Ito nga ako at naghahanap ng maisusuot dahil pasukan nanaman, ewan ko ba bagot na bagot ako gumising kapag may pasok pero nung bakasyon naman ay sinasabi ko sa sarili ko na naboboring ako dito sa bahay.
Ayokong isuot yung uniform ko na pang shs dahil mainit kasi yun, lalo at sobrang init ng panahon ngayon kaya ang napili ko na lamang suotin ay kulay black na pantalon at white t-shirt at nagsapatos na lang din ako.
"Alis na ako," Paalam ko kay kuya na kumakain. Si papa naman ay maaga umalis dahil kailangan siya ng boss niya daw.
"Hindi ka mag aalmusal?" Tanong pa niya. Umiling na lamang ako, dahil nakasanayan ko naman na kasing gawin na hindi kumain ng almusal.
Nilalakad ko lamang ang school namin dahil sa sobrang lapit neto, mga 10 minutes ang lakad ko papunta ng school.
"Kringgg, kringgg, kringgg."
Shit, ang lapit na nga ng bahay namin tapos mala-late pa ako ano ba naman yan. Binilisan ko na lamang maglakad para makapos na sa first subject ko.
Kailangan ko mag focus sa pag aaral ko ngayon dahil grade 12 na kami at gra-graduated na. Noong bakasyon ay inalis ko sa isipan ko si sir rodny, baka paghanga lang talaga ang nararamdaman ko sakaniya at buti nalang ay minsan naaalis ko siya sa isipan ko. Ang pagtuunan ko ng pansin ay an pagbabasa ng mga novel sa libro.
"Are you not going inside Miss Fleur? Im your first subject in Practical Research 2."
Natigilan ako at parang nahugot ko ang hininga ko nang lumingon kay Sir Rodny. Shutabels mas lalo akong natigilan dahil sa itsura ni sir rodny ngayon, parang mas lalo siyang bumata dahil sa gupit ng buhok niya at mas lalo din siyang naging pogi dahil sa suot niyang salamin habang ang mukha niya ay seryoso na nakatingin din saakin.
"Excuse me." Malamig na sabi ni Sir Rodny.
Para akog natauhan sa pagsasalita niya ulit kaya naman ay kaagad akong pumasok at naghanap ng mauupuan, nakita ko si Alyana na tinuturo ang bakanteng upuan niya sa tabi niya kaya naman kaagad na akong umupo doon. Nagsitahimikan naman silang lahat dahil sa presensya ni Sir Rodny.
Buti at wala naman masyadong ganap at puro introductions lang ang ginagawa ng teachers buong maghapon. Buong maghapon ko din hindi nakita sila izara at charlene, baka busy sila sa kaniya kaniyang ginagawa nila.
Buti at kasabay ko umuwi sila Alyana at Alliyah ngayon, medyo malapit lang din naman ang kanilang bahay kumpara kila charlene at izara na merong sundo. Habang naglalakad kami dito sa jhs ay nakita ko si Sir Rodny na napabaling ang tingin saamin. Nakaupo siya sa gilid ng new faculty nila na madadaanan namin.
"Mga anak!" Kaagad kaming natigil sa paglalakad nila Alyana at Alliyah dahil sa pagtawag ng isang teacher saamin. Lumingon naman kami doon at sinesenyasan kami na pumasok sa faculty nila kaya wala na kami nagawa kundi pumasok doon.
"Yes Maam?" Tanong ni Alyana. Siya lang naman ang parang close sa mga teacher's. Kami ni Alliyah ay tahimik lang.
"Pakikuha naman ng mga libro doon sa kabilang faculty, isang bitbitan lang iyon." Utos ni Maam. Tumango naman kami at kaagad na pumunta doon.
Nakita namin sa gilid ng faculty yung pinapakuha kaya naman kinuha na namin kaunti lang iyon pinaghatian namin tig tatatlo lang kami.
"Pakilapag nalang dito yang hawak mo Alyana tapos yang sayo Alliyah ay doon kay Maam Cait, tapos yang hawak mo Jennifer ay kay Sir Rodny." Utos ni Maam.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romance(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...