Chapter 20

258 51 0
                                    

"Anak may ibibigay ako sayo!" Katok ni papa sa kwarto ko. Napakunot noo naman ako dahil ang aga niya naman umuwi ngayon, madalas kasi siyang umuuwi na gabi na.





"Ang aga mo naman yata ngayon 'pa?" Takang tanong ko nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ko.





" Ah oo anak, may pupuntahan kasi tayo mamayang gabi," Sabi niya at iniabot ang paper bag na hawak niya.





" Ano 'toh?" Kunot noo kong tanong.





" Dress. Sabi kasi ng boss ko na ayain ko kayo ng kapatid mo na pumunta sa mansion nila dahil birthday ng anak ng boss ko," Sabi ni papa.





" Ha? Huwag na! Nakakahiya naman," tanggi ko kaagad at inabot sakaniya pabalik yung paper bag, pero hindi niya man lang kinuha saakin. Pinandilatan pa ako ni papa.





" Ano ka ba naman Jennifer! Sumama kayo," pagpipilit ni papa.





"Anong sumama? Saan pupunta?" Takang sabat naman ni kuya na kakalabas ng kwarto niya.





"Sa mansion ng boss ko birthday ng anak nila kaya sumama kayo saakin mamayang gabi." Aniya ni papa.




"Hindi ako makakasama 'pa, may overnight kami ng mga kaibigan ko." Sabi ni kuya.




"Ganoon ba? Sige, itong si Jennifer nalang ang isasama ko," sabi pa ulit ni papa.





" Goodluck celeste, makakaapak kana sa mansion," Natatawang sabi ni kuya saakin. Naaasar ako 'pag second name yung tinatawag saakin, ang baduy kaya.





" 'pa si kuya oh!" Sumbong ko.





"Manahimik nga kayong dalawa! Ikaw Jennifer isuot mo yang binigay ko mamaya ha," Paalala ni papa saakin, wala na akong nagawa ng tumalikod na siya at nagmartsa paalis.





Sinarado ko na ulit 'tong pintuan ng kwarto ko, tiningnan ko naman itong binigay ni papa saakin na paper bag at binuksan. Namangha ako sa galing pumili ng dress ni papa, kulay blue ito at off shoulder siya.





"Corny naman ng dress code nila," bulong ko sa aking sarili. Hinanger ko na muna iyon para hindi malukot.




Nahiga ako sa aking kama at natulala ng saglit, pagkatapos ng pag uusap namin ni Sir Rodny last week ay hindi ko na ulit siya pinansin, hindi ko na din siya tinitingnan para makaiwas ako sakaniya.




Sakit pala mapaasa.




Maghapon ay natulog lang ako dahil natapos ko naman na lahat ng chinecheck kong papel ng mga studyante, tapos yung lesson plan ko ay meron pa naman kaya hindi na muna ako gumawa.




Pagsabit ng 6pm ay naligo na ako dahil susunduin daw ako ni papa ng 7pm para pumunta doon sa birthday ng boss niya, hays bakit pa kasi ako kasama doon. Pero hayaan ko nalang ngayon lang naman.




Pagkatapos kong naligo ay sinuot ko na yung binigay ni papa, infairness nagkasya saakin at hapit pa sa katawan ko. Ang galing naman pumili ni papa. Pagkatapos niyon ay winagayway ko lang ang buhok kong kulot, hindi naman ako marunong mag make up kaya pulbo at liptint lang ang inilagay ko sa mukha ko.




"Jennifer!" Tawag saakin ni papa sa labas ng kuwarto ko.




"Nandiyan na!" Sigaw ko pabalik at dali daling sinuot yung kulay black na sandal at pumunta na sa pintuan para buksan iyon at bumungad si papa na naka gray tuxedo ganoon din ang pants niya at kulay black na sapatos.




Loving You From Afar | CompletedWhere stories live. Discover now