Gumamit ng shortcut si Ruzzel para mas mabilis na makarating, ultimo sa mga matataas na building na nagawa nyang idaan ang motor nya sa bawat rooftop noon palibhasa'y makapal ang spring na naka kabit sa motor kaya't nakakapag bounce ito kahit gaano pa kataas.
Nang matanaw nya ang mga chopper ay huminto sya sa pag d-drive at kaagad na kinuha ang Rocket launcher sa likod nya at nilagyan iyon ng bala na naka sinturon sa katawan nya. Ipinikit nitp ang isang mata nya para sipatin ang chopper.
*Pseeeeeeew!
*Boogsh!"woaaaah~" humahangang na sambit ni Ruzzel nang tamaan nya ang isa tsaka muling nagpatuloy sa pagmamaneho palapit sa chopper nila Rhy.Halos mapangiti si Rhy nang matanaw nya ang ama bitbit ang maangas na presensya nito. " Wanna ride? " nakangising saad ni Ruzzel sa Anak tila walang panganib sa harap nila.
Nilocate ni Marga kung saan ang mismong hide out ng mga Estregan at mabilis nya naman itong nalaman, tulad ng ibinilin ni Ruzzel ang lahat ng tauhan ng organisasyon nila ay tumungo para daluhan sya sa pagsugod na nais nya.
Mga Killer, Reaper at Assasin na nagmula pa sa iba't-ibang bansa hindi nya inaasahan na ganuon pala kalawak ang nasasakupan ng Ama.
Naroon na naman ang maangas na motor ni Ruzzel, nakasukbit sa likod nya ang napaka laking baril, sya ang nasa unahan samantala naka kotse ang mga tauhan nya.
Sinimulan nyang padyakan ang motor at umandar nga ito, pina angil nya muna ito bago tuluyang patakbuhin.
Nag aagaw ang dilim at liwanag, pinili nilang sumugod ng gabi upang mas madaling makapasok sa kuta ng kalaban.
Lahat sila ay pawang iisa ang nais iyon ay ang magapi ang kaaway tulad ni Ruzzel na walang ibang gusto kundi ang mailigtas si Valkyrhie.
Malayo ang pinaghintuan nila sa mga sasakyan nila, sa dami nila ay hindi manlang sila nakagawa ng ingay palapit sa Campo ng Kalaban.
'hindi magiging maganda ang palabas kung hindi masu'surpresa ang mga manonood sa pag dating ko.'
Nakangising ani ruzzel, kating-kati na syang makaharap ang mga traydor nyang kaibigan.
Makapal at mataas na pader ang bumungad sa kanila,iisa lamang ang daan kinakailangan nilang pumindot ng pin para maka pasok ngunit ano ang Pin na iyon?
Ang isang reaper ay tumalon sa pader para bumwelo, sinipa nito ang Cctv pataas para doon bumaling ang camera noon, hindi nga naman nalaman na naroon sila sa labas.
Natapos ay isa sa mga reaper ang lumapit, sa pindutan na naka kunekta sa pinto.
Naglabas sya ng maliit na kutsilyo tsaka binuksan iyon, may ilang wire lang syang pinutol matapos ay tumunog ito.
*Pss....EEEEENGK!
Tumaas ang Pinto, lahat sila ay kinublihan si Ruzzel kung sakali man na may magpaputok ng baril. Nagtalunan ang ilang assasin para dambahin ang mga kalaban, hindi makapaniwala si Ruzzel na ganoon ito kagagaling, nakikita nya lang ang pagtaksik ng d*go sa kung saan-saan.
Nasa balikat nya padin ang Armalite na bitbit nya kanina pa,pinag buksan sya ng dalawa pang Reaper na tauhan nya.
Mula sa kinatatayuan ay natanaw niya ang hangganan ng kinatatayuan nya na syang nag dudugtong naman sa panibagong Campo kung saan naroon ang dalawang Gwardya na abala sa pag ku'kwentuhan kung kaya't sinamantala nya ang pag kakataon para makalapit ng palihim.
Mabilis syang pumwesto sa likuran at pinuntirya nang sabay ang parte ng batok ng mga ito na naging dahilan ng pagkawalan nila ng malay. napangisi pa si Ruzzel ng makita ang sabay na pag bagsak nila.
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRES OWNED ME
RomanceMula sa pagiging bayaran hanggang pangangatulong ay pinasok ni Valkyrhie ngunit hindi nya inasahan na ang lalakeng umangkin sa kanya ng gabing iyon ay isa Palang Business Thycoon at anak nang kanyang amo sa pagiging kasambahay nya .