CHAPTER 27

697 12 0
                                    


BALTIMORE

"V-Valky!...V-Valky! "saad ko tsaka ko pa bahagyang niluglog ng balikat nya pero lalong dumagundong ang kaba ko nang umagos ang d*go mula sa ilong at mata nya.Ginapangan ako nang matinding kaba."Valkyrhie! Come on baby!"nang gilid ang mga luha ko at nagmadali na buhatin sya palabas ng lugar na iyon hindi ko alintana ang mga sugat na natamo ko lalong tumulo ang luha ko nang hindi manlang sya dumilat.

Natanaw ko na si Daddy kasama ng mga Reaper. Malalaking hakbang ang pinakawalan ko "Daddy! Daddy" narantang saan ko. " Daddy! " ulit ko pa, halos mapaluhod ako nang makalapit sa kanila at ganun na lang kabilis ang naging pag agos ng luha ko

"Daddy! Si Valky daddy! Iligtas natin sya!" umiiyak na saad ko "Daddy! Please!dalhin natin sya sa Hospital!maawa ka sakin." tila nawala ang lahat ng tapang ko.Niyakap ako ni Daddy at pilit na pinakalma,

" She'll be okay Son don't presure your self too much. " ani Daddy. Matapos ay lumapit sya kay Valky tsaka tinawag ang isa sa mga tauhan nya.

"Stop her Heart Beating for Temporary." Utos ni Daddy sa isang Reaper, tumango ito tsaka pinump ang dibdib ni Valky nang isang beses, huminto ang pag agos ng d*go sa ilong nya.

"Kailangan na syang madala sa hospital, Tatlongpung minuto lang ang itatagal nang First aid na ginawa ko young Master." anito pa, taranta akong sumakay sa kotse at dinrive iyon.

"Madaming gamot ang natanggap ng katawan nya, kaunting minuto na lamang ay sasabog na ng ugat sa batok nya, ano kaya ang nangyari at huminto iyon?it's a miracle." anang doctor, tila nag init ang ulo ko.Hinatak ko ang kwelyo nang lab gown na suot nya.

"Bakit?inaasahan mo bang dapat ay mamat*y ang asawa ko!ĺ galit na saad ko."Lumayas ka sa harap ko!" saad ko pa tsaka sya tinulak palabas.Naupo ako sa tabi nya, nararamdaman ko ang pagod, at pagbigat ng mata ko pera kailangan ko syang bantayan.

"Alam mo ba, gustong-gusto na kitang makita, pero hindi naman sa ganitong paraan Valky. " bahagyang pumiyok ang huling linya ko dahil muli kong naalala ang itsura nya kanina. "sa totoo lang ay ayokong nalalayo ako sa'yo, pakiramdam ko kasi ay palaging nasa panganib ang buhay mo, Noon ay ayoko nang mabuhay dahil ganito ang pagikot ng mundo ko palagi akong itinatago ng Daddy, palaging itinatakas dahil pinag babantaan ang buhay ko..pero mula nang dumating ka ay nawala ang mga pangamba ko, naging matapang ako dahil sayo Valky.." napapikit ako ng mariin dahil sa sakit na nararamdaman ko. "pero kung dahil sa'kin ay palagi mong sasapitin ito, ano pa ang dahilan at kailangang mabuhay ako. " umagos ang luha ko matapos ay hinagkan ko ang likod ng palad nya. " magpahinga ka ng maayus, mahal na mahal kita" saad ko tsaka ko dinampian ng halik ang noo nya.

*EEEENGK

pumasok si Rhy, naka pantulog pa ito.
Nagtatakbo sya palapit sa mommy nya.

*sob.. *Sob. "M-Mom! H-hindi mo ba alam kung gaano ko nag alala sa'yo? " umiiyak na saad nya, tila nakakausap nyang talaga ang mommy "Wala na po akong pakialam kahit pumangit pa'ko mommy sobrang nag alala ko sa'yo." saad pa nya tsaka pinahid ang luha sa pisngi nya gamit ang likod ng palad nya. Tila nadudurog ako sa paraan kung paano ko makitang umiyak si Rhy, kawawa naman ang Anak ko."Miss na miss na miss kita Mommy." saad nya tsaka pilit na isiniksik ang mukha sa balikat ng ina nya."Mahal kita, Parang Mamam*tay po ako kapag nawala ka." bulong nya sa gitna ng paghikbi.

"Hindi mawawala si Mommy anak pangako. " saad ko habang tinatapik ang likod ni Rhy.

VALKYRHIE

Nawalan ako nang malay nang magdikat ako nang mata ay naroon parin ako sa loob ng kulungang salamin habang nasa labas naman si Ruzzel, nakangisi sya habang humahakbang patalikod.

"Ruzzel.." saad ko "Ruuuuuzzel!" pakiramdam Ko ay iyon ang Pinaka malakas na hiyaw ko nang makita kong umalis sya at iniwan ako.

~

"Valky!" malakas na tapik sa pisngi ang naramdaman ko dahilan para magising ako."Nightmare?Gosh!thanks god your awake!" maamong asul na mata ni Ruzzel ang bumungad sa akin, nag aalala sya.

Napangiwi ako, pakiramdam ko ay matagal na panahon na hindi ko sya nakita. Mabilis ko syang sinalubong ng yakap at ganun na lamang kabilis ang luha na nag unahan sa mata ko, gumalaw ang balikat ko Hanggang sa mapunta iyon sa paghagulhol.

"A-akala ko hindi na kita makikita." umiiyak na saad ko." akala ko iyon na ang katapusan Ruzzel at labis kong pinagsisi-sihan iyon."

"Ssshhh...calm down baby, everything's will be fine." ani Ruzzel habang hinahagod ang likod ko." sorry for making it hard baby, alam kong ginawa ni Laxus ang lahat ng ito dahil sa negosyo." malungkot ang tonong aniya." nakakalungkot lang dahil dito nagtapos ang pagkakaibigan namin."

Humiwalay sya sa yakap ko tsaka hinawakan ang pisngi ko, "akala ko ay iiwan mo na'ko eh, alam mo bang lumuha ka ng D*go?lumabas na sa ilong at tenga mo, sa dami ng gamot na itinurok sa iyo ay kamuntikan nang magputukan ang mga ugat mo." puno nang pag aalala ang mukha nya.

Iniangat ko ang paningin ko, tsaka ko dahan-dahang inilapit ang labi ko sa kanya hindi tumutol si Ruzzel sa halip ay pumikit sya kaya bahagya akong napangiti, nang magdampi ang labi namin ay inisip kong hanggang don lang yon at sandali lang pero may nagtutulak sa'kin na hwag kong pakawalan ang labi nya dahil sobrang namiss ko sya kaya't lumalim pa iyon na tila ba may Ritmo na kaming sinasabayan na nagdudulot sa'kin ng kakaibang kuryente.

Naputol lang iyon nang maalala ko ang Anak ko.

"N-nasan si Rhy?ang anak ko? " alalang saad ko. Ngumisi si Ruzzel.

"Its been a year mula nang mangyari iyon baby, nasa London si Rhiezel." ipinakita nya ang litrato ng binatilyong lalake na kahawig na kahawig nya.

"S-si Rhy ko ba yan?" takang saad ko. Tumango si Ruzzel,

"Seventeen years old na ang anak natin, ibinilin nya na kapag nagising ka ay tawagan ko sya."

"A-anong ginagawa nya sa london?"

"Nag aaral, actually he dicide to be a founder of Dad's Organization matapos ka nyang makita sa kalagayan mo ay pinili nyang maging founder ng samahan ni Dad." nag mamalaking ani Ruzzel.

"Si Laxus?nasan sya?"

"Hawak ng Anak mo, nagpatayo si Rhy ng sarili nilang kulungan sa South Korea."

"Ruzzel!nag aalala ko!" Malakas na umugong ang tawa ni Ruzzel

"Kapag nakita mo sya ay baka matakot kapa hahahaha, Morgan ang anak mo na mana nya ang kayabangan at katalinuhan ko kaya wala kang dapat ipag alala."

"Good Morning !" Umugong ang matinis na boses ng isang dalaga, pumasok iyon sa kwarto. "Oh..she's awake." gulat na aniya habang nakanguso, maya maya ay pumasok si Bamboo kasunod ng dalaga malaking-malaki na ito.

"Tito Raz."tawag ng dalaga kay Ruzzel.

"Oh, Valky this is Anastasia Estregan." Kusang tumaas ang kilay ko.

"Anak sya ng kapatid ni Laxus, nung time na ikulong si Laxus ay idinamay nitocang buong pamilya nya, wala akong choice kundu kupkupin ang anak ng kapatid nya."

Bahagyang may lungkot sa tono ni Ruzzel, umayos ako ng upo sa kama. "Come honey."tawag ko kay Anastasia, naupo sya sa tabi ko."Start from now, mommy na ang itatawag mo sa akin maliwanag?"

Tila nagliwanag ang inosenteng mukha nito matapos marinig ang sinabi ko.

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon