CHAPTER 23

605 9 0
                                    

Hinagkan ko ang noo nya.Matapos ay lumabas ako sa kwarto dumeretso ako sa basement para kunjn ang kotse ko nang...

*BOOGSH

May malakas na pumalo sa ulo ko, hindi ko na nagawang makalingon dahil unti-unti nang nanlabo ang Mata ko.

THIRD PERSON

Panatag na naglakad si Mister Morgan sa Sarili nyang kumpanya, gayun pa man ay kataka-takang walang mga empleyado na sumalubong sa kanila tulad ng Dati ngunit pilit itong binaliwala ng matanda, nagbabaka sakali sya na busy ang Lahat.

Pagpasok niya sa Mismong office ay humigit sa Sampung baril ang tumutok sa kanya ang mesa kung saan nauupo si Mister Morgan ay inuupuan ng Matandang Estregan katabi ang Anak nitong si Laxus

"It's been a long time." Mapang insulto ang tono na pinakawalan ng Matanda. "Have a Sit. " pilit na inupo nang dalawang lalake ang Matandang Morgan ."Let me Staright to the Point" Anang matanda tsaka ibinuga ang usok ng Tabacco na nasa Bibig nya. "Ibibigay mo sa'kin ang buong kayamanan mo? Kapalit ang buhay mo. "

"Tuso ka talaga! Hindi pa ba sapat na pinat*y mo ang asawa ko!" nag ngingit-ngit sa galit ang matanda, noon pa man ay alam na ni Morgan na hindi aksidente ang pangyayari sa kotse na ikinam*tay ni Rachelle, ayaw nyang sabihin ito kay Ruzzel dahil tyak na magwawala ito at uubusin sila.

"Alam ko na ang Sagot sa tanong ko." anang tusong Si Estregan." ilabas nyo na ang mga iyan. "Anito pa Patungkol sa mga tauhan." dalhin sa abandonadong lugar yang matanda!"

"Tawagan nyo si Ruzzel kailangan ko ang anak ni Morgan para sa mga Ari-arian nya, sabihin nyong Kapag hindi sya dumating ay aabutan nyang pat*y ang matandang Morgan" pananakot pa nito.

Nakagapos ang matandang morgan sa upuang bakal na puno ng kalawang, naroon sila sa lugar na madili, mabaho at abandonado.

"Hihihi, ano tanda?nasan na ang pinagmamalaki mong Anak?umurong na yata ang b*yag nya." tila wala na sa katinuan si Laxus palibhasa'y isa sya sa gumagamit ng Dr*ga na syang ipinainom nya din kay Valkyrhie.Ngumisi ang matanda tulad ng pag uugali ni Ruzzel, kampate parin ito kahit nasa alanganing kalagayan na.

"Hintayin mo Hijo kung ano ang kayang gawin ng nag iisang tagapagmana ko." tumatawang anito.Sa inis ni Laxus ay sinampal nya ang matanda.

"Mga mayabang! mag ama nga kayo!" anito pa tsaka d*mura sa harapan nito."Pwe! Bantayan nyo iyan at may mahalaga akong pupuntahan." bilin nito sa mga sangganong tauhan nya. Tumungo si Laxus sa Hospital kasama ang ilang tauhan nito.

Dumiretso sa kwarto kung saan naron ang mag Ina.

"Sino kayo!" kabadong ani Natan nang padarag na bumukas ang pinto. Malakas na pinalo ng baril ang batok nya dahilan para mawalan ito ng malay.

"Tito laxus.." naluluhang ani Rhy nang matanaw na binubuhat nito ang mommy nya." h'hindi pa magaling si Mommy wag mo syang kunin."lumapit ito tsaka pinagpapalo ang hita ni laxus dahil iyon lang ang na aabot nya.

"Tumabi ka ngang p*ste ka!" ani Laxus tsaka sinipa si Rhy, tumalsik ito sa gilid ng pader sa sobrang lakas.

"L-lagot ka kay daddy kapag nalaman nyang kinuha mo si Mommy!" umiiyak na ani Rhy sa gitna nang inabot nya."Tito maawa ka kay mommy ibalik mo sya!" humabol si Rhy ngunit mabilis na sinaraduhan lang sya ng Pinto.Walang nagawa ang bata kundi umiyak ng umiyak.

"Mommy! Mommy ko!Daddy!nasan kana ba!" wala syang magawa kundi ang umiyak.

BALTIMORE

Nagmulat ako nang mata habang nakagapos ang kamay ko sa likod.

"Old Sebastian?"kunot noong saad ko. "why did you tie me up here !" naiinis na saad ko.

"Young Master." ang lahat nang nasa harap ko ay nagsiluhod.

'Anong nangyayari?anong young master?'

Naguguluhang saad ko.Narito kami sa tuktok ng hotel na pag mamay ari ni Daddy.Nagsipasukan ang mga pamilyar na lalake, ito ang mga greastest tycoon sa iba't-ibang bansa..mga bigatin, mayaman pa sa mayaman, kung susumahin ay tila kaya na nilang bilhin nang bawat isa sa kanila ang halaga nang buong pilipinas.
Nagulat ako nang magsiluhudan sila sa akin.

"Pamunuan mo ang Organisasyon young master, ikaw na ang hahalili sa Ama mo." anang isa na sa pagkakatanda ko ay syang may ari ng malaking pagawaan ng alak sa Englatera.

"Anong Organisasyon?" tanong ko.

"Si Master Morgan ay isang Mafia King, may edad na sya at ikaw ang hahalili sa kanya, kung hindi pa naman ito ipaliliwanag sayo ngayon baka maubos ang panahon at tuluyan mo na kaming talikuran." anang matandang Sebastian.

"pero akala ko magkalaban kayo ni Daddy?" Umiling ito, nalugi ang company ko dahil may nakapasok na bubwit, ito ay si Laxus binili ng daddy mo ang lahat ng stocks para mapanatili ang kumpanya at doon ko nahuli na si Laxus pala ang may pakana ng lahat, balak nyang bumuo ng mas malaking organisasyon."

*KRIIING!

Tumunog ang phone ko, "Kalagan nyo'ko dito." saad ko.Walang kumilos."Subukan nyong hindi sumunod pababagsakin ko talaga ang mga kabuhayan nyo!" galit na talagang saad ko, nararamdaman ko pa ang sakit ng batok ko dahil sa pagkakapalo nito.Mabilis na lumapit ang isa para kalagin ang tali, sinagot ko ang phone ko.

"D-daddy." boses kaagad ni Rhy ang bumungad tingin ko ay umiiyak sya. " nasan kana ba, tito laxus took my Mom daddy help her please!help her!" Naibagsak ko ang phone at tila nawala ako sa sarili.

"I'll be your Master. pamumunuan ko kayo, sa isang kundisyon. hayaan nyong burahin ko sa mundo ang Estregan na iyon." wala sa kanila ang mata ko, tila naging blurr ito at tanging galit lang ang nararamdaman ko.Tumayo ako, "Gusto mo ba talagang makita kung paano ako makipaglaban ng hindi patas?" nakangising saad ko.

Umuwi ako sa Mansyon at hindi nga ako nagkamali, naroon si Rhy kasama si Natan at Monz."Baltimore..."Nakayukong bungad ni Monz na nasa Garahe.Hindi ba dapat ay matuwa sya na narito ako at buhay bilang kaibigan nya? matamlay ang mata nito.

"Ako na ang bahala kay Rhy, kung isasama mo sya ay baka mapahamak pa sya doon. " aniya. 'Bakit nya alam na pupuntahan ko si Laxus?'

Lalong lumukot ang noo ko.hindi pa'ko nakararating sa lugar na iyon pero nakumpirma ko nang tagilid ako sa posisyon, dahil batid kong may binabalak ang mga Estregan at tyak na kakampi nito si Monz.Nakakapanghinayang lamang dahil wala pala akong tunay na kaibigan.

"Hindi, sasama ako kay daddy!! "naroon pala si Rhy at nakikinig.Tumulo ang butil-butil na pawis ni Monz sa gilid ng pisngi nito.

"Isasama ko si Rhy"matigas na saad ko.
Hindi magkanda mayaw ang kaba ni Monz dahil alam nyang may ideya na'ko na traydor sya pagkakaibigan namin.
Nanlaki ang mata ni Monz nang ngayo'y nasa kanya na ang pares ng mata ko "Ipapaliwanag mo sa'kin ang lahat sa susunod na pagkikita natin. " nagbabantang saad ko, kinuha ko ang kamay ni Rhy tsaka ko sya inakay papasok sa mansyon.

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon