Mike and Yssa, these two were friends since their childhood. Sakitin si Mike nung bata pa sila, kaya madalas syang alaagan ni Yssa. But behind those sweetness, may mga time din na nag aaway sila and nag pipikunan. Close din ang family nila pero hindi sila related. Sa sobrang close nila, sobrang laki na nang tiwala nang daddy ni Yssa kay Mike, to the point na kahit saan at kahit anong oras, basta si Mike ang nagpaalam, Auto sige agad Yung parents ni Yssa. Since wala naman ibang kaibigan si Mike maliban kay Yssa, Malaki ang respeto ni Mike kay Yssa at kita yun sa mga kilos nya. The way he treat Yssa, kapag nakakatulog Ito pag nag li-late night study sila, movie marathon, that one time na napilayan si Yssa kaya binuhat sya ni mike and many more caring moments. Para na talaga silang magkapatid sa mata nang ibang tao.
MIKE'S POV
Ringgggg, ringggg, ringgggg
Nagising ako sa ring nang selpon ko Kasi may tumatawag.
"Hello?" Sagot ko habang nag tatangal pa ng muta
"Bumangon kana, mali-late na tayo."
"Sino ka?"
"Wag nga ako Mike! Aga-aga ehh! Bilisan mo na dyan! Anong oras na!"
Tottt, tottt, tottt.
Sabay baba nya sa cellphone nya.
Pag kapatay ng call, pumasok si daddy.
"Mike? Tulog kapa?" Bumangon naman ako nang dahan dahan at nag unat. "Medyo tulog pa po" sabi ko kay dad habang humihikab.
"Bilisan mo na dyan at tumawag sakin si sarge mo na pupunta daw sila dito ni Yssa. May urgent meeting Kasi sila sa company nila so ipapasabay nya na lang daw si Yssa sayo. Kaya bumangon kana dyan bago kapa nila maabutan."
"Opo"
Then bumaba na si dad.
Yssa Mae Dela Vega, kaibigan ko sya since elementary, I mean kinder. Masyado sya nun mapang-asar dahil lampa lampa pako nun. Sakitin kasi ako nung bata ako kaya lagi nya akong inaasar, but for some reason, inaaway nya rin lahat ng nang aaway sakin. Ewan ko, siguro dahil baka gusto nya sya lang ang mang bully sakin. Time passed and now we're 18. I mean, I'm 18 and she's 17. Malapit na naman sya mag debut kaya parehas lang din yun. Matik pink theme toh, pink freak tong si Yssa ehh. Pero sa kilos at porma nya, hindi mo aakalaing pink ang fave color nya. Masyado syang siga since elementary Kami, to the point na Yung pinakamataba naming kaklase na lalake is hindi na ako binubully Kasi natatakot sya kay Yssa. Pero noon pa naman yun, iba na ngayon. Habang lumalaki Kami, nawala na Yung pagiging sakitin ko at naging active din ako sa mga outdoor activities.
Grade 12 na kami ngayon, at limit lang ang kaibigan ko. Siguro dahil kay Yssa, sya Kasi Yung kaibigan na pagkasama mo sya, wala kanang hahanapin pa. Pupunan nya talaga lahat.
Pagkatapos ko maligo, bumaba na ako. Pag dating ko sa sala, si Yssa agad ang tumambang sakin. Nakaupo sya sofa tas nakatingin sya sakin ng matalas. Nag pause lang ako nang kunti habang tinitingnan din sya, then dumiretso nako sa table. Sa unang hakbang ko pa lang.
"Pok"
Binato ako ni Yssa nang suklay nya.
"Aray! Ano problema mo!!?"
Hindi sya sumagot tapos Dali dali syang lumapit sakin. Pag karating nya sakin, hinawakan nya braso ko, hinila nya ako. Binitbit nya rin yung bag ko na nasa sofa habang hinihila ako.
"Una na po Kami Tito, tita, dad!"
Sigaw nya kina mommy habang nag uusap Naman sila nina sarge.
"Sige ingat kayo mga anak" saad Naman ni mommy.