Katawan ko ngayo'y siyasatin
upanding masuri ang adhikain
ng nilalang na gaya kong walang ibang mithiin
kundi ang igugol ang buhay para sa sariling atin.Gaya ng isang topasyo;
sarisaring mapuputlang kulay na kristal - hiyas na bato,
dyamante: isang uri ng matigas, mahalaga't nagniningning na ginawang alahas,
isang rubi: magkaibang kulay na pula ng corundum - na mahalagang bato bilang hiyas
sa lahat ng nabanggit ay sana'y ganoon ang pagtingin ng tao sa gaya kong guro.Sa t'wing ako'y dadako sa 'di ko alam na paroroon,
muli kong naharap ang aking mga kaklase noon;
sila na'y doktor, nurse, inhinyero at mayro'n ding arkitekto
bigla nila akong tinungo't tinanong, "kumusta ka ba bilang guro?"Mga tingin nila'y para bang sa aki'y naawa
sapagkat ito lamang ang propesyong aking nakuha,
oo nga! ako'y isang publikong guro na nagtuturo sa mga bata
ngunit 'di nila alam nakasalalay sa aking mga kamay ang iba't ibang propesyon nila.Kung walang gurong nagtuturo sa paaralan,
walang doktor at nurse na masisilayan sa pagamutan,
walang inhinyero't arkitektong magplaplano't gagawa ng imprastraktura o kabahayan,
sa lahat ng propesyong inyong nalalaman sa likod nito'y mayro'ng gurong nagsisikap kahit na nahihirapan.Pahiran n'yo nawa ang luha ng gurong minsa'y 'di na matatandaan,
hugasan n'yo nawa ang dugong nanalong sa gitgit upang gumaan-gaan,
sana sa t'wing kayo'y makararating saanman,
bilang inyong guro'y 'wag n'yo kong kalimutan.Naging buhay ko na ang pagtuturo,
pati na ang mga alaalang nabuo mismo sa loob ng apat na sulok kasama ang mga mag-aaral ko,
kaya nais kong ipaabot at ihabilin sa inyo ang mga katagang,
"Ako'y isang guro at 'di guro l a m a n g!"
BINABASA MO ANG
Scribbled
Randompinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...