.____.-*-.
“You look like her,” sabi niya at umiwas ng tingin. Minsan niya itong sinasabi sakin kapag tumititig siya sa aking mukha.
Kamukha ko nga ba ang pumanaw niyang girlfriend? Ex girlfriend rather?
-----
“Love me, maybe kung magsama tayo ng matagal, magawa mo na akong mahalin at hindi na siya ang makikita mo sa akin,” sabi ko na may pagsusumamo habang hawak ang mga kamay niya. Mahal ko siya subra, gagawin ko lahat, mapasaakin lang siya.
He looks at me with sorrow in his eyes. Does he still love his ex? Or he's just guilty of the death of his ex?
“Okay, let's try. Maybe it will work out,” he said.“We’ll work out,” pagsisigurado ko.
I knew it! He still had not moved on to his ex-girlfriend, Razila. Minsan niya ring kinuwento sa akin ang tungkol sa kanila lalo na ang aksidenteng nangyari sa kanila na kinamatay ni Razila.
Nasa kotse silang dalawa nung gabing iyon, nasa passenger si Razila habang nagmamaneho naman si Dein. Nagtatalo silang dalawa dulot sa naramdamang selos ni Razila. Tila ubos na ang pasensiya ni Dein kaya nakipagbreak siya sa kaniya. Simula naging sila, nagiging mahigpit na si Razila sa kaniya na umabot sa punto na parang nasasakal na siya. So that night, he decided to break up with her, which made Razilda do a horrible thing.
“Kung maghihiwalay tayo, mas mabuting mamatay na lang tayong dalawa na magkasama,” sabi niya at inikot ang manibela, pinigilan ni Dein si Razila na wala na sa katinuan hanggang sa naaksidente sila.
Tulad silang duguan at dinala ng mga nakakita sa hospital. Nacoma si Dein ng ilang buwan due to accident. Pagkagising niya, binalitaan na lang siya na patay na si Razila. Of course, he mourned the death of his ex-lover. I'm there, watching him cry beside the grave of Razila.
Razila, ang babaeng kamukha ko. Siyempre kamukha ko siya dahil ako siya. I fake my death.
After naaksidente, ako unang nagising. Nalaman kong nadeform ang mukha ko dahil sa aksidente so nagpasurgery ako. At masasabi kong may nagbago sa mukha ko, I'm not pretty as before. Pero may parte ng mukha ko na makikitaan parin ng dating mukha ko lalo na kung titigan ako. Nadepressed ako lalo't nacoma pa ang pinakamamahal ko. Pero nang magising siya, katabi niya lang ako nun. Kaming dalawa lang nun pero tila hindi niya ako nakilala.
“S-Sino ka? Where am I?.... R-Razila, where is she?” sabi niya ng maalala niya ang nangyari.
Nagtataka ako.
“Tatawag lang ako ng doctor, na gising ka na.”
Lumabas ako at doon ko napagtanto na magiging paki-pakinabang ang pagbabago sa ilang bahagi ng mukha ko. I told my parents and his parents and our small circle of friends about my plan. Plan of having new identity, Razila to Hazilda without him knowing. They know how much I'm inlove with Dein, wala na silang magagawa dahil kung hindi sila aayon. Baka mas malala pa ang magagawa ko. At tiyaka pinagkasunduan din naman kami ng mga parents namin dati pa.
We start over again..
Nakipagkaibigan ako sa kaniya at nagpakilalang Hazilda, from rich family but my parents died. May iniwang pamana. Gumawa ako ng kwento.
They said, my few friends, I'm crazy at hindi na ito pag-ibig, kahibangan na ito, it's obsession. Whatever, kung ano pa yan.
I want him
I need him
He’s mineNow that we're lovers again, I'll be a better girlfriend to him, so it will not happen again.
.____.-*-.
A/N
– mula sa kathang isip ng manunulat.
– tumatanggap ng pagtatama.
– plagiarism is a crime