Nagising ako,mahigpit parin ang pagkakayakap ni Ruzzel sa akin.kinuha ko ang phone ko sa gilid ng mini table nya.'5:46'
'Maaga pa pala' Inalis ko ang kamay ni Ruzzel sa tyan ko. "hmmm!" angal nya habang nakapikit tsaka muling ibinalik sa akin ang pagkakayakap.
"Gagawa pa 'ko ng Paper Works ko!" bulong ko sa kanya.
"Tutulungan nalang kita! gusto pa kita makatabi, giniginaw ako e!"
"Papatayin ko yung Aircon, Dali na." bulong ko na naman habang nakangiti.
"tsk! naman e!"angal nya." ikiss mo muna ko ng madami." aniya tsaka ngumuso. Inirapan ko sya tsaka inalis ang kamay sa akin hanggang sa tuluyan akong makatayo. Dumapa sya at pinagmasdan akong naglalakad patungo sa drawer.
"Witwiw." nakangising aniya, palibhasa'y wala akong pantaas at tanging maliit na tela lamang pang ibaba ang suot ko. "Waking up like this is HEAVEN." nakangising aniya.Napailing na lamang ako tsaka ako kumuha ng longsleeve na damit nya para isuot. "Maghub*d o kahit magdamit nakaka akit ka padin tignan." nakangising aniya habang pinapanuod ako.
"Maaga pa!matulog ka pa!"nanlalaki ang matang saad ko. Naupo ako dun sa table na pinagta-trabahuhan nya minsan at doon ako nag sagot.
Bumangon sya at tumungo sa kusina. naka B*xer lang din pala sya. Ang ganda talaga ng Katawan ng nilalang na ito!
Iniwas ko ang mata ko pagbalik nya, itinuon ko iyon ulit sa pag aaral ko.
"Raz...paanong sabihin sa Ingles iyong nangungulili ako sa'yo ng Sobra?" tanong ko nang pabalik na sya bitbit ang Mug na umuusok pa, siguro ay Kape."Hmmm?"nag isip sya sandali tapos ay lumapit sa'kin." RUZZEL, OWN ME TONIGHT." saad nya habang nakangiti." pero dapat twing gabi mo lang iyon sasabihin. Napaisip ako,
'bakit?may oras ba ang pagsasabi noon?'
"Ruzzel Own me tonight?" tanong ko pero lumawak ang ngisi nya tsaka pinisil ang pisngi ko.
"You have a Seduction Power baby, kahit anong gawin mo ay na aakit ako." nilingon nya iyong sinasagutan ko."Ano ba iyan at hirap na hirap ka?" Ngumuso ako,
"Part of Speech nahihirapam ako sa pattern ng mga words e."
"Kapag naman kinasal kana sa'kin sa bahay kana lang di na kita ilalabas e,bakit kapa mag aaral." mayabang na aniya. Umismid ako.
"May aayusin kapa nga kay Marga sa kasal nyo tapos ibang kasal naman ang papangarapin mo?"
*KRIIIIING!
*KRIIIIING!Nagring ang Phone ko.
"Let me answer."aniya tsaka kinuha iyon.nabago ang kilay pati na ang mood nya nang makita ang tumatawag.Matalim syang nakatitig sa'kin. "Shut the f*ck Up, stop chasing Valky !" aniya tsaka pinatay.
"S-sino ba yun?" kabadong saad ko.
"Ayokong kukulitin ka ng patrick na iyon!itatapon ko to." patungkol nya sa phonem" at ibibili kita ng bago." aniya pa tsaka umirap.
"Ruzzel naman, hindi naman pwedeng ganun..kaibigan ko si patrick."
"Haist!your always depending him against me!ayoko sa kanya, ayoko sa mga lalake na nakapalibot sa'yo." Padarag nyang ibinaba ang mug sa mesa kaharap ko tsaka nagdiretso sa Bathroom.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, nag focus ulit ako sa pagsagot ng mga tanong sa papel.
Umalis si Ruzzel nang hindi nagpapa-alam, tumungo ako sa isa pang kwarto kung saan nya itinapon si Bamboo.
Naroon at natutulog sa loob ng maliit na drawer ang munting Panda, nilapitan ko sya at hinimas.
"Napaka matampuhin ng Amo mo, gusto nya talagang sya lang ang kinakausap ko pati nga yata ikaw ay pinagseselosan nya." natatawang saad ko, patayo na ako nang mahagit ng mata ko ang maliit na litrato sa tabi ni Bamboo.
'Si Mister Morgan?tsaka ang Inay, magkasama sila sa picture?pero bakit?'
Kinuha ko iyon, balak kong tanungin ang Inay pag uwi ko. Magtatanghalian na at patapos nadin ako sa sinasagutan ko nang bumukas ang pinto.si Ruzzel napaka daming bitbit.
"Kumain kana ba?"masama padin ang mukha nya. Nilapitan ko sya tsaka ko ikinawit sa batok nya ang kamay ko.
"Wag ka nang magalit."nakangusong saad ko.Pero inirapan nya lang ako, lalo ko pang idinikit ang sarili ko para pansinin nya ko.
"Tsk, sige na sige nagugutom na din ako.baka ikaw ang makain ko." bulong nya pero narinig ko naman.Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain.
"Ruzzel,bakit may picture ang inay sa iyo." tanong ko.Nangunot ang noo nya.
"Huh?"tanong nya. Tumayo ako tsaka ko kinuha iyong picture na inipit ko sa papel at ipinakita iyon kay Ruzzel.
"N-nanay mo'to?" nauutal na aniya, hindi ko mahulaan kung ano ang nasa loob nya.
"Oo, medyo bata pa kasi sya dyan kaya di mo makikilala." Tila nawalan ng gana si Ruzzel kumain,
"M-ma-mamaya, ihahatid na m-muna kita pauwi." aniya tsaka nag iwas nang tingin.
Tumango lang ako.Iniisip ko padin kung bakit nagkaganon si Ruzzel, magmula nang hinatid nya ako sa bahay ay hindi nya ko kinausap.nawala sya sa mood..
Hindi nya ko tinatawagan...
Hindi nya ko dinadalaw.....
Hindi na sya nagpaparamdam...
Tatlong bwan na ang nakalilipas.
"Ugh!"halos magkandarapa ako patungo sa Cr, tila hinahalukay ang sikmura ko.
"Anak, ayus ka lang ba?ano ang nangyari sa'yo?"
"O-o-opo inay ayus lang po ako, baka may nakain lang po akong hindi maganda.
Matamlay akong nagtungo sa kwarto ko tsaka ko binagsak ang sarili ko sa kama habang hinihimas ang tyan ko.
'RUZZEL mukhang nagbunga ang pagmamahalan natin, pero nasan kana?'
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRES OWNED ME
RomanceMula sa pagiging bayaran hanggang pangangatulong ay pinasok ni Valkyrhie ngunit hindi nya inasahan na ang lalakeng umangkin sa kanya ng gabing iyon ay isa Palang Business Thycoon at anak nang kanyang amo sa pagiging kasambahay nya .