Someone's PoV
"Did she believed you?"
[Pfft. Hindi siya madaling paniwalain pero parang unti-unti na siyang naniniwala. Maybe, a little bit push pa more.]
"Good. You did well. Thank you!"
Malapit ko na kayong masira, konting tiis nalang at sisiguraduhin kong pagbalik ko mapapasa akin ka na, Raineer Salvador!
Charlene's PoV
Bigla akong nagising at napabangon dahil sa isang masamang panaginip. Napalingon ako sa katabi kong mahimbing na natutulog, kusa nalang tumulo ang mga luha ko at bigla akong natakot sa ano man pwedeng mangyari.
Humiga ako agad ng makitang gumalaw siya, baka kasi magising siya at magtanong kung bakit ako umiiyak.
Naramdaman ko ang pagyakap niya kaya naman hindi na ako gumalaw. Gusto kong tanggalin ang kamay niya pero wala akong magawa at nagpretend nalang na tulog.
May isang linggo na ang nakalipas simula nong makausap ko yung babaeng nagpakilalang si 'Unlucky You' at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinitigilan sa mga pagsesend niya ng mga kung anu-ano.
Napahaplos nalang ako sa tiyan ko habang hinihintay ang oras na mag-umaga. Pagkatanggal ni Raineer ng kamay niya ay agad akong bumangon para pumunta sa baba at magluto ng pang-umagahan namin.
Simula din ng araw na yun ay parang naiilang akong kausapin si Ella, ang weird pero parang ako lang ang awkward tuwing mag-uusap kami. Ako mismo ang umiiwas sa kanya. Hindi ko lang alam kung napapansin ba niyang iniiwasan ko siya.
"Oh Chacha, gising ka na pala." Tinignan ko lang siya at nilagpasan saka sumagot.
"Oo e." yan lang ang sagot ko saka ko inilabas ang itlog at ham pati na rin ang patty sa ref. Gusto ko kasing gumawa ng hamburger ngayon e.
"Gagawa ka ng burger?" tanong ni Ella. "Sige tulungan na kita tutal balak ko din naman gumawa e. "
"Ah sige." maikling sagot ko. Tahimik lang akong naghihiwa ng gulay na idadagdag sa burger ng magsalita siya.
"A-ah Chacha..." Nakangiting sabi nito. "Nagka-usap na nga pala kami ni Cejay." sabi niya kaya naman napalingon ako sa kanya.
Ngumiti ito ng malawak at bakas sa mukha niya na masaya siya. "Sinabi ko na sa kanya ang lahat... Okay na kami."
"Talaga? Paano-----"
"Hm. Hindi pa namin napag-uusapan yan baka sa next week mag-uusap ulit kami busy pa kasi siya this week sa project niya." Sagot niya at hindi na ko umimik pa. Sobrang tahimik namin kumpara dati nong nasa condo pa kaming dalawa. Ibang-iba!
"Charlene, galit ka ba sa akin?" Pagbabasag katahimikan niya. Pilit akong ngumiti sa kanya at sumagot.
"Hindi 'no." Hindi ko lang talaga feel na kausapin ka ngayon dahil sa mga sinasabi nong babaeng nanggugulo sa akin. Yaan sana ang gusto kong sabihin pa kaso hindi ko magawa. Ayoko namang pasamain ang loob niya dahil lang dito, buntis pa man din siya kagaya ko. Baka mamaya niloloko lang din pala ako nong babaeng yun para mag-away-away kami, ayoko ng ganun.
Hinakawan niya ang kamay ko at nakatitig sa mga mata ko. "Kapag may problema ka sabihin mo lang sa akin ha. Feeling ko kasi may problema ka sa akin kaya hindi mo ko masyadong kinikibo. Kung ano man yung nagawa ko na hindi ko napansin at nasaktan kita, sorry Charlene. Sana maging ok na tayo dahil ang dami dami ko gustong ikwento sa'yo kaso maikkwento ko lang yun kapag wala na tayong problema kung meron man. Or baka dala lang yan ng paglilihi mo kaya ganun. Hehe." She giggled then placed her hands in here tummy saka hinaplos ito.
Ngumiti nalang din ako saka pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nilabas ko ang pan at sinindi ang stove ilang sandali pa ay nilagyan ko na din ng mantika.
Napahinga ako ng malalim at iniisip ang sinabi ni Ella. Sorry din dahil hindi ko pa siya magawang kausapin ng matino. Isa nga rin siguro ang dahilan ng paglilihi ko kaya naging moody ako.
Matapos naming magluto ay inayos na namin ang dining table, nagulat pa si Manang dahil nauna pa kaming nagising sa kanya, tinulungan na rin niya kami sa pag-hahanda.
Maya-maya pa ay bumaba na rin si Raineer na humihikab pa at lumapit sa akin para halikan ako sa ulo.
"Goodmorning baby girl. Aga mo nagising ah."
"Goodmorning din. Kain na tayo." Alok ko sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Hindi ko pa man nakakalahati ang burger ay bigla nalang ako nakaramdam ng parang binabaliktad ang sikmura ko kaya naman.
*ACCCKKK
*ACCCKKK
Ugh! Ang hirap maglihi. Gustong-gusto ko naman kumain ng burger pero nong natikman ko na parang... errr. Nakakainis!
"Babygirl, inom ka muna." Alok sa akin ni Raineer kasabay ng paghaplos niya sa likod ko. Feeling ko nanghihina na din ako kaya naman nagpaalam na ako sa kanila na magpapahinga nalang ako at hindi na muna papasok.
"Hindi na rin ako pupunta ng opisina ngayon para maalagaan kita dito."
Napatitig ako kay Raineer saka ngumiti at umiling.
"Huwag na. Mas maganda kung nandoon ka, di ba may mga meeting ka pa ngayon? Ayoko naman na nang dahil lang sa akin kaya hindi ka papasok ngayon. Kaya sig------"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla akong halikan ni Raineer sa labi, hindi naman ako nakaangal at nakipagsabayan sa kanya.
"Ouchh! Sh!t!!" Daing niya at napahawak siya sa labi niya. "Why did you bite my lips??" Angal niya kaya napangiti ako. LOL. Yan kasi sunggab ng sunggab e. Hahaha.
"Sh!t! It's bleeding babygirl!" Imbis na mag-alala ako sa sinabi niya ay sinuntok ko siya sa balikat niya. "What was that for?" Nakakunot noo-ng tanong niya.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...