PROLOGUE
"Kahit nakakapagod ng maging 'ayos lang' sa lahat ng taong nasa paligid ko. Kakayanin ko, matago lang ang kahinaan ko."
Sapphire Raine K. Flores"Umalis ako sa tabi mo ng walang paalam. Alam kong nasaktan kita. Ngayon, nandito na ko. Alam kong nakakaloko tong sasabihin ko pero, matatanggap mo pa ba ako sa piling mo ngayong nagbalik na ako?"
Zachary Wayne G. Jimenez"Ako ang kasama mo bata pa lang tayo. Pero bakit nung dumating si Zach, nakalimutan mo na ako? Iniwan ka nya. Nanatili ako. Pero bakit sya pa rin ang gusto mo?"
Aeious Pain D. Rosales"You got my attention the moment you punched my face. Now tell me, iiyak ka na lang ba dyan at ipagsisigawan kung gaano mo ka-miss at ka-mahal ang tarantadong Wayne na yon? Kasi tangina lang, nasasaktan ako."
Izzy Gael G. De Luna"Ano bang meron si Saph na wala ako? Lagi na lang nya inaagaw lahat. Si Zach, ang atensyon ng parents namin, ang kasikatan. Wala man lang syang tinira sakin. Bakit ganun?"
Ruby Summer K. Flores"Mahal ko na si Raine unang kita ko pa lang sakanya. Pero, bakit tuwing nakikita kitang malungkot parang gusto kitang lapitan at patawanin? Nahihibang na ba ko?"
Daisuke Seven L. Ramirez"Kapatid na ang turing namin ni Kambal kay Raine. Kaya tangina lang, saktan mo sya at sisiguraduhin naming pagsisisihan mo ang bawat patak ng luhang pinalabas mo sa mata nya."
Strike H. De Mesa"Mahal ko si Saph pero tanggap kong hanggang kaibigan lang talaga nya ko. Pero tandaan mo to, hindi porke ikaw ang minahal o mahal nya, basta mo na lang sya babawiin na parang hindi mo sya iniwanang nag-iisa."
Yael M. LedesmaWalong tao na pinasaya at pinahirapan ng pagmamahal. Makakaya kaya nila ang sakit na dulot nito?
BINABASA MO ANG
When Fire Melts The Ice
RandomFirst story of mine. Wag nyo kong husgahan kung di nyo gusto. K? Hindi po ako nagde-demand ng comments, votes, follow and etc. Basta po may nagbabasa ok na ko dun. Pffft! Hahaha.