"Uy! Teka lang! Bitawan niyo nga ako? Magbibigay lang ako ng message sa mag-ina ko."
Pilit nagpupumiglas si Derick sa pagkakahawak ng mga kapatid na lalaki ni Dreams. Natigil ang masayang pagtitipon dahil sa hindi nila inaasahang bisita. Lahat ay nagulat, ang pamilya ni Dreams ay hindi alam ang gagawin upang palaysin si Derick. Sina Oheb naman na hindi kilala ang bagong dating ay puno ng katanungan sa kanilang isipan, lalong-lalo na si Kaiden.
"Hindi ka imbitado dito kaya umalis ka na." Singhal ni Drex, ang panganay na kapatid ni Dreams. Nakahanda na ang mga kamao nilang tatlo upang gulpihin si Derick pero malaking pagpipigil ang kanilang ginawa para hindi magkagulo at masira 'yong pagtitipon na pinaghandaan nila.
"Teka lang, bayaw, chill lang, hindi naman ako manggugulo e." Itinaas niya ang dalawang kamay upang pagsuko pero hindi siya tinantanan ng tatlo.
Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Dreams sa pagpapakita ni Derick sa kanya at sa mismong gender reveal pa ng kanilang anak ni Kaiden. Sinulyapan niya ang doktor sa kanyang tabi na naguguluhan sa nangyayari. Hindi tuloy alam ni Dreams kung anong paliwanag ang gagawin niya rito.
"S-sino siya." Tanong ni Kaiden habang nakatitig sa gawi nina Derick, binabakuran pa rin siya ng mga kapatid ni Dreams at pinapakiusapan na umalis na ito.
Hindi niya sinagot ang doktor at naglakad siya palapit sa gawi nina Derick. Lahat ng tao ay nakatingin sa gawi nila, pinapanood ang eksenang nagaganap.
"Anong ginagawa mo rito?" Singhal niya pagkalapit niya sa harapan ni Derick. Nang akmang lalapitan ng lalaki si Derick ay kaagad na pumagitna ang Kuya Drew nito upang hindi niya mahawakan si Dreams.
"Hon, hindi mo naman sinabi sa akin na may gender reveal na magaganap sa anak natin. Nakailang text nga ako sa iyo hindi ka naman nagrereply e. Ayaw mo ba akong imbitahan sa gender reveal ng anak natin, Dreams."
"Wala kang anak! Anak namin ni Kaiden 'to, hindi sa'yo."
Natawa ng nakakaasar si Derick dahilan para mapataas kilay si Dreams. Noon lamang niya naramdaman na nasa likuran niya si Kaiden, narinig ang mga sinabi ni Derick ukol sa anak daw nila.
"Hon naman, kailan mo ba ako itatago sa pamilya mo? Hindi ba nila alam na nagkabalikan tayo non ay may nangyari sa atin?"
Lahat ay nagulat sa sinabing iyon ni Derick lalong-lalo na si Kaiden. Nakatitig siya ng makahulugan sa bulto ng babae at hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin sa mga oras na iyon. Nasasaktan siya, gusto niyang magtanong kay Dreams pero naubusan siya ng lakas ng loob para magsalita.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Derick, kaya pwede ba, umalis ka na." Pagtataboy nito at bahagya niya pa itong itinulak palayo. Nagbabakasakali niyang mapapalayas niya ang lalaki't maipagpapatuloy ang naisturbo nilang pagtitipon.
"Hindi ako aalis dito, may karapatan ako na umattend sa party na ito dahil anak natin 'yan." Pagdidiin pa niya sa kanyang mga salita.
"Pre, lasing ka lang. Kung gusto mo ng maayos na usapan, umalis ka na." Pakiusap ni Drew rito pero tinabig lamang nito ang kamay niyang humawak sa kanyang balikat.
"Bayaw naman, anak namin ni Dreams 'yon." Depensa ni Derick.
"Parang awa mo na, Derick, umalis ka na. Huwag mong sirain 'yong araw na 'to." Pakiusap na rin ni Dreams na konti nalang ay luluhod na siya sa harapan ng lalaki pagbigyan lamang siya nito.
"Bakit? Sino bang ipinagmamalaki mo, ha? Siya ba?" Itinuro niya si Kaiden na nasa likuran nito. "Pocha! Sana naman kung ipagpapalit mo ako, doon naman sana sa mas lamang sa akin, hindi 'yong mukhang basura."
"Anong sabi mo?" Akmang susugurin ni Kaiden si Derick nang mabilis siyang hinawakan ni Oheb sa braso upang pigilan. Ginawa naman lahat nina Drew upang makuyog palabas ng bahay si Derick at nagawa naman nila ito.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...