----
GIANA'S POV
(MORNING)
Ang sumisiklab na init at pawis ko ang siyang nagpamulat ng mga mata ko.
Ganoon nalamang ang paglawak ng labi ko ng makita ang anak kong payapang natutulog sa akin.
Mariin kung hinusay ang buhok niya at hinalikan siya sa noo tsaka na isinalin ang ulo niya sa balikat ko.
Unti-unting dumilat ang mata niya habang ngumanganga ang bibig nito. Napatawa ako sa kaniya tsaka siya hinalikan sa pisngi.
“Ano ito 'Nak, magic?” Pagtuturo ko sa kamay niya nakahawak sa dibdib ko. Mabilis niya naman itong kinuha at dumikit sa kilikili ko.
“Umaga na oh. Gising na at maligo ka dahil pupunta tayo sa school mo. First day of class mo Ngayon o,” tumaas ang mga kilay niya at tumagilid ang ulo nito.
“First day of class?” malumanay na tanong niya.
Napatango ako. “Yup. Grade one,” sagot ko.
Napakurot lang ito ng kilay tsaka na muling ipinikit ang mga mata niya. Napangiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo bago paman napatayo upang magluto na sa kusina.
Maya-maya paman pagkatapos kong ihanda lahat ng pagkain sa mesa ay na siyang lumabas habang kinakati ang gilid ng puwit niya.
“Sit down na, dali.” Napatango lang ito at napaupo.
“Tika lang ha at ikukuha kita ng paborito mong magnum. After this, aalis na tayo ha?” Hindi lamang ito napaimik kaya tuluyan na akong pumunta ng kusina at kumuha ng dalawang magnum sa loob ng ref.
Muli akong bumalik dito at makikita ko siyang tulalang nakatitig sa repleksyon niya mula sa pinggan.
Maya-maya paman ay muling napayuko na itong pinahiran ang mukha niya gamit ang damit niya.
Dramatic?
Malumanay akong lumapit at tumabi sa upuan niya.
“Ayos kalang ba, Anak?” Tango lang ang naging sagot niya.
“Gusto mo bang maglaro sa labas. Marami bata ang nagpapalipad ng saranggola o.” Iling lang ng ulo ang muling sagot niya.
“What did dad really look like when he was a kid? Is he handsome? A weirdo? A nerd or what?”
“He's like you,” sagot kong pinagsisihan ko.
“I hate my face then,” aniya.
Napahinga nalamang ako ng malalim tsaka na kinuha ang pinggan niya sa harapan at paisa-isa siyang sinubu-an.
Limang subo lang ang naibigay ko sa kaniya ay napailing na siya at tumayo sa kinauupuan niya sabay na uminom ng tubig at nag toothbrush.
Hinila ko na siya sa loob ng bathroom at pinabihisan narin. Pagkatapos namin magbihis pareho ay kaagad ko na siyang inayos.
Ganoon nalamang ang pagngiti niya ng mga oras na nilalagyan ko ng pulbos ang leeg at kilikili niya.
BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
ActionCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...