Chapter 25

44 1 0
                                    

Kinaumagahan agad akong nabalikwas ng tayo dahil sa nakita ko. Agad akong lumapit sa kama ni Llukas kung saan katabi nito si Tristian.

Agad akong napaluha ng makita silang mahimbing na natutulog. Ang aamo ng mukha nila, lalo na ang  parehong hugis ng mukha ng mga ito. Ako yung naghirap pero sa kanya lahat napunta.

"Eto yung pangarap ko noon na mangyari. Sana wala ka pang anak sa kanya.." mahina kong sabi sabay haplos sa mukha nilang dalawa..

Habang nagluluto ako sa kusina may naririnig akong yapak na papalapit sakin, rinig ko rin ang halakhak ni Lukas na ngayon ko lang marinig mula sa kanya..

"Papa!" Ani nito na ikinagulat ko.

Nakangiti akong napalingon sa kanya pero agad din nawala ng makita ko si Tristian. Buhat buhat nito si Lukas habang nakayakap naman sa kanya ang anak ko..

"Good morning Papa." Ani nito at agad bumababa sa pagkakabuhat nito sabay lapit sakin at nagpabuhat para mahalikan ako..

"Morning baby." Ani ko sabay halik din sa pisngi nito.

"Uwi na ako." Sabad ni Tristian..

"Su--"

"No, Papa stay here eat with us.." putol ni Lukas sa sasabihin ko..

"It's okay lukas, sa bahay nalang ako.."

"Plss, Daddy.."

"Baka ayaw ng Papa mo eh."

Agad itong tumingin sakin at bumulong "Papa plss ngayon lang ako kakain with a complete Family." Bulong nito habang naka nguso..

"Pahero lang kayo ng Daddy mo ang bilis niyong mang akit." Ani ng isip ko..

"Ok, wag kanang uuwi kain kana dito.." Ani ko na siyang ikinaliwanag ng mukha nito. " Sana dika hanapin ng mga anak mo." Bulong ko at agad naman itong tumingin sakin..

"What?"

"Wala, sige na upo na kayo dun." Ani ko at agad naman nitong kinuha si lukas na buhat buhat ko..

Napailing nalang ako at kinuha ang mga niluto ko.. agad akong napanganga ng makita kong madami pala akong niluto at nalituan ko nga pala siya.

"Bakit ko siya binilang eh di naman namin siya kasama dito bahay.." bulong ko at muling napailing..

Habang kumakain kami walang nagsasalita samin hanggang sa , si lukas na ang pumutol nito..

"Daddy diko ka ulit matutulog mamaya ah.." ani nito at malapit ko nang mabuga ang kinakain ko..

"Papa! Are you okay?"

"Yes baby." Ani ko..

"Papa,"

"Hmm?"

"Daddy will stay here mamaya again plss.."

Diko alam kung anong sasabihin ko, mas lalo pa akong naiilang ng nakatingin silang dalawa sakin. Big Tristian at little Tristian, o my god ayoko namang makasira ng Family What if may anak talaga si Tantan.

"Papa!"

Agad akong napakurap ng marinig kong tinawag ako ni lukas..

"Sure baby." Ang tanging ani ko..

"YES!!" sigaw nito saka niyakap ang kanyang ama na ikinaselos ko..

"Grabe Saya niyo ah." Bulong ko..

Nang matapos kaming kumain sunod kong pinaliguan si Lukas at binihisan. Pagkatapos ihahatid kona sana sa school ng pigilan ako ni Tantan.

THE UNFORGETTABLE NIGHT (BxB) Where stories live. Discover now