Chapter 10: Nakakadistract ka!!! >,<

731 11 0
  • Dedicated kay Lara Arxelie Aquino
                                    

Yung Hindi maganda ang gising ko today, kasi naman yung panaginip ko paulit-ulit na si Duncan ang laman, nakakainis, at kinakantahan pa niya ako. Sigura dahil na rin yun sa ginawa niya kahapon. Hindi pa rin kasi ako makaget-over sa pagkanta niya eh. Tagos kasi!

“Dali na kasi Min!!!” tuwang-tuwa ‘tong si Luna, kanina pa siya. Nakakainis kasi excited siyang malaman kung anong role ko sa play. Isa pa ‘to sa mga rason bakit hindi maganda ang gising ko.

HINIHILA PA NIYA AKO! WALANGYA ‘TO!

“Saglit lang kasi, okay?” naiirita na ako. Then I pulled my hand sa pagkakahawak niya, “Pwede naman kasing mamaya diba? Or kahit wag na! Wala akong balak gawin yung churva na yan!” kagabi kasi napagdesisyunan ko na na hindi ko itutuloy ‘tong katangahang ito. Ipapahiya ko lang sarili ko sa stage.

“Ano ka ba!? It’s your chance to shine sa different field na hindi ka kakatakutan ng mga tao dito sa school noh. They will finally meet the Min that I love.”

“What do you mean? The Min that you love?” lalo akong nainis sa sinabi niya ah.

“You know, yung hindi masung…” napaisip yata siya na wag na lang ituloy kaya naman dumiretso na siya sa bulletin board.

“Hoy!!! Ano yun? Ituloy mo!” hinabol ko siya.

“Congrats girl!” si Erika pala, Erik. Erika? The she hugged me.

“Huh?” hindi ko gets para saan yun. Dahil siguro sa performance ko pa rin kahapon with Duncan. Si Duncan na bwisit. Iniwan na lang ako!

“Erik!!! EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEH!!!” hindi ko man lang napansin nasa tabi na ni Erik si Luna at tinatakpan pa nito yung mouth ni Erik. “Ano ka ba, don’t ruin the moment for her.” Hinila niya kamay ko. “Halika na kasi, dali!!!”

Hindi na rin ako nakapalag kasi pati na rin si Erik tinutulak ako habang hinihila naman ako ni Luna.

“Ang daming tao, ano ba! GUYS!!! STOP IT!!!” kahit anong sigaw ko, deadma lang sila. “Makakatikim kayo sa akin nito eh!!! ANO BA!!!!!!!!!!” asar na asar na talaga ako.

“Excuse me po. Padaan.” Request ni Luna ng mahinahon , pero walang gumalaw.

Buti naman at di pinapansin ‘tong mga kaibigan ko. Ayaw ko talagang makita, paano kung peasant ako, or loser na character, or worse, bida? Pero impossible yun, kasi… basta imposible talaga. Sana witch na lang ako, ganun. HAHA

Ano ba kasi yung iprepresent namin? Hindi ko man lang pala alam. LOL

“Excuse me po.” Ulit ni Luna sa mga nakatayo sa harap namin.

“HOY!!! Ano ba!? PADAAN!!!” nainis na talaga si Erik kasi hindi sila gumagalaw.

At dahil nagalit na nga si Erik, parang reluctant pa silang magmove, pero nung nakita nila mga itsura ng friends ko agad-agad silang nagdispurse.

O.O

Natakot ang mga shungah! HAHA

Wala pala mga ‘to eh, kung ako yun I stood firmly hinarangan ko pa sila lalo. HAHA

Hindi ko man lang namalayan nasa harap ko na pala yung bulletin.

Ipinikit ko mga mata ko. Ayaw ko ngang makita, ba’t ba kasi?

“EEEEEEEEEEEEEEEEEH!!! Minie!!!” niyugyog ni Luna yung kamay kong kanina pa niya hawak. “Kasi naman!!! Tignan mo na, dali!!!” tuwang-tuwa pa talaga ‘tong bwisit na ‘to eh, kung di ko talaga kaibigan ‘to tinadyakan ko na.

“Excuse me.” Says a familiar voice, and with that I opened my eyes at nilingon ko agad yung pinanggalingan ng boses.

Napansin yata ni Luna yung reaction  ko kasi nung pagtingin ko sa kanya, kasi nga napapisil siya ng bonga sa kamay ko kaya ako tumingin sa kanya, sobrang laki ng ngiti niya.

“What?” I asked her.

“Nothing,” she sneered at me. “LOOK!!!” saka siya may tinuro kaya napatingin naman ako.

TANGA LANG!!! Bakit ako tumingin? Nadistract kasi ako! BIWSIT KA DUNCAN!

Bumungad sa mga mata ko: MINERVA J. GATCHALIAN- Ariel.

Naririnig ko pa mga reaction ng mga tao sa paligid.

“Siya pala yun?”

“Bakit siya?”

“Hindi naman siya mukhang Ariel di ba?”

“Siya talaga?”

“WHAT? LANGYA!!! NO!!!!”  ngayon lang naprocess sa utak ko yung nabasa ko. I stomped my feet at may naapakan akong paa.

“Aw!” napalingon ako sa nagsalita, siya palaTinignan niya ako ng masama, “Alam kong tuwang-tuwa ka na lead role ka pero mag-lie low ka naman sa mga reaction mo.”

Bwisit ‘tong Duncan na ‘to eh, “Anong tuwang-tuwa? At hindi ako sorry na natapakan kita noh!!! Dapat nga masmalala pa nangyari sa’yo noh!!! THIS,” tinuro ko yung board, “IS ALL YOUR FAULT!!!”

Sa sobrang inis ko, I turned my back on all of them saka ako nagmadaling umalis.

Bwisit siya! Kung hindi siya kumanta kahapon eh di sana hindi na rin ako kumanta, at sana hindi nangyari ‘to! I HATE HIM!!! Why did he have to help me yesterday? I didn’t need his help at all. He just made everything worse!

Sobrang inis na inis talaga ako, kay aga-aga palang badtrip na ako. I’m not even looking at where I’m going.

 May nabunggo ako.

“Sorry.” Sabay naming sabi.

“Sorry.” Inulit ko at tinignan kung sino nabunggo ko. “Actually, I’m not sorry at all.” Siya actually dapat pinaka-sinisisi ko eh.

“Well, well… if it isn’t the bully.” Taas kilay pang sabi ni Rachel.

“Shut it, if you don’t want another black-eye you freak!” tinulak ko lang siya, pero hindi masyadong malakas kasi I can’t afford to get into trouble again.

Para makaiwas ako sa gulo pinili ko na lang na umalis na, so I just resumed walking in despair.

Wala man lang akong pwedeng saktan ngayon, kahit gusto ko ng manapak ng tao, hindi pwede.

“That’s right loser! Matakot ka sa akin!” sigaw niya nung nakalayo na ako sa kanya.

Whatever.

I didn’t bother responding at dumiretso na ako sa classroom namin.

*****

 Lara, tol, salamat sa pagbasa. ~eeeeeeeeeeeep... Happy vacation!

TO: My dearest readers, where are you? Hindi ko kasi kayo makita eh, :P Paramdam naman kayo. Hihi. xD Pwede namang mag-vote/comment/fan hihi whichever you guys prefer. :D

Thanks for reading!

Di masyadong kilig noh? Hihi Kasi nirereserve ko yun for later. >:)) (evil laugh)

I Think I've Met My Match &lt;fin&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon