikot pa tayo para balaan ang mga kababaryo natin,"ani ni Lolo Rene,"Kailangan na mag ingat tayong lahat,"

"Sige po,"ani niya at nahiga na sa upuan, pumikit na para hindi na siya yayain ni Lucas na sa kwarto na nito siya matulog

Nasa kabilang upuan naman naman nahiga si Angela, babantayan nito ang kanyang gagawin dahil alam nito na tatakas ito kapag tulog na ang lahat

Dahil sila lang nila Tatay Rommel at Nanay Alicia ang kasama nilang natutulog sa sala ay hindi na madali iyon para kay Vleane na makatakas







Alas Dos ng madaling Araw

Nakita ni Angela na dahan dahang bumangon si Vleane mula sa kinahihigaan nito, pansin niya na pinahmamasdang maigi ng dalaga ang mag asawang natutulog bago siya nito tinignan, nakita pa nitong napangisi ang kaibigan sa kanya

Dahan dahang iyong tumayo bago naglakad papalapit sa kanya

"Alam kong gising ka,"bulong sa kanya ni Vleane,"Bumangon kana at samahan ako bago pa may magising sa mga kasama natin at mapurnada pa ang lakad ko,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon