Stell's POV:
"Ay di na niya sineen, baka nakatulog na." Inilapag ko na ang phone ko sa table, para makakain na ako.
*Doorbell
"Haha, ambilis naman." binuksan ko ang pinto at nakita ko ang alaga kong halatang nag madali pang tumakbo dito. Pano naman kasi yung buhok niya gulo gulo halatang kaka galing lang sa kama.
"Hi." Kumaway pa ito.
Gosh Pablo, your litol wave is killing me. Bakit nag papa cute ka sakin?
Huwag mo naman ako bigyan ikaka pahamak ng puso ko.
"Hello, pasok ka." Kinalma ko ang sarili ko at pinapasok na ito.
"Thank you."
Naglakad na ako papuntang kusina, sunod naman ang alaga ko.
"Nag madali kaba?" Tanong ko ng makaupo na ako.
"Hindi ah."
Nagsisinungaling pa halata naman, cute~
"Bakit ganyan buhok mo?" I even frowned at him.
Natawa naman ito at inayos na ang buhok, bago umupo sa tapat ko.
"Akala ko tulog kana, di mo na kasi sineen."
"Nabasa ko naman sa notifs ko kaya nag punta na ako dito."
"Aaahh.. Akala ko ba okay ka lang." I even wiggled my eyebrows before laughing at him.
"Eh kasi parang natakam ako."
"Sige na nga, ikaw naman nag bigay nito, ipag dadamot ko paba sayo."
"Baliw ka talaga Stell."
"Haha, dali na pili kana. Ano bang gusto mo jan sa apat?
"Ikaw muna pumili mamaya yung gusto mo yung piliin ko, tapos tampo ka nanaman."
"Grabe naman, hindi naman ako tampupurut no."
"Okay sabi mo eh."
Sinamaan ko lang ito ng tingin, tapos tinawanan lang ako. Bwisit talaga tong si Pablo lakas mang asar.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
Fiksi PenggemarIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?