EPILOGUE

1K 15 0
                                    

"Nasan na ba ang Anak mo, akala ko ba ay nandito sya sa Airport?" nagmamaktol na saad ko, sa sobrang pagkasabik ay naiinis nako.Kinuha ni Ruzzel ang phone sa bulsa nya.

"Oh, nandun na pala sa mansyon ang anak mo." natatawang ani Ruzzel. Napasimangot ako, lalo akong pinasasabik ng batang iyon.

"Akina nga!" kinuha ko ang phone sa kamay ni Ruzzel tsaka dinial ng number ni Rhy. Tatlong beses pa iyon nag ring bago nya sinagot.

"Dad." matipuno ang boses nya ng sagutin iyon, napangiwi ako, tila hinipo ang puso ko talagang miss na miss ko na ang anak ko. " Are you still there?" may pagkakahawig ang boses nya sa ama.

*Sob *sob" nagsimula na akong humikbi, kinuha ni Ruzzel ang phone, tsaka nya ako inakap gamit ang isang kamay nya.

"Si Mommy mo umiiyak,bakit daw hindi ka nagpakita dito sa Airport." natatawang ani Ruzzel.

"Oh, please can you give the phone to her dad? " rinig kong ani Rhy. " come on Mom, i miss you so much more than what you expected but please understamd me." parang si Ruzzel ang kausap ko nang mga binata at dalaga pa kami. " i'm old enough to catch by my Parents, go to mansion and i have a surprize to you." narinig ko ang bahagyang pag hagikgik nya sa telepono. " My Man will be there to catch you, just give me a second." pagkasabi noon si Rhy.

"Mam, Sir?" napalingon kami sa apat na lalaking nakasuot nang itim na suit. " pinapunta po kami ni Master Rhy dito para sunduin kayo." nakayukong anito sa amin.

"oh ayan na pala, let's go?" nakangiting ani Ruzzel. Sumunod kami sa mga iyon, nagulat pa nga kami ng idaan kami ng mga ito sa malaking sikat na Botique.

"Ipinabinigay po ito ni Mister Morgan para sa Inyo." iniabot sa amin ng crew na naroon ang tag isang box na may naka imprentang HERMES " si Mister Morgan po ang pumili ng mga disenyong iyan." dagdag pa nito.

"P-para saan to?" takang tanong ko.

"Para daw po sa Kasal mam." sagot sa akin ng Crew.

"what!"hindi ko naiwasang hindi magulat." 17 palang ang anak mo!tapos mag papakasal na sya!no ayoko! Hindi ko isusuot yan!" nag huhurumintadong saad ko.

Nagulat ako nang sabay-sabay na nagyukuan sa harap ko ang limang kalalakihan na syang sumundo samin kanina.

"Mam, ipag paumanhin nyo po, ngunit mahigpit pong ibinilin ni Master na dapat nyo pong isuot ang damit na nariyan kung hindi ay..." hindi maituloy ng lalake ang sasabihin nya.

"kung hindi ano?" nakataas ang kilay na saad ko.

"M-magiging K-kapalit po ang Buhay namin." nag lalake na nasa likod ang nagtuloy noon.

Halos masapo ko ng bibig ko. jusko, ano na bang nangyari sa anak ko!

Kinuha kong muli ang cellphone ni Ruzzel para tawagan si Rhy.

"Totoo ba ang sinabi ng mga tauhan mo dito?" bungad ko nang sagutin nya ang linya.

"Yeap, so don't be hard headed Mom i love you." matapos ay ibinaba nya nag linya, hindi ako makapaniwala na ang batang dati ay kalong ko lang ngayon ay sinasabihan nakong wag matigas ang ulo ko!

Sa huli ay wala akong nagawa, isinuot ko ang beige na Dress na aabot sa sakong, mukhang inalam talaga ng batang iyon ang size ng baywang ko dahil fit na fit sa akin ang damit na ito.

Puno ng perlas at dyamante na totoo ang bandang dibdib t laylayan ng damit, nakakatuwa ang ruffles sa balikat noon kapares ang sandalyas na puno din ng mamahaling bato, ngunit kahit pa gaano ito kaganda ay hindi ko magawang ngumiti dahil sa sama ng loob.

Ngayon ko lang sya makikita tapos ikakasal pa!

Palabas na kami ng botique nang maymaglapitan sa amin, napaka raming pulutong ng Armadong lalake.

BILLIONAIRES OWNED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon