Chapter 15

35 1 0
                                    

DOUBT


Bella's POV

"WE'RE glad that you chose to move here, Bella. Ang saya lang dahil sa dinami-daming lugar na pwede niyong paglipatan ni tita ng bahay, dito niyo pa napili!" nakangiting sabi sa akin ni Kyle bago siya umupo sa sofa dito sa sala namin. Kakatapos ko lang sila itour dito.

We're currently here in our house. Wala na rin namang pasok ngayon kaya pinapunta ko ang mga kaibigan ko dito sa amin. It's also boring when you're alone so I sent them here. Plano ko kasi na mag-movie marathon dito sa amin kasama sila.

"Malapit din kasi 'yung work ni mama dito at isa pa, tahimik at ang payapa lang ng ambiance dito sa lugar na ito. Malayo sa pollution, chaos from the cities, crowded people. I just really want here too." I flashed my genuine smile to him. Nakaupo na kaming apat dito sa sofa.

"Ang ganda rin ng napili niyong bahay, Bella. For sure, malaki-laki rin ang nagastos niyo rito. By the way, nasaan pala ang mga parents mo?" Althea sipped my homemade orange juice that she was holding.

Natahimik ako sa tanong niya. I just really don't know but every time I think about my parents, nawawalan ako ng gana. Maybe, because of my sulk towards them for all of their shortcomings to me.

Maybe, they can't blame me for how I feel. I am just one of all the children out there who wants enough attention and love from their parents. The only thing that they want to do for me, is to give everything I need and want, even if that's not enough.

"N-nasa team building sa Cebu si mama habang nasa abroad naman si papa, doon siya nagtatrabaho, since I was a child. Pauwi-uwi lang siya rito kapag may special occasions like Christmas, New Year, Graduation ko..." I smiled a little bit.

"Goods pala ang buhay mo, girl! Kainggit!" Kumuha si Althea ng chips sa bowl na nasa mesa.

I faked a laugh, "Hindi naman sobra."

"Start na tayo mag-movie marathon, ano kayang magandang movie genre?" Lucille changed a topic. She's currently holding the t.v. remote. I just set up our t.v., a while ago.

"'Thriller' or 'horror' para suspense!" Kyle suggested.

Althea rolled her eyes at him, "Nah! Mag-'romance' na lang tayo para nakakakilig o kaya 'tragic story' para nakakaiyak!"

"I prefer 'drama' and 'inspirational' movie." Lucille simply said.

"'Sci-fi' or 'action' na lang para cool!" I recommended.

We laughed at the same time because of our different preferences in the movie we wanted to watch right now. Hindi tuloy kami makapag-decide sa kung anong movie ang gusto naming panoorin so in the end, nauwi na lang lahat sa soundtrip. 'Buti na lang talaga pare-pareho kami ng music taste kaya nagkasundo-sundo kaming apat pagdating dito. Wala kaming ibang ginawa ngayon kundi mag-kantahan at mag-kwentuhan. Tawanan din kami ng tawanan dahil sa mga jokes ni Kyle. Ang saya lang sa pakiramdam na nagkaroon na rin kami ng bonding.

I'm so grateful because somehow, we have forgotten 'everything' that is happening to us, these past few weeks. We forget for a moment the 'fear' we feel and the 'mystery' that surrounds us all. At least for a moment, we felt at 'peace'.

Can You Find Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon