Iinat-inat ako noong nangising ako, halos hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil hindi naman ako nasanay na may kasamang matulog sa kwarto.
And Yes nagtabi kami sa kama ni Justine, dahil hindi sya mapakali sa higaan siguro ay hindi sya sanay sa sahig matulog kaya pinilit ko syang lumipat sa kama. Pero nilagyan ko ng pagitang unan sa gitna naming dalawa.
But awkward is nung bandang madaling araw, nagising akong nakayakap sya sa akin, kaya halos di ako nakatulog dahil sa pagkaasiwa, nahiya na lang akong tanggalin ang kamay nya dahil halatang mahimbing ang tulog nya.
Ang ending napuyat talaga ako >_<
Nilingon ko si Justine pero wala na ito sa higaan, kaya bumangon na ako at dumiretsyo sa cr para magtoothbrush bago lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko tahimik sa salas, mukhang wala si Justine. Kaya dumiretsyo na ako sa kusina para magtimpla ng kape.
Hawak ang tasa ng kape naglakad-lakad ako napakalawak naman pala ng pamanang Bahay kay Justine ng Daddy nya, sobrang laki para sa aming dalawang "Mag-asawa" Napangiwi ako sa naisip ko.
Hindi ko pa din maimagine.
Naglakad ako palabas , kagabi kasi noong umuwe kami ni Justine napansin kong Malaki ang garden pero hindi ko masyadong napagmasdan dahil luting pa din ako kagabi. Kaya lumabas ako para makita ang garden.
Pero napahinto ako nung Nakita ko si Mama at ang Mommy ni Justine. Halata sa kanila ang may pinag-uusapan na nakakatuwa dahil nakangiti pa si Justine habang titig na titig kila Mama.
Nanlaki ang mata ko noong napagawi ang tingin ni Justine sa akin, parang gusto ko ng umurong pero huli na. Sumenyas si Justine sa akin na lumapit daw ako.
Itinuro ko ang sarili ko. "Ako?" Sa isip ko.
Nakangiting tumango si Justine.
"Anak mukhang napagod ka kagabi kaya tinanghali ka ng gising, Mabuti na lang at maaga nagising ang asawa mo at nakapaghanda na sya ng almusal bago pa kami dumating nitong si Balae." Sabi ni Mama habang papalapit ako sa kanila.
Akmang uupo ako sa tabi ni Mama pero pasimple nya akong itinulak dahilan para sa tabi ako ni Justine mapaupo.
Napaigtad naman ako noong maramdaman kong hinawakan ni Justine ang bewang ko.
Papansin naman neto! Anong feeling nya asawa feels kami sa harap ng mga parents namin?
"Ma bakit pala ang aga mo?"
"Gusto namin kamustahin ang unang araw nyo bilang mag-asawa. Napakabilis kasi ng pangyayare para kalian lang baby ka pa namin ngayon may asawa kana."
Lah! Si Mama, e sila naman ni Papa ang nagmamadali! Kung ako nga ayaw ko sana.. Haysss!
"Wifey, nagyayaya si Mama sa Mansyon mamayang gabi for dinner. Darating si Lolo."
Napalingon ako kay Justine na nakakunot ang noo. Tama ba ang narinig ko? WIFEY? Ngumiti lang ito sa akin. AT lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko.
Hindi ako umimik.
"Iha anak, pagbigyan mo na si Papa. Favorite na apo kasi itong si Justine kaya ganun na lang ang tuwa nya noong nalamang nag-asawa na si Justine. Kaya from Europe umuwe pa sya para icongrats si Justine." Nakangiting sabi sa akin ng Mommy ni Justine.
Wala naman akong nagawa kundi umu-o.
Juice colored akala ko ba sa papel lang kami mag-asawa! Ano ba tong napasok ko?.....
***************************************************
Huminga ako ng malalim noong pagbuksan ako ni Justine ng pinto ng kotse. Actually nandito na kami sa mansion. Inilahad nito ang kamay kaya iniabot ko naman ang kamay ko at inalalayan nya akong makababa.
Naghahalo ang nararamdaman ko, para akong maiiyak na matatae na maiihi, haluaan pa ng nasusukang pakiramdam. Lalagnatin ata ako!
Eto naming si Justine na simula ng umalis sa Bahay si Mama at ang Mommy nya ay hindi naman umiimik. Ang nakakatuwa pa, habang kumakaen kaming dalawa ng walang imikan. May inabot sya sa aking notes.
Napataas pa ang kilay ko noong basahin ko.
"Pumunta tayo sa mall para magshopping ng isusuot mo"
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. And nagpunta nga kami sa mall, pero iniwan nya lang ako sa isang shop tapos hinayaan akong mamili ng damit. Bumalik sya after 30minutes and sinabi nya lang na sya ang magbabayad ng pinamili ko.
Hinagip nya ang braso ko at inilagay sa braso nya. Gusto ko sanang tumutol pero naglakad na sya kaya napasunod na lang ako sa kanya.
Noong makarating kami sa entrance ng mansion para akong nasa isang venue ng kasalan dahil sobrang daming bisita. Kamag-anak nya ba lahat ito?
Isa-isang sumalubong sa kanya ang mga kaedaran nya lang na siguro ay mga pinsan nya. Bumeso beso sa kanya at kinocongrats sya.
Ngumingiti lang naman ako sa kanila at nakikibeso sa mga babaeng bumebeso sa akin. Si Justine naman ang bahalang mag introduce ng pangalan ko, tapos sinasabi din nila pangalan nila pero parang wala naman akong natandaan Kahit isa.
BINABASA MO ANG
After Marriage
FanfictionSi Monique.. Nabroken hearted sa boyfriend nya at dahil sa isang gabing pagkakamali, magpapakasal sya sa lalaking isang beses palang nyang nakita. Paano iikot ang mundo nilang dalawa ni Justine AFTER MARRIAGE? ******************* Hello Readers here...